Ang kwento ng walang katumbas na pagmamahal ng isang ina

Ang pagmamahal ng isang ina ay tunay na walang katulad. Ating alamin ang kwento ng isang inang walang sawa sa pag-aalaga sa anak na may sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi madali ang buhay para kay Joceline Pineda. Dahil matapos pumanaw ng kaniyang asawa noong 2015, ngayon naman ay nakikipaglaban sa malubhang karamdaman ang kaniyang anak na si Ben. Sa kabila ng mga pagsubok na ito, nananatiling matatag si Joceline, at hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagmamahal ng isang ina.

Ang pagmamahal ng isang ina ay walang katulad

Biglaan ang nangyari sa anak ni Joceline na si Ben. Base sa kuha sa CCTV, siya ay nasa kalsada kasama ang kaniyang mga kaibigan, nang biglang mawalan na lang siya ng malay.

Dali-dali siyang dinala sa ospital, kung saan siya ay dineklarang dead on arrival. Sa awa ng Diyos, na-revive si Ben matapos ang 26 minuto. Ngunit dahil dito, nagkaroon si Ben ng tinatawag na Hypoxic-Ischemic Encephalopathy, o ang kawalan ng oxygen sa kaniyang utak.

Ang kondisyong ito ay kadalasang nangyayari sa mga inaatake sa puso, nagkaroon ng trauma sa ulo, o ang pagkukulang ng oxygen sa dugo na dumadaloy sa utak.

Dahil sa kanyang kondisyon, hindi na makagalaw si Ben, at ngayon ay inaalagaan na lamang siya ng kaniyang ina. Hanggang ngayon, umaasa pa rin si Joceline na balang araw, gagaling din ang kanyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi madali ang kanilang kalagayan

Dahil na rin sa kakulangan sa pera, napilitan si Joceline na iuwi na si Ben sa kanilang tahanan upang doon alagaan. Araw-araw ay walang sawang pinapaliguan ni Joceline ang kanyang anak, pinapakain, at binibigyan ng gamot.

Hindi madali ang kanilang sitwasyon, pero hindi nawawalan si Joceline ng pag-asa. Ang importante sa kanya ay maipakita at maiparamdam ang kanyang pagmamahal sa anak, at ang magdasal na gumaling na ito. Mahirap, pero pursigido pa din si Joceline na gawin ang lahat para lang sa pinakamamahal na anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga nais magbigay ng donasyon o tulong, maaring tumawag sa numerong 0919-2209279.

 

Source: gmanetwork.com

Photos screencapped from: Facebook.com

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

READ: Ohtahara Syndrome: Mga dapat malaman tungkol sa sakit na ito

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara