Mga pagkain na puwedeng kainin para maging maganda o guwapo si baby
Alam niyo ba na ang pagkain para sa buntis ay hindi lang nakakaapekto sa kalusugan ng ina at ng sanggol, ngunit pati na rin sa hitsura ni baby?
Alam na siguro ng mga magulang na ang magiging hitsura ng kanilang anak ay nakabase sa sa genes nila bilang mga magulang. Ngunit bukod dito, ang mga pagkain para sa buntis ay posibleng magkaroon ng epekto sa hitsura ni baby.
Kaya’t kung gusto ninyong maging maganda o guwapo ang inyong sanggol, alamin ang mga dapat kainin ng buntis!
Pagkain para sa buntis upang maging maganda o guwapo si baby
1. Pagkaing mayaman sa folic acid
Ang folic acid ay isa sa pinakamahalagang kailangan ng iyong katawan kapag nagbubuntis. Nakaktulong ito para makaiwas sa mga defects ang iyong sanggol, at pinapatibay nito ang development ng kaniyang utak at katawan. Pinakamahalaga ang folic acid sa 1st trimester ng pagbubuntis dahil ito ang pinaka-kritikal na panahon sa iyong pagbubuntis.
Makukuha ang folic acid sa mga vitamin supplements, dark green vegetables tulad ng spinach, cereals, lentils, at pasta.
2. Citrus fruits
Mahalaga rin ang vitamin C para sa mga nagbubuntis. At ang pinakamadaling paraan para makuha ito ay ang pagkain ng mga citrus fruits. Nakakapagpatibay ito ng resistensya, at tumutulong upang makaiwas sa sakit ang mga ina.
Bukod dito, nakakatulong ang vitamin C para gumanda ang kutis ng ina, pati na ng sanggol. Puwedeng kainin ang mismong prutas, o kaya naman ay inumin ang sariwang juice nito.
Ngunit siyempre, wag masyadong sosobra sa pagkain ng citrus fruits, dahil baka ito maging sanhi ng hyperacidity.
3. Coconut
Ang pagkain ng buko, o coconut ay nakakatulong upang palakasin ang katawan ng mga ina. Marami itong vitamins at minerals na nagpapaganda sa kalusugan. Ang pag-inom ng buko juice din ay nakakatulong para mahydrate ang katawan at mas mainam na inumin kaysa softdrinks.
May mabuti rin itong epekto sa mga sanggol at nagpapaganda ang pag-inom nito sa balat at buhok ng iyong magiging sanggol.
4. Golden milk
Ang golden milk ay gatas na hinaluan ng turmeric, o luyang dilaw. Punong-puno ito ng vitamins at minerals, lalong-lalo na ng vitamin D na nakakatulong para patibayin ang buto ng mga ina at sanggol.
Bukod dito, puwede ding lagyan ng saffron ang golden milk, at sinasabing nakakapagpaputi raw ito ng balat ng mga sanggol, at pinapaganda ang kanilang kutis!
5. Nuts
Ang mga nuts tulad ng peanuts, almonds, cashew, at pistachio ay hitik sa vitamins, minerals, at sa healthy fats na kailangan ng iyong katawan kapag nagbubuntis.
Nakakatulong rin daw ang pagkain ng mga nuts habang nagbubuntis upang gumanda ang kutis ni baby, at pumuti ang kaniyang balat. Mainam rin daw ang pag-inom ng almond milk, lalo na sa mga inang lactose intolerant.
Mahalagang tandaan na ang hitsura ng iyong sanggol ay nakadepende talaga sa iyong genes at sa genes ng iyong asawa. Ngunit nakakatulong din ang wastong pagkain upang mapabuti ang kalusugan ni baby at upang gumanda ang kaniyang kutis at balat.
Gatas para sa buntis
Bukod sa mga pagkain para sa buntis, ang gatas para sa buntis ay makatutulong din. Isa sa mga component na importanteng tignan sa gatas para sa buntis ay kung low fat ito o mababa ang sugar content.
Ang gatas para sa buntis ay kadalasang inirerekomenda ng mga Ob-Gyn. Ang calcium kasi na taglay ng gatas ay mapupunta sa iyong buto at ipin at ito naman ay mapapasa rin sa bata.
Narito ang ilan pang maaaring source ng calcium bukod sa gatas para sa buntis:
- Yogurt o kahit anong dairy product
- Ice cream
- Soya beans
- Green leafy vegetables
- Tofu
- Nuts
- Fish
Ito ay ilang mga pagkain at inumin lang na dapat kainin ng buntis. Mas maigi pa rin na kumonsulta at magtanong sa inyong doktor at maging sa mga mommies na nakaranas na rin nito. Sila ay magsisilbing gabay sa iyo para maging healthy ang iyong pagbubuntis!
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Sources: The Guardian, The Adorable Baby, ABS-CBN
Basahin: 10 pagkaing mayaman sa folic acid na dapat kainin ng mga buntis
- 6 pagkain para sa mga batang may lagnat
- 4 na pagkain na DAPAT kinakain ng buntis
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."