10 pagkain na pampalakas ng resistensya kapag may lagnat

Iwasang magkaroon ng Influenza A ang iyong anak! | Lead image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ating alamin kung ano ang mga pagkain na pampalakas ng resistensya lalo na kapag may sakit ang iyong anak!

Dahil sa banta ng coronavirus, hindi maiiwasan na mag-aalala tayo kapag nagkasakit ang isang miyembro ng pamilya. Isa pang dapat niyong malaman ay ang ang Influenza A, isang viral infection na umaatake sa respiratory system. Ito ay mayroong fever-like symptoms na katulad ng ordinaryong lagnat.

Isang magandang balita dahil maaari mo itong mapigilan sa pamamagitan ng pagbibigay ng immunity-boosting foods kapag may sakit ang isang miyembro ng pamilya.

Kadalasan, ang mga immunity-boosters na ito ay mayaman sa nutrients at antioxidants. Nakakapagpabuti ng resistance at immune system ng isang taong may sakit.

10 pagkain na pampalakas ng resistensya kapag may lagnat

Isang magandang balita dahil ang mga pagkain na ito ay available sa iyong kusina!

1. Yogurt

Ang yogurt ay naglalaman ng vitamins at protina. Mayaman din ito sa lactobacillus at probiotic na tumutulong para labanan ang impeksyon at nagpapabuti ng immunity ng taong may sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang probiotics ay mayroong pathogenic bacteria at yeasts. Bukod pa rito, ang yogurt ay maaaring makatulong sa eczema ng mga bata.

pagkain na pampalakas ng resistensya | Photo by Juan José Valencia Antía on Unsplash

2. Almond

Alam niyo ba na ang almond ay mayroong vitamin E na siyang nagsisilbing antioxidant na sumusuporta sa pulmonary immune function. Ang bitaminang ito ay kilala bilang panlaban sa virus at bacteria. Ang almond ay naglalaman ng 15 nutrients katulad ng magnesium, protein, riboflavin, zinc, at iba pa.

Convenient din siyang kainin dahil maaari siyang maging snack nasaan ka man!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Broccoli

Ito na ata ang pinakamasustansyang gulay dahil mayroon itong vitamin A, C, E, fiber at maraming antioxidants. Matatagpuan din dito ang mineral na kailangan ng mga bata.

Maaari itong lutuin ng maliliit o i-steam!

4. Spinach

Ang leafy vegetable na ito ay mayaman sa vitamin C at iba pang antioxidants. Siya ay nakakatulong upang labanan ang virus at palakasin ang iyong immune system. Tandaan lamang na kailangang lutuin ng kaunti ang spinach para hindi tuluyang mawala ang nutrients dito.

Kung hindi masyadong gusto ng iyong anak ang spinach, maaaring ihalo ito sa ibang pagkain na paborito nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Bawang

Matatagpuan sa bawang ang sulfur-containing compound na kung tawagin ay allicin. Isa itong immune-boosting property na mayroon ang bawang. Ayon sa ilang pag-aaral, ito ay nakakapagpababa ng tiyansang magkaroon ng impeksyon o malalang sintomas nito.

Pagkain na pampalakas ng resistensya | Photo by Robson Melo on Unsplash

6. Mansanas

Dito pumapasok ang saying na, “An apple a day keeps the doctor away”. Nakakapagpalakas ng resistensya ang prutas katulad ng mansanas. Ang balat kasi nito ay naglalaman ng quercetin, isang plant pigment flavonoid na nakakatulong sa immune system.

7. Mushroom

Ayon sa mga eksperto, ang fungus ay nagpapabilis ng reproduction at aktibidad ng white blood cells na dahilan kung bakit tumataas ang immunity ng tao. May ibang mushroom ay mayaman sa potassium kumpara sa saging. Pinanggagalingan din ito ng iron, fibre at vitamin D.

Kaya naman isama na ang mushroom sa iyong diet!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Beef

Ang beef ay magandang panlaban para sa influenza A. Ito ay naglalaman ng zinc na siyang nagpapabuti sa paggawa ng white blood cells. Napipigilan din nito ang toxin at masamang bacteria na maaaring pumasok sa katawan. Kaya naman kailangang kumain ng beef ang bata para makaiwas sa sakit.

Pagkain na pampalakas ng resistensya | Photo by David Metzer on Unsplash

9. Chicken soup

Kapag ikaw ay may sakit na sinamahan pa ng pananakit ng lalamunan at ubo, nanaisin mo talagang kumain ng chicken soup. Ang pagkain na ito ay lubhang nakabubuti para bumalik sa dati ang iyong resistensya at napapababa ang inflammation.

Ang poultry katulad ng manok at turkey ay naglalaman ng mataas na vitamin B-6. Isama ang manok sa diet ng iyong anak!

10. Shell fish

Ang shellfish ay mayroong zinc na siyang kailangan ng ating katawan para gumana ng mabuti ang immune cells. Crab, lobster at oysters, ito ang ilang shellfish na mayaman sa zinc. Kaya lamang, iwasan na ang pagkain ng shellfish kapag napansin mong may allergy ang iyong anak pagkatapos kumain nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkain na pampalakas ng resistensya: Iba pang paalala

Bukod pa sa mga pagkain na ito, importateng mayroong sapat na tulog ang iyong anak na simahan pa ng ehersisyo. Malaki ang ginagampanan nito para sa pagkakaroon ng magandang immune system. Bantayan naman ang mga sintomas ng lagnat, ubo, bahing, baradong ilong, fatigue at panlalamig.

Minsan, ang influenza A ay kusang nawawala. Gayunpaman, kung ang sintomas ng iyong anak ay tumagal ng lagpas sa isang linggo, kinakailangan mo nang bumisita sa doktor. Ang Type A influenza ay lubang nakakahawa na maaaring magresulta sa komplikasyon kung hindi magagamot agad.

Kung may makitang sintomas, ‘wag itong balewalain!

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

Paalala: In moderation lamang ang pagkain na nabanggit sa taas. Kung may seryosong sakit o diagnosis, laging kumunsulta sa doktor dahil mas alam nila ang dapat na gamot para sa iyo.

Sinulat ni

Mach Marciano