Sa mga tao, ang pag-aalaga ng ina ay napaka-importante. Ang pagiging ina ay nailalarawan ng sensitibong pag-aalaga. Ito ay kailangan ng endocrine systems, neuro transmitters, stress response, self-regulatory systems at iba pa.
Malaking bahagi ng utak ng mga bata ang nade-develop pagkatapos ipanganak. Kapag ang bata ay nakakatanggap ng magandang pag-aalaga, ang kanilang kabuuan at sosyalidad ay madaling nade-develop. Ito ay dahil ang kanilang mga kakayahan ay tumatatag ang pundasyon sa mga unang taon ng buhay.
Ang mga ina ay naka-ayon sa mga senyales at pangangailangan ng mga bata. Ang bata ay unti-unting natututo sa kanyang kapaligiran ayon sa mga pakikisalamuwa na nararanasan.
Ang pagiging ina ang nakakapag-turo ng pamumuhay kasama ang iba. Ang pagaalaga ng ina ay nagbibigay ng pakiramdam ng koneksyon sa lipunan at kapaligiran.
Attachment system
Ayon kay John Bowlby, may dalawang klase ng attachment system. Ang una ay ang attachment system ng bata na nade-develop sa unang bahagi ng buhay.
Ang mga batang naalagaan mabuti ng ina ay nagkakaroon ng matatag na attachment. Sila ang mga lumalaki na kayang ma-handle nang maayos ang kanilang stress.
Ang ikalawang attachment system ay ang sa nag-aalaga. Ayon sa pag-aaral, ang mga inang naalagaan nang maayos sa kaniyang pagkabata ay nagpapakita ng mas mapagmahal na pagaalaga.
Pagka-panganak, ang samahan ng ina at bata ay naka-ayon sa isa’t isa. Ito ay dahil sa hormones kung saan mas nagiging sensitibo sila sa isa’t isa.
Ito ang rason kung bakit hinihikayat ng World Health Organization (WHO) ang paglalapit ng ina at bagong panganak. Ito ay nagbibigay ng oportunidad na mapatibay ang pagsasama ng mag-ina.
Ang pag-aalaga ng nag-aalaga
Ang paraan ng pangangalaga ng isang ina ay ayon sa natanggap nitong pangangalaga sa kabataan. Ang paraan ng pag-aalaga na natanggap mula sa kanilang mga ina ang nagtataguyod kung paano sila makikisama sa iba.
Nauna nilang matutunan kung paano tumanggap mula sa kanilang mga ina hanggang unti-unting sila na ang nagbibigay dito.
Kung ang isang ina ay kulang ang ma-suportang pag-aalagang natanggap sa kabataan, mas bihira nitong maipaparating ang ma-suportang atensyon sa kaniyang anak.
Madalas, mas maipa-parating nito ay kawalang pasensya, pagpapa-alis at paglayo sa bata. Mas kakaunti ang kanilang kakayahan mag-alaga dahil sa kakulangan ng natanggap nito na pagaalaga.
Sa kasamaang palad, ang mga lumalaki sa ganitong pag-aalaga ay ito rin ang mapapasa sa mga magiging anak.
Ang pagkakaroon ng kahit isang tao sa buhay na tatayong ina sa isang bata ay malaking bagay. Sila ang magbibigay ng pagmamahal at pagtanggap. Sila ang magbibigay ng kalayaan sa bata na ipakita ang tunay na pagka-tao. Ang mga kamag-anak, kapit-bahay o guro ay maaaring maging ina sa isang bata.
Ang bawat bata ay kailangan ng pagmamahal para umunlad.
Source: Psychology Today
Photo by Tanaphong Toochinda on Unsplash
Basahin: STUDY: Kapag mas matanda raw ang nanay, ay mas disiplinado ang anak