Pag-iwas sa meningococcemia pinapaalala ng DoH na gawin ng publiko gamit ang mga paraan na ito.
Pag-iwas sa meningococcemia
Base sa tala ng DOH Epidemiology Bureau ay mayroong 169 recorded cases ng meningococcemia sa bansa mula noong January to September 21, 2019. Lagpas kalahati sa bilang na ito o 88 sa naitalang kaso ang naiulat na namatay dahil sa sakit. Bagamat 79% sa recorded cases ay hindi laboratory confirmed na kaso ng mengicoccemia nga talaga.
Ngunit magkaganoon pa man ay patuloy na nagpapaalala ang DOH sa publiko sa pag-iwas sa meningococcemia. Dahil patuloy parin ang pagdagsa ng hinihinilang kaso ng sakit sa San Lazaro Hospital sa Maynila. Ang tanging ospital na nagbibigay ng lunas at proper isolation sa mga pasyenteng apektado ng meningococcemia.
“This is a deadly but highly preventable disease. I urge the public to practice good personal hygiene such as regular handwashing, and covering of mouth and nose when coughing or sneezing to prevent the spread of this disease.”
Ito ang pahayag ni DOH Assistant Secretary of the Public Health Services Team Maria Rosario Vergeire. Bagamat kaniyang idiniin na wala pang outbreak ng meningococcemia sa bansa.
Sintomas ng meningococcemia
Maliban sa pag-oobserve ng good personal hygiene, ini-encourage din ang sinumang makaranas ng sintomas ng meningococcemia na agad na magpakonsulta sa doktor.
“I advise individuals experiencing symptoms of meningococcemia to go the nearest hospital immediately”, dagdag na pahayag ni Vergeire.
Ang mga sintomas ng meningococcemia ay pagkakaroon ng lagnat, sakit ng ulo, rashes, stiff neck, nausea, sore throat, pagsusuka, pag-uubo, irritability, fatigue, convulsions at anxiety. Ito ay maihahalintulad sa sakit na flu o trangkaso. Ang tanging kinaibahan lang nito ay ang mga purplish rashes na idinudulot nito sa balat na hindi pumuputi kahit nadidiinan.
Habang ito ay lumala ay lumalala rin ang mga sintomas na nararanasan ng sinumang may taglay ng sakit na meningococcemia. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng blood clots, bleeding patches sa balat, lethargy at shock.
Dagdag pa ni Vergeire, hindi rin dapat mag-alala ang publiko sa pagkakahawa ng sakit mula sa pamilya ng mga naging biktima nito. Dahil ang DoH ay may ginagawang hakbang para masigurong hindi magiging at risk o carrier ng sakit ang mga taong malalapit sa naging biktima ng meningococcemia. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng antibiotic prophylaxis at vaccination sa mga huling nakasama ng mga biktima ng sakit.
“We are closely coordinating with our regional office for contact tracing. We are providing post-exposure prophylaxis to close contacts of the patients, and are monitoring them for any signs and symptoms of meningococcemia.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Vergeire.
Sakit na may shortest hospital stay
Samantala mula sa naiulat na tatlong hinihinalang kaso ng meningococcemia sa Batangas ay isa na ang kumpirmadong nasawi dahil sa sakit. Habang may isa pang kumpirmadaogn kaso ng meningococcemia ang naitala sa Laguna.
Ang meningococcemia ay nakakamatay. Katunayan isa ito sa mga sakit na may shortest hospital stay ayon kay Dr. Ferdinand De Guzman, spokesperson ng San Lazaro Hospital. Dahil agad na namamatay ang mga biktima nito ilang oras lang matapos lumabas ang sintomas ng sakit.
Naihahawa ito sa pamamagitan ng pag-iinhail ng mga secretions sa hangin ng isang biktima ng sakit na umatsing o umubo. Naipapasa rin ito sa pamamagin ng person-to-person direct contact o yung mga paggamit ng mga bagay na nahawakan o kinainan ng biktima ng meningococcemia.
Kaya naman pangunahing paraan sa pag-iwas sa meningococcemia ay ang pagpapanatili ng malinis na katawan at disiplina. Makakatulong rin ang pagkain ng masusustansiyang pagkain at tamang pagpapahinga para sa mas malakas na resistensya. Dagdagan pa ng pag-eehersisyo at pagsusuot ng mask sa tuwing lumalabas ng bahay at nakikipaghalubilo sa iba.
Source:
Photo:
Meningococcemia: Sanhi, sintomas, pag-gamot at kung paano makaiwas sa sakit na ito