Mga hindi dapat kainin ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
May mga pagkaing maaring magdulot ng peligro sa isang buntis at sa sanggol na dinadala nito. Ang mga pagkaing ito ay matutukoy sa artikulong ito.
Narito ang mga pagkain na sanhi ng stillbirth at ang iba pang pagkain na delikado sa buntis at sa sanggol na kaniyang dinadala.
Mga pagkain na sanhi ng stillbirth
“Kumain ka ng kumain, dahil dalawa na kayong kumakain ng baby mo.”
“Kain lang ng kain para healthy si baby.”
Dalawa lang ito sa madalas na sinasabi sa isang babae kapag nagbubuntis. Ngunit kahit kailangan niyang magpalakas at kumain, hindi ibig sabihin nito na lahat ng pagkain ay ligtas na para sa kaniyang pagdadalang-tao. Dahil ayon sa mga eksperto may mga pagkain na delikado sa buntis. Ito ang mga pagkain na sanhi ng stillbirth o ang pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina. Na maari ring magdulot ng iba pang komplikasyon sa pagdadalang-tao.
Ayon sa USDA o US Department of Agriculture, ang mga babaeng buntis ay prone o mataas ang tiyansang makaranas at magkasakit sa dalawang uri ng food poisoning. Ito ay ang listeriosis at toxoplasmosis na maaring magdulot ng stillbirth at iba pang komplikasyon sa pagbubuntis kung hindi maagapan.
Pagkaing infected ng listeria bacteria
Ayon sa CDC, ang listeriosis ay isang seryosong impeksyon na nakukuha sa pagkain na kontaminado ng bacteria na listeria monocytogenes. Ang mga buntis ay sampung beses na mataas ang tiyansang makaranas ng impeksyon na ito. Ito ay maaring magdulot ng komplikasyon sa kanilang pagbubuntis tulad ng miscarriage, preterm delivery, still-birth at life-threatening infections sa bagong silang na sanggol.
Base naman sa impormasyon mula sa website ng American Pregnancy Association o APA, ilan sa sintomas ng listeriosis na maaring maranasan ng isang buntis ay pananakit ng ulo at katawan, lagnat, pagkahilo at pagsusuka. Madalas ay mararamdaman ang mga sintomas na ito 2-30 araw matapos ma-expose sa listeria bacteria. At kung ang impeksyon na dulot ng listeria ay kumalat sa nervous system ay maaring magdulot ito ng stiff neck, disorientation at kombulsyon.
“Symptoms of listeriosis may show up 2-30 days after exposure. Symptoms in pregnant women include mild flu-like symptoms, headaches, muscle aches, fever, nausea, and vomiting. If the infection spreads to the nervous system it can cause a stiff neck, disorientation, or convulsions. Infection can occur at any time during pregnancy, but it is most common during the third trimester when your immune system is somewhat suppressed.”
Ito ang pahayag ng APA sa kanilang website.
Pagkaing infected ng toxoplasma parasite
Ayon naman sa NCBI, ang toxoplasmosis ay isang impeksyon na dulot ng parasite na kung tawagin ay toxoplasma gondii. Tulad ng listeriosis, ang toxoplasma parasite ay maaring ma-infect ang isang buntis sa pamamagitan ng pagkain. Ang babaeng buntis na infected nito ay maaring makaranas ng flu-like symptoms tulad ng sa listeriosis at long-term illness gaya ng kulani at glandular fever. At kung hindi maagapan, ito ay maaring magdulot ng stillbirth at miscarriage. Pati na ang damage sa utak at paningin ng sanggol na ipinagbubuntis. Dahil ayon sa CDC, ang toxoplasma infection ay maaring maipasa ng babaeng buntis sa sanggol na nasa kaniyang sinapupunan.
Mga pagkain na delikado sa buntis
Kaya naman payo ng mga eksperto upang makaiwas sa dalawang nabanggit ng impeksyon ay huwag kumain ng mga pagkaing maaring infected ng listeria bacteria at toxoplasma parasite. Ang mga ito ay ang sumusunod na pagkain na sanhi ng stillbirth at mga pagkain na delikado sa buntis at sa sanggol na kaniyang dinadala.
- Processed meats tulad ng hot dogs, sausages, cold cuts, at deli meats na hindi naluto ng maayos. Ayon sa APA, inirerekumendang lutuin muna o initin ang mga processed meats at iba pang pagkain sa temperature na hindi bababa sa 160 degrees F.
- Smoked seafood tulad ng lox at smoked salmon
- Unpasteurized dairy products tulad ng mga gatas, cheese at egg liquids. Pati na ang mga unpasteurized drinks at juices. Dahil ang pasteurization ay isa sa mga prosesong maaring makapatay sa toxoplasma parasite at listeria bacteria.
- Mga gulay na hindi maayos na nahugasan.
- Hilaw o undercooked na karne o poultry products.
- Hilaw na isa tulad ng sushi at sashimi.
- Undercooked at hilaw na shell fish tulad ng tahong at talaba.
- Pre-packaged fruit o vegetable salad.
- Pâté o tinapay na may paste o spread na gawa sa liver at ground meat.
Iba pang dapat gawin upang makaiwas sa listeriosis at toxoplasmosis
Para naman maiwasan ang listeriosis at toxoplasmosis, maliban sa pag-iwas ng mga hilaw at unpasteurized na pagkain ay dapat i-praktis rin ang sumusunod na paraan:
- Maghugas ng kamay pagkatapos maghanda ng hilaw na karne. Siguraduhin ring maayos na nahugasan ang chopping boards at utensils na ginamit sa paghahanda nito.
- Hugasang maigi ang mga prutas at gulay. Siguraduhing maalis ang mga dumi o traces ng lupa o soil.
- Kumain ng gloves kapag nagagarden at maghugas ng kamay pagkatapos.
- Ugaliing linisan ang inyong ref ng madalas.
- Panatilihing nasa 40 degress o mas mababa pa ang temperature ng iyong refrigerator.
- Lutuin ang inyong pagkain ng hindi bababa sa 160 degrees Fahrenheit.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Source:
APA, NCBI, Tommys.Org, CDC, PregnancyBirthBaby Org
BASAHIN: