Sa 21st century, hindi na bago para sa generation ngayon ng mga bata ang paglalaro ng video games. Lalo na, at maaga ring matuto sa paghawak ng iba’t ibang gadgets ang ating mga anak.
Bilang mga parents, minsan ay hindi natin maiwasang mangamba at kontrolin ang paglalaro ng computer games ng bata. Dahil ito sa mga naiisip nating mga masamang epekto nito sa kanilang kalusugan: pisikal, emosyonal, at maging ang brain health.
Ngunit, may mga claims ang mga bagong pag-aaral na walang masamang epekto ang online games o genre ng laro sa utak at cognitive abilities ng mga bata. Gayundin, wala rin namang mga patunay na ito ay nakakatulong sa pagkatuto ng bata.
Paglalaro ng video games ng bata
Na-challenge ng mga bagong pananaliksik ang takot ng mga parents sa mahaba-habang oras ng paglalaro ng computer games at pagpili ng genre ng laro ng mga bata.
Matagal na naging stigma na ang paglalaro ng digital games ay may maidudulot na masamang epekto kung paano mag-isip ang ating mga anak.
Sa ginawang pag-aaral ng team nina Jie Zhang, associate professor sa University of Houston College of Education, walang kinalaman kung gaano katagal ang oras ng paglalaro at pagpili ng genre ng computer games.
Isinagawa nila ang pag-aaral na may 160 urban public-school na kabataan bilang respondents. May range na 2.5 to 4,5 oras kada araw na habit ng paglalaro ang mga respondents.
Iniugnay nila ang habit na ito sa ipinagawa nilang Cognitive Ability Test 7 (CogAT) sa mga bata. Lumitaw na “walang kinalaman ang daily habits ng paglalaro sa lumabas na resulta ng test”.
Kaakibat din ng naging kongklusyon nila, wala ring benepisyo sa cognitive abilities ang paglalaro ng computer games.
Tandaan
Wala mang masama o mabuting epekto ang paglalaro ng computer games, mainam pa rin na antabayanan natin ang ating mga anak.
Mahalaga na na-i-co-communicate din nila sa atin ang kanilang mga hilig. Sa ganitong paraan, mas mapapalapit tayo sa ating mga anak at mas maiintindihan sila.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.