Ayon sa pag-aaral na ginawa sa Spain, ang pagkain ng ina ng mani sa unang trimester ng pagbubuntis ay pampatalino sa dinadala nitong bata.
Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga bata na mayroong mga nanay na kumakain ng mani ay maganda ang nagiging cognitive function, kapasidad ng atensyon at memorya.
Ang pagkain ng mani ay kilala sa iba’t ibang magagandang epekto nito sa kalusugan. Napapababa ng pagkain ng mani ang panganib ng hypertension, oxidative stress at diabetes.
Ayon ngayon sa pag-aaral na pinamunuhan ng Barcelona Institute for Global Health (ISGlobal), nakakatulong din ito sa neurodevelopment ng isang bata.
Ayon kay Florence Gignac ng ISGlobal, ito ang unang pag-aaral na nagfo-focus sa benepisyo ng pagkain ng mani sa development ng utak ng bata.
“This is the first study to explore the possible benefits of eating nuts during pregnancy for the child’s neurodevelopment in the long term. The brain undergoes a series of complex processes during gestation and this means that maternal nutrition is a determining factor in fetal brain development and can have long-term effects.”
Natuklasan dito na ang pagkain ng walnut, almonds, peanuts, pine nuts at hazel nuts ay maganda sa unang trimester ng pagbubuntis.
Ang mataas na level ng folic acid at essential fatty acids, tulad ng omega-3 at omega-6, ang itinuturong nutrients na pampatalino ng bata. Ang mga ito ay naiipon sa neural tissue na nakaka-tulong sa memorya at executive functions.
Ang nasabing pag-aaral ay isinagawa sa mga ina na kumakain ng hindi hihigit sa 30 na gramo ng mani sa isang linggo. Ito ay mas mababa nang kaunti kumpara sa rekomendado sa healthy eating guide ng Spanish Society of Community Nutrition (SENC).
Dito dumating ang mga eksperto sa konklusyon na ang nagkokonsumo ng mani ayon sa inirerekomenda o higit pa ay mas maganda ang makukuhang benepisyo.
Sinuri din ang epekto ng pagkain ng mani ng mga ina na nasa ikatlong trimester ng pagbubuntis. Sa bahagi na ito, walang nakita o kaya naman ay sobrang liit lamang ng pagbabago sa neuropsychology ng bata.
Source: Science Daily
Photo by Shitota Yuri on Unsplash
Basahin: 4 na paraan upang matulungan si baby na maging matalino