Misis: Nagkaron ako ng pagnanasa sa iba
Sa aming app ay maraming mga nanay ang humihingi ng advice mula sa iba pang mga mommies. Madalas ay tungkol ito sa pag-aalaga ng bata, o kaya sa relasyon nilang mag-asawa. Ngunit sa pagkakataong ito, mayroong isang “unique” na insidenteng nangyari. Heto, basahin:
“Mga momshies anu ba ang gagawin ko, ganito kasi ihing-ihi na ako tapos pagpunta ko ng CR (di naka lock ang pinto), nandoon pala si brother in law na about to start na maligo, hubo’t hubad at nakita ko ang dick niya na sobrang laki..Ngayon di na maalis sa isipan ko ang nakita ko at parang natuturn on ako sa laki kaysa kay hubby..at awkward na kunti sa kanya sa bahay tuwing magsalubong kami.”
Ang tanong na ito ay mula sa theAsianparent app. Dito ay maaaring magbigay ng lahat ng klase ng katanungan nang walang takot na mahusgahan.
Sagot
Lahat tayo ay nagkakaroon ng pagnanasa sa iba. Normal itong nararamdaman lalo na kung tila bawal ang nararamdaman na pagnanasa. Minsan, hanggang pantasya nalang ito. Subalit, mayroong mga panahon na hindi ito maalis sa isipan.
Kapag ikaw ay committed na, makakabuting huwag gumawa ng hakbang na maaaring makasira sa iyong relasyon. Malaking gulo ang papasukin kung mangyari ito at ang minsang pagnanasa ay magdulot ng hindi pagtulog dahil sa bigat na nararamdaman. Sa kabutihang palad, may mga paraan para mag move-on mula dito.
Tanggapin na normal ang nararamdaman
Kahit pa ang mga masaya sa kanilang pamilya at partner ay nakakaramdam parin ng paghanga sa iba. Normal lamang ito. Hindi porke may asawa ka na ay hindi ka na hahanga sa iba. Ang mahalaga ay ang hindi paggawa ng paraan na makaka-taksil sa iyong asawa. Tanggapin ang katotohanan na hindi ito maaaring mangyari at hayaan nalang ito sa ganito. Aminin sa sarili na mali ang pagnanasa na nararamdaman at mag move-on.
Tanggapin na tila lamang maganda kasi bawal
Kailangang intindihin na nakakadagdag lamang ang pag-iisip na bawal ito sa iyong pagnanasa. Aminin man o hindi, masnapagpapantasyahan talaga ang mga bawal na gawain dahil lamang bawal ito. Ang pag-iisip na siya ay iyong brother-in-law kaya bawal kayong magsama ay maaaring makadagdag sa iyong pagnanasa sa kanya. Sa kabutihang palad, ang pagtingin dito sa ibang angulo ang maaari ring makapagpawala ng iyong nararamdaman sa kanya.
Makipag-usap sa taong pinagkakatiwalaan
Kung mayroong mapagsasabihan ng iyong nararamdaman na iyong mapapagkatiwalaan, ibahagi ito. Ito ay isang tao na susuporta sa iyong relasyon at hindi ka uudyukin na sirain ito. Ang pagtatago sa sarili ng iyong nararamdaman ay maaaring lalong makapagpalakas ng iyong nararamdaman. Sa oras na ibahagi ito sa iba, nababawasan ang tindi ng pagnanasa na iyong nararamdaman.
Huwag siyang i-idealize
Ang pagkakaroon ng paghanga ay normal ngunit mapanlinlang ito. Ang imahe ng isang tao sa ating isip ay perpekto para sa atin dahil hindi pa lubos ang pagkakakilala. Sa iyong sitwasyon, ito ay ang pag-iisip na magiging perpekto ang pakikipagtalik sa iyong brother-in-law. Sa pagpapantasya sa iyong brother-in-law, maaaring makumpara ito sa iyong asawa kahit wala namang matibay na basehan ang pagkukumpara.
Isipin ang iyong relasyon sa asawa
Kung natutukso na gumawa ng hakbang patungo sa iyong pagpapantasya, isipin ang iyong asawa. Isipin kung ano ang mararamdaman niya dito kapag gawin ang nasa isip. Isaalang-alang din ang mga mahal sa buhay tulad ng mga anak at mga magulang. Pag-isipang mabuti ang gulo na maaari nitong madulot sa inyong pamilya.
Ang iyong sitwasyon, gaano man ka-bihira, ay naranasan narin ng iba. Ang mahalaga ngayon ay ano ang gagawin mo base sa iyong nararamdaman. Nawa’y maging tama ang iyong desisyon at magpatuloy ang masayang pagsasama ninyo ng iyong asawa.
Source: Bustle, Bustle
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!