Mga paraan para matulungan ni daddy si mommy sa pag-breastfeed kay baby

Si mommy lang ang may breast milk pero puwede ring makatulong si daddy sa breastfeeding! Alamin kung paano makakatulong si daddy sa pagpapadede kay baby. PHOTO: Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga nanay lang ang puwedeng mag-produce ng breast milk. May malakas na bond na nabubuo sa magulang at anak sa pagpapadede. Ngunit paano naman si daddy? Kadalasan, nararamdaman ng mga tatay na “left out” sila sa breastfeeding journey ng kaniyang mag-ina.

Isang new dad sa theAsianparent app ang humingi ng payo mula sa mga kapwa magulang tungkol sa suportang maibibigay niya sa kaniyang nursing wife. Tanong niya: “Bagong tatay lang ako, kaya’t gusto kong malaman kung paano ko matutulungan ang asawa kong nagpapadede sa baby namin. Ano ang payong mabibigay niyo?”

Mga payo at tips

Karamihan ng mga sagot na natanggap niya ay mula sa mga mommies na suportado ng kanilang mga mister nang sila ay nanganak.

Isang mommy, so Tresa L., ay hinangaan ang new dad na sumulat: “Lahat naman siguro ng mommies ay gustong magkaro’n ng supportive na mister, lalo na kung bagong panganak at nagpapadede sa baby nila. Kakaiba kasi ang saya kapag kasama mo ang asawa sa breastfeeding journey. Tulungan mo siyang mag-sterilize ng mga gamit ni baby sa pagdede tulad ng mga bote at pump, at samahan siya sa mga fussy moments ni baby—’yong mga oras na nag-iiyak si baby at mahirap patahanin. Samahan din siya sa mga masasayang moments, at makipaghagikgikan kay baby at mommy.”

Ang new mom na si Roshni M. ay may 3 tips:

  1. Cheer her on, at siguraduhing alam niya na kasama ka niya at nasa tabi ka palagi, sa anumang oras at anumang pinagdadaanan, lalo na sa pagpapadede.”
  2. Siguraduhing umiinom siya ng sapat na tubig. Ipaghanda siya ng isang baso ng tubig para inumin pagkatapos magpadede.
  3. Huwag siyang i-pressure na makipag-sex. Malamang kasi ay dehydrated siya pagkatapos magpadede, at maaaring wala sa mood.

 

Si Jasmine C. naman ay may sariling tips din:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Maghanda ng hot drink bago magpadede ng bata si misis. Makaka-relax kasi ito, at matutulungan ang pagdaloy ng breastmilk.
  2. Ikaw ang mag-burp kay baby pagkatapos dumede nito. Ito naman ang break ni mommy pagkatapos pakainin si baby.
  3. Tumulong din sa pagpapalit ng lampin o diaper, lalo na kung dumudumi ito pagkadede.
  4. I-swaddle si baby o ibalot sa kumot niya pagkatapos dumede at magpalit ng lampin.
  5. Bigyan ng back-rub o full massage si misis. Nakakangawit at nakakapagod kasi ang pagpapadede.
  6. Hikayatin siya sa ginagawa para kay baby, at ipakita ang taos-pusong pagmamahal sa kaniya.

 

“Iwasan ang pagtatanong kung gutom pa ba si baby.”

“Maraming mga maliliit na bagay, na malaking tulong para kay misis. Tulungan siyang maghugas o pagpunas pagkatapos mag-pump ng breastmilk,” suhestiyon ni Reine T.

Magbasa tungkol sa mga karaniwang mga problema sa pagpapadede tulad ng blocked ducts, engorgement, at mastitis, payo ni Jacq Ng. Dagdag pa niya, maging pasensiyoso, at tumulong sa mga gawaing bahay para naman makagaan kay misis. Sinabi din ni Jacq na kahanga-hanga ang mister na nagtatanong dahil isa siyang “supportive husband.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga sagot din ang mga kapwa tatay tulad ni Pushan D, na sinimulan ang sagot sa pamamagitan ng pag-welcome sa kaniya sa “new dads league.”

Suhestiyon niya ay tumulong ang new dad na ito sa pagpapalit ng lampin, umuwi nang maaga mula sa trabaho para makatulong kay misis sa anumang gawaing bahay, at pagkanta at pagbabasa kay baby lalo kapag matutulog na ito. Siguraduhin ding maayos at malinis ang higaan ng baby, at ni mommy.

Huwag mag-atubiling magtanong kay misis kung ano pa ang maitutulong at ano pa ang kailangan niya, sa araw araw.

