4 na bagay na dapat ituro sa bata para maihanda siya kapag may lindol o kalamidad

I am Joyce B. Sandoval, 34 years old, mother of two. Joash Andrei is 7 years old, and Julienne Alyce is 4 years old. I am a Pastor, Nurse by Profession, Entrepreneur, and a Housewife.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nga ba natin dapat ihanda ang ating mga anak sa oras ng lindol o kalamidad? Bilang isang magulang dapat ihanda rin natin ang ating mga anak sa posibleng kalamidad na dumating.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit dapat handa rin sa kalamidad ang ating mga anak?
  • 4 tips sa paghahanda sa kalamidad kasama ang ating mga anak

Maaari kasing makaapekto ang mga karanasan nila habang sila ay bata sa kanilang childhood experience at makaapekto sa kanilang growth at development.

Kaya naman mas maganda kung sa kanilang murang edad ay malaman na nila ang pagiging handa. Hindi lamang ang psychical readiness, pati na rin ang emotional at mental awareness.

Lalo pa’t ang ating bansa ay nasa active belt ng mga eartquake epicenters, marami ring mga bulkan sa atin at tectonic plate boundaries. At kabilang din tayo sa Pacific Ring of Fire.

Noong July 24 ngayong taon lamang ay nakaranas tayo 6.4 magnitude na lindol na ang epicenter ay sa Batangas. Subalit ramdam ito sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at karatig na lugar.

Kaya mahalaga na matutunan natin na hindi lamang tayo ang maging handa, mas maganda na kasama rin natin ang ating anak sa paghahanda sa mga ganitong kalamidad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Bakit dapat handa rin sa kalamidad ang ating mga anak?

Sapagkat posible na magdulot ito ng takot o trauma sa kanila. Maaaring magkaroon ng epekto ang mga ganitong karanasan sa kanilang mga pag-iisip o tinatawag natin Childhood Negative Experiences.

Kaya bilang isang magulang maganda na ito ay matutunan at mapaghandaan. Mahalaga ang involvement ng bawat miyembro ng pamilya sa paghahanda sa kahit anomang kalamidad ang dumating.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

pero ano ng aba ang dapat natin matutunan?

4 na bagay na dapat ituro sa bata para maihanda siya kapag may lindol o kalamidad

Ang mga tips na ito ay angkop lamang sa mga batang may edad na tatlong gulang pataas.

1. Turuan natin sila na maging mahinahon.

Kung makikita nila na tayo ay nagpa-panic o nagkakaroon ng takot, ay maaaring sila rin ay makaramdam ng stress o ng negative reaction.

Children imitates our action, kaya mahalaga na tayo rin ay maging mahinahon. Kung sila ay nakakaramdam ng takot maganda na turuan natin sila na proper breathing techniques.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Katulad ng inhale-exhale techniques, makakatulong ito dahil ang oxygen ay dadaloy sa kanilang utak, na sapat na upang silang matulungan ma-relax.

Ituro natin sa kanila na maging mahinahon sa ating mga kilos, lalo na sa ating paglabas ng bahay sa panahon ng lindol.

BASAHIN:

Parents’ Guide: 10 First Aid tips na dapat malaman ng lahat ng magulang

10 bagay na dapat gawin at ihanda bago dumating ang bagyo

Emergency first aid for common household injuries: Important info for parents

2. Dapat malaman nila kung ano ang dapat gawin sa pagdating ng kalamidad.

Lalo na’t kung wala tayo sa kanilang tabi sa panahon ng lindol at kalamidad. Ituro sa kanila ang DUCK-COVER and HOLD DRILL, mga dapat nilang puntahan sa oras ng lindol.

Ituro sa kanilang ang pinakaligtas na paraan upang maprotektahan ang kailang katawan o sarili sa panahon ng lindol. Dapat din nilang malaman kung saang bahagi ng tahanan ang delikado at kailangan iwasan.

Katulad ng mga babasagin lugar na maaaring may mahulog. Ito ay para maiwasan nilang mapuntahan ito kapag lumindol. Dapat din natin ituro kung nasaan ang mga kakailanganin gamit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Mahalaga na ituro rin natin ang nilalaman ng emergency kit bag at kung saan ito matatagpuan sa panahon ng pangangailangan. Halimbawa ng mga laman ng emergency kit bag:

  • Flashlight/batteries
  • Drinking water
  • Food
  • Hygiene kit
  • Emergency maintenance medicine
  • Damit/kumot
  • Whistle
  • Radio

3. Pagre-reassure sa kanila.

Mahalaga ang reassurance sa mga bata sa panahon ng kalamidad. Maaari nating sabihin na posible na may kaharapin talagang panganib pero kung alam nila ang kanilang gagawin ay mababawasan o maiiwasan nila ito.

Mahalaga din na ihanda ang kanilang mga emosyon. Malaki ang maitutulong ng pananalangin sa kanilang paglaki at lalo na sa mga panahon na hindi inaasahan pangyayari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa rin na kailangan ituro sa para sa kanilang emotional support ay huwag silang matakot na magsabi sa ating mga magulang ng kanilang nararamdam. Kung natatakot sila o nangangamba sa panahon ng kalamidad.

4. Iwasan silaang takutin.

Nakakakadagdag ng stress para sa mga bata kung sa paghahanda pa lang ay matatakot na sila. Hindi maiiwasan ang takot pero kung gagamit tayo ng mga tamang salita sa ating paghahanda ay matutulungan natin sila na ma mindset ang mga dapat gawin.

Mahalaga ang mind setting sa bata, dahil nade-develop sa kanila ang abilidad na magtiwala at maging handa sa kanilang gagawin. Bilang mga magulang tulungan natin sila na maging pokus sa kanilang paghahanda.

Ipaalala sa kanila kapag dumating ang anomang kalamidad katulad ng lindol ay huwag silang pangunahan ng takot ay alalahanin lamang ang mga paghahanda na iyong tinuro sa kaniya.

Bilang isang ina, mahalaga ang training sa ating mga anak, sapagkat ito ay dadalhin nila hanggang sa kanilang paglaki. Kaya naman i-train natin sila para maihanda ang kanilang pag-iisip para sa kanilang mental consciousness.

Proverbs 22:6
6 Train up a child in the way he should go, and when he is old he will not depart from it.

Written by

Joyce Sandoval