X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kris Aquino, nagbahagi ng piling moments nila ng kaniyang mga anak kasama si PNoy

5 min read
Kris Aquino, nagbahagi ng piling moments nila ng kaniyang mga anak kasama si PNoyKris Aquino, nagbahagi ng piling moments nila ng kaniyang mga anak kasama si PNoy

Kris, marami pa sana umanong gustong i-kuwento tungkol sa relasyon nilang magkapatid pero gagawin niya daw ito sa tamang panahon.

Mga eksena sa pagpanaw ni Noynoy Aquino at sa libing nito ibinahagi ng kapatid niya at aktres na si Kris Aquino.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mensahe ni Kris Aquino tungkol sa pagpanaw ni Noynoy Aquino.
  • Paano si Noynoy bilang isang kapatid kay Kris at tiyuhin sa mga anak nito.

Pagpanaw ni Noynoy Aquino

Kris Aquino, nagbahagi ng piling moments nila ng kaniyang mga anak kasama si PNoy

Image screenshot from Instagram video

Sa kaniyang latest Instagram post ay ibinahagi ni Kris Aquino ang ilang eksena sa pagpanaw at libing ng kapatid niya at Philippine former president na si Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ito ay isang music video sa saliw ng kantang “Paubaya” ni Moira. Ito ay ni-rewrite ng singer-composer para i-dedicate sa pumanaw na dating Presidente.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Makikita sa naturang video ang mga eksena sa naging burol ng dating presidenteng Noynoy Aquino. At sa mga oras bago ito ma-cremate at maihimlay sa tabi ng mga magulang niya.

Ayon sa aktres, ay hiningi niya daw ang pahintulot ng kaniyang mga kapatid bago kumuha ng video sa naging lamay ng dating presidente.

“I felt our family needed footage if only for our archives. So I asked my Ate if it was okay for my team to shoot all throughout. Because they would have access that the rest of the media would not.”

“Here are moments you did not see because no cameras were allowed inside Heritage before our brother’s Cremation and during the Private Viewing.”

Ito ang pahayag ni Kris sa Instagram.

Kris nagbahagi ng mga larawan na kung saan magkasama ang kapatid niyang si PNoy at mga anak niya

pagpanaw ni Noynoy Aquino

Image from Kris Aquino's Facebook account

Sa parehong video ay makikita rin ang ilang larawan ng dating presidente kasama ang mga anak ng aktres na sina Josh at Bimby.

Ayon kay Kris, marami pa sana siyang gustong ibahagi tungkol sa kung paano nabago ng kaniyang kapatid ang buhay niya. Pati na kung paano sila nagbati matapos ang mga hindi nila naging pagkakaintindihan. Pero naniniwala siya na hindi umano sa Instagram ang tamang venue para gawin ito.

“Marami po talaga akong gustong ibahagi sa inyo tungkol sa journey namin bilang magkapatid. Dahil alam ko how profoundly the experience has changed me.

BUT the TRUTH is- IG is the venue where our “feud” started so in my heart i know it’s also not where i should share. Kung paano nagsimula ang unang mga hakbang para lumambot na ang puso nya. At lahat ng paraan na ginawa ko para mapangiti lang siya.”

BASAHIN:

Kris Aquino ibinahagi ang sikreto sa pagiging ‘six footer’ ni Josh at Bimby

Kris Aquino, ibinahagi ang kaniyang karamdaman

#AskDok: Ano ang pwedeng gawin para makaiwas sa diabetes?

Pero ipinagdadasal niya daw sa dating pangulo na bigyan siya ng mga signs. Mga palatandaan kung ayos lang sa kaniya na ibahagi ang naging kuwento ng pagbabati nila.

“I am praying that Noy will give me, “bunso” as he refers to me to all those closest to him, a clear sign when he is ready for me to tell all of you our story. Until then this bunso has learned her lessons and will stay silent. ?”

Ito ang naging mensahe ni Kris sa caption ng video na ibinahagi niya sa Instagram tungkol sa pagpanaw ni Noynoy Aquino.

Noynoy Aquino as an uncle to Kris Aquino’s kids

Sa pagkawala ng dating presidente ay apektado rin ang anak ng aktres at TV host na sina Josh at Bimby. Partikular na ang panganay ni Kris na si Josh na itinuturing ang dating presidente bilang constant male figure sa kaniyang buhay.

Sa katunayan, ayon parin kay Kris ay nag-desisyon nga umano ito na manirahan kasama ang tiyuhin at dating Presidente sa Tarlac.

“My son needed him- the ONLY constant male figure in his life.”

Ito ang nasabi ni Kris sa isa niyang pahayag noong 2018 tungkol kay Noynoy na nag-iisa niyang kapatid na lalaki. At halos tumayong ama na sa kaniyang mga anak matapos silang maghiwalay ng mga dating nakarelasyon.

pagpanaw ni Noynoy Aquino

Image from Kris Aquino's Facebook account

PNoy as a special uncle

Sa isang statement niya noong 2013 ay ipinaalam naman ng dating presidente kung gaano niya kamahal ang pamangkin na si Josh na may special needs. Sa kaniyang naging pahayag ay hinimok niya ang mga businessman na tingnan ang sitwasyon ng mga batang may special na pangangailangan. Dahil sa ang mga ito umano ay malapit sa kaniyang puso.

“Mayroon din akong pamangkin na special child. Ewan ko kung special uncle niya ako.”

Ito ang pabirong pahayag ng dating sa presidente tungkol sa relasyon nila ng kaniyang pamangkin na si Josh.

Ang dating presidente Noynoy Aquino ay namatay habang siya ay natutulog noong Huwebes, June 24, 2021. Ito ay dahil umano sa sakit na renal disease at diabetes. Siya ay nai-cremate na at ihinimlay sa tabi ng kaniyang mga magulang sa Manila Memorial Park.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

 

Source:

GMA News, ABS-CBN News

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kris Aquino, nagbahagi ng piling moments nila ng kaniyang mga anak kasama si PNoy
Share:
  • Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

    Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

  • LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

    LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

  • Nag-ampon kay Ai Ai delas Alas, pumanaw na: "Thank you sa pagmamahal, pagpapaaral sa akin."

    Nag-ampon kay Ai Ai delas Alas, pumanaw na: "Thank you sa pagmamahal, pagpapaaral sa akin."

app info
get app banner
  • Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

    Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

  • LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

    LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

  • Nag-ampon kay Ai Ai delas Alas, pumanaw na: "Thank you sa pagmamahal, pagpapaaral sa akin."

    Nag-ampon kay Ai Ai delas Alas, pumanaw na: "Thank you sa pagmamahal, pagpapaaral sa akin."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.