Sabi niya, huwag pahahawakan ang mukha at ulo ni baby sa kahit sino dahil makakakuha ito ng germs. Ang mga gadgets tulad ng phones at wifi routers ay dapat malayo kay baby sa lahat ng oras. Higit sa lahat, ”enjoy fatherhood,” payo niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

“Maging sensitibo sa pangangailangan ng asawa.”

Isa pang tatay na si BoonCheong P., ang naniniwala na ang mga tatay ay dapat sensitibo sa pangangailangan ni nanay, at huwag bigyan ito ng pressure na gawin ang mga bagay na ayaw niya. “Palaging alagaan si misis, dahil lahat ng ibang tao ay nakatutok sa pag-aalaga kay baby. Paano naman si mommy, di ba?” aniya.

Ayon kay Catharine Monet, isang certified International Board of Lactation Consultant Examiner, sa kaniyang article sa Huffington Post, ang importante ay maalala ng mga daddies ang mga sumusunod:

Makipag-usap at makinig

“Mahalaga ang komunikasyon sa mag-asawa. Nang magdesisyon kayo na magluwal ng isang bata, dapat isaisip na bukas dapat ang komunikasyon ninyo bilang magkatuwang sa buhay. Pag-usapan ang mga benepisyo ng pagpapadede kasama ang asawa, at alamin ang pros ang cons. Maging bukas ang pag-iisip at tandaan na hindi lahat at epektibo at pwede. Huwag ma-pressure na magpadede.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sumali sa mga breastfeeding seminars

Hindi lang kayo sabay na matututo, magiging malapit pang lalo ang mag-asawa sa isa’t isa.

Maraming mga mahahalagang impormasyon na makukuha online, pero naniniwala s Monet na makinig din sa mga eksperto nang harapan—tulad ng sa mga seminars. Hindi naman kasi lahat ng nababasa online at tama at totoo.

Focus

Isa itong mahalagang bahagi ng proseso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kung tumutulong ang asawa sa pagpapayabong ng relasyon ninyo bilang mag-asawa, ay magkakaron din ng mas mabuting relasyon sa bata. Kung ang paligid ng bata ay naka-focus sa nanay at baby, at ang tatay ay nabibigyan din ng pagkakataon na maging bahagi nito, mas magiging matibay ang ‘bond’,” paliwanag ni Monet.

Massage

Isa sa mga napakaraming suporta na pwedeng gawin ng mga mister ay ang pag-aaral kung paano mag-masahe kay misis. Nakakatulong ito sa paglabas ng gatas kapag nagpapadede, at makakarelax pa kay mommy. Happy mother = happy baby.

“Tandaan na kung gustong magpadede, e di masaya! Pero kung pinili ni mommy na hindi magpadede kay baby, okay lang din ito.” paglilinaw ni Monet. Pwede ka paring maging mabuting ina sa anak kahit hindi ka napapadede ng gatas ng ina. Minsan kasi inaabot pa ng 2 hanggang 3 araw bago maging komportable si baby sa pagdede, at bago pa din magkaron ng gatas ang ina. Mahirap sa umpisa, kaya’t huwag dumagdag sa pressure. Kung wala namang problema sa produksiyon ng gatas, e di mas masaya! Suportahan si misis sa anumang paraan na kaya mo.

 

Sa huli, ito ang isang to-do list para sa mga tatay pagdating sa breastfeeding ni mommy at baby:

  1. Ayusin ang posisyon ng unan para kay mommy at baby
  2. Maghanda ng tubig at pagkain para pagkatapos o bago ang pagpapadede ni mommy kay baby
  3. Ayusin ang ilaw asa kuwarto
  4. Padighayin si baby. Huwag na iasa ito kay Mommy.
  5. Palitan ng lampin si baby pagkatapos nito dumede
  6. I-swaddle si baby pagkadede o pagkatapos magpalit ng lampin
  7. Maglinis at magluto
  8. Bigyan ng shoulder o body massage si misis
  9. Magpalitan ng oras sa pag-aalaga kay baby
  10. “Encourage with love” at huwag na huwag kakalimutang sabihin at ipakita ang pagmamahal sa asawa.

 

Isinalin mula sa wikang Filipino ni ANNA SANTOS VILLAR
https://ph.theasianparent.com/how-to-support-breastfeeding-wife-advice

 

Siguraduhing magdownload ng theAsianparent app—available sa iOS at Android—para sa mga iba pang insightful stories, tanong at sagot mula sa mga magulang at experts. Kung may gustong ibahagi, o itanong, isulat lang sa Comment box sa ibaba o di kaya’y mag-email sa deartap@theasianparent.com.

Sinulat ni

Bianchi Mendoza