Nag-open up si Carla Abellana tungkol sa kanyang personal journey patungkol sa egg freezing, isang proseso ng fertility preservation na unti-unti nang tinatanggap ng mga kababaihan sa Pilipinas. Sa isang video post sa kanyang Instagram, ipinakita niya ang ilang behind-the-scenes clips ng kanyang pagbisita sa Conceive IVF Manila Inc.—mula sa ultrasound, blood extractions, hanggang sa abdominal injections.
“I had lost count of how many daily injections I had to endure,” saad ni Carla Abellana sa caption. “If at first you don’t succeed, try and try again!”
Ibinahagi rin ni Carla kung gaano kahalaga ang tamang suporta at medical team sa proseso. Pinuri niya si Dr. Ednalyn Ong-Jao, Medical Director ng klinika, sa maingat na pagpapaliwanag sa bawat hakbang. Para kay Carla, ito ay naging isang transformative experience na hindi lang physical kundi emotional at mental na paghahanda rin ang kailangan.
View this post on Instagram
Ano ba ang Egg Freezing?
Ang egg freezing o oocyte cryopreservation ay isang paraan para mapreserba ang fertility ng isang babae. Ayon kay Dr. Gia Pastorfide, Medical Director ng Victory ART Laboratory, ito ay mainam para sa mga:
-
Babaeng gustong mag-anak sa mas tamang panahon
-
May medical condition gaya ng cancer at kailangang sumailalim sa treatment
-
May family history ng early menopause
-
Couples na hindi pa ready magkaroon ng anak pero nais magplano para sa hinaharap
Paano ito ginagawa?
-
Hormonal injections – Para ma-stimulate ang ovaries na maglabas ng maraming mature eggs.
-
Monitoring at ultrasound – Para makita kung kailan handang kunin ang eggs.
-
Egg retrieval – Gamit ang ultrasound-guided procedure, kinukuha ang eggs habang naka-anesthesia ang pasyente.
-
Freezing – Ang eggs ay nilalagay sa cryogenic storage gamit ang vitrification technique.
Basahin pa ang patungkol sa Egg Freezing sa aming unang artikulo dito!
Larawan mula sa Canva
Magkano ang egg freezing sa Pilipinas?
Ang presyo ng egg freezing ay nasa ₱180,000 to ₱200,000, depende sa case at kung ilang cycles ang kailangan. Kasama na rito ang consultations, injections, egg retrieval, at ang unang taon ng storage. Magkakaroon ng hiwalay na bayad para sa annual storage pagkatapos ng unang taon.
Bakit magandang option ito para sa kababaihan at couples?
- No pressure sa biological clock
- More control sa reproductive future
- Plan-friendly para sa couples na inuuna muna ang career o pinansyal na katatagan
- Empowering choice para sa mga single women na gusto munang ituon ang panahon sa sarili
Sa panahon ngayon kung saan maraming kababaihan ang gustong pagsabayin ang career, health, at personal growth bago bumuo ng pamilya, ang egg freezing ay isa nang realistic at empowering option. Kagaya ni Carla, hindi ito madali—pero sa tamang kaalaman at suporta, posible ito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!