Mga pagkaing makakatulong upang mabilis manganak, ayon sa eksperto

Malapit ng manganak at gustong mapabilis ang pag-lelabour? Narito ang ilang pagkaing sinasabing nagpapabilis umano ng panganganak ng isang babae. At ang pahayag ng mga eksperto tungkol sa effectivity nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkain para mabilis manganak, narinig mo na ba ang tungkol dito? O mommy nasubukan mo na ba ito sa pagbubuntis mo? Para sa iyong kaalaman ay narito ang mga pagkaing pinaniniwalaang nagpapabilis ng panganganak. At ang mga reaksyon at pahayag ng mga eksperto tungkol dito.

Image from Freepik

Pagkain para mabilis manganak, effective nga ba?

Tayong mga Pilipino ay maraming pamahiin at paniniwala lalo na kung tungkol sa pagbubuntis. Isa na nga rito ay ang pagkain ng ilang pagkain para mabilis manganak ang isang babae.

Pero ayon kay Dr. Adam Huggins, associate professor ng Clinical Obstetrics at Gynecology sa Vanderbilt University Medical Center sa Nashville, Tennessee, walang ebidensyang magpapatunay nito.

Bagama’t maraming kwento mula sa mga nanganak na mommies ang nagsasabing nakatulong ang kanilang kinain o ininom sa kanilang mabilis na panganganak.

“There is no empirical evidence that different foods can induce labor. However, there are lots of anecdotal stories of patients that went into labor after having a particular food or drink.”

Ito ang pahayag ni Dr. Huggins.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa niya, wala namang masama kung susubukan ito ng mga mommies-to-be. Bagama’t paalala niya ay hindi niya sinisiguro na effective ito.

“Patients in general are welcome to try them, but we can’t say for sure it will be successful.”

Paliwanag naman ni Dr. Neetu Sodhi, isang OB-Gyn sa Providence Tarzana Medical Center, California, karamihan sa mga pagkaing ito ay pinaniniwalaang nagpapalambot ng cervix ng mga babae. Ngunit ang katotohanan, ay pinapasama lang nito ang timpla ng tiyan. At nagdudulot ng pananakit o uterine cramping at contractions.

“Sometimes with GI upset, you’ll get activation of uterine cramping and/or contractions. But those don’t lead to labor unless your body was already ready for labor.”

Ilan nga sa pagkaing pinaniniwalaang nagpapadali sa panganganak ng isang babae ay ang sumusunod. Kalakip ang pahayag ng mga eksperto tungkol dito.

7 na pagkain para mabilis manganak

1. Pineapple

Pinaniniwalaang ang pagkain ng isang buong pinya ay maaring magpa-induce ng labour. Dahil sa taglay nitong enzyme na bromelain na nagpapalambot umano ng cervix.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero ayon sa siyensya ay wala pang clinical evidence na makakapagpatunay nito. Bagamat may pag-aaral ang nakapagsabi na ang pineapple extract ay maaring magdulot ng contractions kapag inapply directly sa tissue. At hindi sa pamamagitan ng pagkain nito.

Magkaganoon man ayon kay Dr. Elaine Duryea, isang OB-Gyne mula Southwestern University Medical Center, sa Dallas Texas ay healthy naman ang pineapple para sa mga buntis. Ngunit kailangan ring ingatan na huwag sobrahan ang pagkain nito dahil sa nagdudulot ito ng heartburn.

“There’s no harm in enjoying a serving of pineapple at term – although the fruit is known to cause significant heartburn.”

Ito ang pahayag ni Dr. Duryea.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

2. Papaya

Ang papaya ay pinaniniwalaang pagkain rin na nagpapabilis ng panganganak. Ngunit tulad ng pinya ang taglay nitong enzyme na papain ay hindi pa napapatunayang nakakatulong na mapabilis ang pag-lelabour ng isang babaeng buntis.

3. Dates

Samantala, may isang pag-aaral naman sa Jordan ang nakatuklas na ang mga babaeng kumakain ng 6 na dates sa araw-araw, isang buwan bago ang kanilang due date ay nag-lelabour ng mas mabilis.

At mas dilated kapag sila ay inadmit na for delivery. Pero ayon rin sa mga researcher ng ginawang pag-aaral ay kailangan pa ng dagdag na pag-aaral upang mas mapatunayan ang kanilang natuklasan.

4. Eggplant

Pinaniniwalaan din na ang talong ay nakakapag-induce ng labour sa isang buntis. Sa katunayan ay may isang restaurant sa Georgia ang may special dish na gawa rito.

Ito ay dinadayo at sinusubukan ng mga buntis na nalalapit na ang due date. Pero ayon sa siyensya ito ay hindi pa napag-aaralan. Samakatuwid ito ay hindi pa napapatunayang effective na pagkain para mabilis manganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

5. Maanghang na pagkain

Ang mga maanghang na pagkain ay pinaniniwalaan ring nakakapagpabilis ng paglelabour. Ito ay dahil nakakapagdulot daw ito ng cramping at uterine contractions sa mga babaeng dilated na.

Pero wala pang scientific evidence ang nagpapatunay nito. Pero ayon kay Dr. Duryea, tulad ng pineapple ito ay nagdudulot rin ng heartburn.

Habang ayon naman sa ilang pag-aaral ang nirerelease nitong extract na capsaicin ay nakakabawas ng natural ability ng katawan ng isang babae na pigilan ang excessive pain habang naglelabour.

6. Castor Oil

Ayon sa mga eksperto, ang mga nabanggit na pagkain ay maari namang subukan ng mga buntis na nalalapit na ang due date. Maliban nalang sa castor oil na pinaniniwalaan ding nagpapabilis ng pag-lelabour.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil ayon kay Dr. Huggins, bagamat ito ay ligtas, ang cramping at diarrhea na idudulot nito sa isang buntis ay delikado. Dahil ito ay maaring mauwi sa dehydration na makakaapekto sa kalusugan ng buntis at kaniyang sanggol.

“We would not recommend castor oil. While it’s safe, it has not been proven to lead to the starting of labor. More importantly, the significant cramping and diarrhea it can cause can be very uncomfortable.”

Ito ang pahayag kaugnay rito ni Dr. Huggins.

Habang paalala naman kay Dr. Sodhi, hindi dapat gumamit ng anumang labor inducing techniques ang isang buntis kung wala pa siya sa ika-39th week ng kaniyang pagdadalang-tao. At kung nakakaranas siya ng high-risk pregnancy o nanganak sa pamamagitan ng C-section delivery sa nakaraan niyang pagbubuntis.

Kung kakain rin ng kahit anumang pagkain para mabilis manganak, mabuting kumonsulta muna sa iyong doktor. Upang makasigurado na safe ito sa iyo at sa baby mo.

7. Red Raspberry leaf tea

Kahit na walang nagpapatunay  kung makakatulong ang leaf tea na ito upang mabilis manganak, makakatulongpa rin ito para mapatibay at makondisyon ang iyong uterus kapag manganganak kana.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.