10 bagay na dapat gawin at ihanda bago dumating ang bagyo

Heto ang ilang mga kailangang tandaang safety tips at paghahanda sa bagyo upang manatiling ligtas at malayo sa pahamak ang iyong pamilya.
Hindi na bago sa Pilipinas ang pagdaan ng mga bagyo. Ngunit kahit sanay na ang mga Pilipino sa bagyo, importante pa ring paghandaan ito. Dito papasok ang iba’t-ibang safety tips at paghahanda sa bagyo.
Mahalagang masigurado mong ligtas ikaw at ang iyong pamilya, kaya’t heto ang ilang mga mahahalagang bagay na kailangan mong tandaan!
Paghahanda sa bagyo: Mga kailangang tandaan
Ang mga boy scout ay mayroong kasabihan na “laging handa”. Isa itong magandang pilosopiya na hindi lamang para sa mga boy scout, ngunit para na rin sa ating lahat.
Ang pagiging laging handa ay isang mabuting paraan upang makaiwas sa sakuna at para sa mga magulang, upang panatilihing ligtas ang kanilang pamilya.
Kung inyong titingan ang video na ito, makikita niyo na malapit nang tumama ang bagyo sa ating bansa.
Kaya mabuting sundin ang mga tips na ito bago pa humagupit ang buong lakas ng bagyo.

Paghahanda sa bagyo | Image from Unsplash
1. Subaybayan ang balita tungkol sa bagyo
Ang pagkakaroon ng impormasyon ay isa sa pinakamabisang paraan upang siguraduhing ligtas ang iyong pamilya. Puwede kang makialam sa internet, manood ng TV, o kaya ay makinig sa radyo tungkol sa paparating na bagyo.
Sa pamamagitan nito, ikaw ay makapaghahanda at makakapagplano para sa bagyo.
2. Huwag nang lumabas kapag hindi kailangan
Kapag kasagsagan ng bagyo, mabuting manatili sa inyong tahanan o sa isang ligtas na lugar. Huwag nang lumakad pa, o kaya ay bumili pa ng kung anu-anong hindi naman kinakailangan.
Mas mabuting manatili sa loob at iwasan ang hagupit ng bagyo.
3. Alamin kung saan puwede lumikas
Kung madalas bahain ang inyong lugar, mabuting makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at alamin kung saan kayo puwedeng lumikas.
Siguraduhin din niyong nakaayos ang gamit sa loob ng bahay, at nakakandado ang mga pinto, gate, bintana, atbp. upang makaiwas sa mga magnanakaw.
Huwag kalimutang sundin ang payo ng lokal na pamahalaan pagdating sa evacuation. Kahit na tingin mo ay hindi pa mataas ang baha sa lugar niyo, mabuting mag-evacuate na agad basta sinabi ng pamahalaan.
4. Itaas ang mga gamit na maaabot ng tubig
Kung ang bahay niyo ay nasa flood zone o madaling pasukan ng tubig kapag umulan, itaas na agad ang mga importanteng gamit katulad ng appliances. Siguraduhin na hindi ito maaabot ng baha kung sakaling pasukin man kayo ng tubig kapag umulan.
5. MAGING ALERTO
Sa ganitong sakuna, kinakailangan ng dobleng bilis ng pagkilos. Oras ang kalaban mo at buhay ng pamilya ang nakasaalang-alang. Bukod sa panonood ng telebisyon at pag-aalam sa sitwasyon ng bagyo, talasan din ang pandinig kung sakaling nag anunsiyo na ang barangay na kailangan niyo nang lumikas.
Bilisan ang kilos at kung inutos na lumikas, sundin ang mga awtoridad para sa kaligtasan ng pamilya. Bago umalis ng bahay, kinakailangang dala-dala mo ang mga ito:

Paghahanda sa bagyo | Image from Unsplash
Paghahanda sa bagyo: Mga gamit na kailangang dalhin
Narito ang ilang mga mahahalagang bagay na kailangan mong isama sa paghahanda sa paparating na bagyo:
1. Tubig 1 gallon (3.78 liters)
Ang gallon na ito ay kada to bawat araw; 1 liter pang-inom at 3 liters panghugas. Maaaring gumamit naman ng water purification tablets upang maglinis ng isang litro ng tubig.
2. Pagkain
Importante ang magkaroon ng pagkain sa paghahanda para sa bagyo. Siguraduhin na kasiya ito sa buong pamilya at tatagal ng tatlong araw. Piliin ang mga canned goods, crackers, cereal o ibang pagkain na hindi agad napapanis.
3. Emergency Kit
Mas maganda nang ikaw ay handa sa anumang oras. Narito ang mga dapat mong i-pack at dapat makasama sa emergency kit
- Pito
- Flashlight
- Multi-purpose knife
- Posporo
- Lighter
- Kandila
- Transistor radio
- Glow sticks
- Garbage bag
- Heating blankets (siguraduhin na madali itong bitbitin)
- Lubid (iwasan ang nylon)
- Sleeping bag
- Plastic laminated ID para sa bawat miyembro ng pamilya
- Emergency numbers
- Emergency/Disaster guide
- Mapa ng evacuation sites
4. First aid kit
‘Wag na ‘wag kakalimutan ang first aid kit. Importante ito lalo na kung biglang may masugatan o madisgrasiya sa pamilya.
- Medicine
- Alcohol
- Adhesive strips
- Hypoallergenic medical tape
- Triangular bandage
- Wound dressing no. 15
- Antiseptic swabs
- Metal tweezers
- Disposable scissors
- Safety pins
- Resealable plastic bags
- Disposable gloves
- First aid reference guide
5. Personal na kagamitan
- Extra na damit para sa buong pamilya
- Sapat na pera
- Mga personal na dokumento
- Impormasiyon tulad sa SSS, TIN, driver’s license
- Bank account, land title at iba pa
- Passport, birth certificate, marriage contract at iba pang valid ID
- Medical records
- Prescription medication
6. Hygiene Kit
- Toothbrush, toothpaste
- Suklay
- Towel
- Alcohol
- Sanitary napkins
- Antibacterial soap

Paghahanda sa bagyo | Image from Unsplash
Emergency Hotlines
Moms, dads, narito ang listahan ng emergency hotlines na maaaring tawagan sa oras ng sakuna.
911- National Emergency Hotline
National Disaster Risk Reduction and Managements Council (NDRRMC)
Trunk lines:
(02) 8911-5061 to 65 local 100
Operations Center:
(02) 8911-1406
(02) 8912-2665
*(02) 8912-5668
(02) 8911-1873
Office of Civil Defense – National Capital Region:
(02) 8421-1918
(02) 8913-2786
Office of Civil Defense – Region I:
(072) 607-6528
Office of Civil Defense – Region IV-A:
(049) 531-7266
NDRRMC Region IV-B:
(043) 723-4248
NDRRMC – Cordillera Administrative Region:
(074) 304-2256
(074) 619-0986
*(074) 444-5298
(074) 619-0986
Red Cross
Hotline: 143
National Blood Center: (02) 8527-0000
Trunk line: (02) 8790-2300
Disaster Management Office: 134 (Staff), 132 (Manager), 133 (Radio Room)
Emergency Response Unit: (02) 8790-2300 local 604
Telefax: (02) 8527-0864
Philippine Coast Guard
Hotlines:
(02) 8527-8481 to 89
*(02) 8527-3877
(02) 8527-3880 to 85
Text hotline:
0917-PCG-DOTC (0917-724-3682)
0918-967-4697
PHIVOLCS
Trunk line: (02) 8426-1468 to 79
PAGASA
Trunk line: (02) 8284-0800
STAY SAFE PO!
Source:
BASAHIN:
Bride kinasal sa gitna ng bagyo at baha
Lindol safety: 10 tips na dapat gawin para sa bawat edad ng bata
Heto ang dahilan kung bakit hindi dapat maglaro sa labas kapag may bagyo