Bilang isang ina,may kanya kanya tayong hilig. Kung ihantulad natin sa pagbubuntis, ito’y paglilihi na minsan hindi natin maitindihan ang ating sarili.
Sa unang trimster palang natin sa pagbubuntis, doon natin mahalata na tayo’y naglilihi, kung ano-ano ang ating naaamoy, at nadadagdagan din ang ating mga hindi gusto.
Ang kakaibang pinaglihian ko noon sa natatandaan ko ay talong.
Hindi ko alam, parang balisa ako na gusto kung kumain agad agad ng talong.
Nung nilaga ko na, grabe ayaw ko sa amoy parang ayaw ko na kumain Hahaha! Agad ko naman kinuha sa kaha, ilang segundo napaisip ulit ako gusto kong tikman,at ayon binalatan ko na. Sinawsaw ko sa suka, noong sinubo ko, sinuka ko talaga!
‘Yong napasuka ka na lang dahil ayaw mo nang kumain, kaloka talaga maglihi, ‘di mo maintindihan.
Ang paglilihi talaga para din ‘yang ugali, minsan hindi mo maitindihan ba’t ka galit, ‘pag ilang segundo mawawala naman yung galit mo!
Sa mga nakaranas diyan ng ganito, much better mga mommies na huwag balewalain. Hindi naman sa lahat ok, basta kaya pa, laban lang. Ganyan talaga!
To all mga mommies out there, salamat sainyong pagbabasa. Sa mga buntis diyan, laban lang! Lagi nating tandaan sa araw-araw lagi tayong mag ingat, lalo’t may dinadala tayo sa ating sinapupunan.
Lahat kakayanin natin, hangga’t kaya natin. Lahat ating titiisin para hindi mapahamak ang ating mga anak.
Huwag tayong mawalan ng pag-asa sa araw-araw dahil Diyos lang ang nakakaalam sa ating buhay! Basta andiyan Siya, walang imposible. Hindi man niya naibigay ang gusto natin, pero marami naman siyang ibinigay na hindi natin hinihingi.
Hindi man niya napo-provide ang gusto nating mangyari pero ginawa naman niya kahit hindi natin ini-expect. Kaya hangga’t may hininga, walang imposible kaya magdasal lang!