Parents' Guide: 5 epektibong paraan para mapa-burp si baby

May kabag ba si baby? Padighayin siya nang wasto at ligtas sa pamamagitan ng mga tips na ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga magulang, alamin ang mga tama at epektibong paraan ng pagpapadighay sa sanggol.

Kapag napadede na si baby at nakatulog na siya, pwede mo na siyang ilapag sa kaniyang kama. Tama? Mali. Huwag mong kalimutan na dapat mo pa siyang padighayin.

Pagpapadighay ng sanggol: Bakit nga ba importante?

Lahat ng magulang na nag-aalaga ng mga bagong panganak na sanggol ay naranasang padighayin ang kanilang baby pagkatapos nito dumede. Subalit bakit nga ba mahalaga ang gawaing ito?

Dahil hindi pa gaanong developed ang digestive tract ng iyong newborn at sinasanay pa niya ang sarili na magdede, marami pang air bubbles na pumapasok sa kaniyang tiyan pagkatapos niyang dumede. Ang mga air bubbles na ito ang nagiging sanhi ng kabag o colic na talaga namang nakakapagpabalisa sa isang sanggol.

Dahil maliit pa rin ang espasyo sa  kaniyang tiyan, hindi pa nito kayang mag-imbak ng maraming laman kaya naman siya madalas maglungad.

Ang pagpapadighay ng sanggol ay isang paraan upang maialis ang kabag sa tiyan ni baby habang o pagkatapos niyang dumede. Kapag walang kabag si baby, mas marami na ang espasyo sa loob ng kanyang tiyan kaya maiiwasan rin ang madalas na paglungad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan ba dapat padighayin si baby?

Nirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang pagpapadighay sa sanggol kahit hindi sila nagpapakita ng pagkabalisa o anumang senyales ng kabag.”

We do not know how much air gets in their little stomachs, so it’s a good idea to burp babies even if they do not get to the fussy stage,” ani Dr. Landau, isang pediatrician sa New York at isa sa mga nagsulat ng librong The Essential Guide to Baby’s First Year.

Kung napansin mong balisa at umiiyak ang iyong sanggol, subukan mo siyang padighayin. Mas mabuting sanayin na magkaroon ng break time sa pagitan ng pagpapasuso o pagpapadede sa bote ng 2 hanggang 3 ounces ng gatas at pagpapadighay ng sanggol.
Mayroon ring kinalaman ang dalas ng pagdighay sa kung ano ang gatas na iniinom ng sanggol.  Ang mga baby na breastfed o dumedede sa ina ay hindi masyadong kailangan na padighayin kumpara sa mga baby na dumedede sa bote.
Bakit? Dahil mas kaunti lang ang hangin na pumapasok sa tiyan ni baby kapag siya ay dumedede kay mommy. Tulad nga ng nabanggit, depende ito sa bawat baby kaya kailangang tingnan ng maigi si baby para malaman mo kung gaano kadalas mo siya dapat padighayin.
Kadalasan, ang pangunahing senyales na kailangan mong padighayin ang sanggol ay kapag siya ay parang balisa, umiiyak at tila ayaw magdede. Kung hindi naman basa o marumi ang kaniyang diaper, posibleng kaya iritable si baby ay dahil mayroon siyang kabag.
Para hindi mo malimutang gawin ito, sanayin na padighayin si baby tuwing pagkatapos niyang dumede.
Kailangang padighayin ng atleast 1 ang baby kapag papainumin gamit ang bote. Kapag breastfeeding naman, padighayin agad kung sakaling ililipat siya sa isang breast para painumin ng gatas.

Paano magpadighay ng baby?

Para sa mga first-time parents, maaring napakahirap magkarga at magpadighay ng sanggol. Kailangan mo kasing marinig na dumighay si baby bago mo siya ibaba. Pwedeng tumagal ng mga ilang minuto bago siya makadighay.

Subalit ano nga ba ang tamang paraan ng pagpapadighay ng sanggol? Maari mong subukan ang mga sumusunod:

1. Padighayin nang patayo sa balikat

Ito ang pinakakaraniwang paraan ng pagpapadighay ng sanggol. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paghawak kay baby sa patayong posisyon at pagpwesto sa kanya sa iyong balikat habang nakasuporta naman ang iyong isang kamay sa kanyang ulo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano kapag hindi maka dighay ng sanggol? | theAsianparent Philippines

2. Padighayin nang patayo sa kandungan

Isa pang paraan ng pagpapadighay ng sanggol ay ang hawakan si baby sa iyong kandungan at ihilig siya ng pasulong. Tapikin ng marahan ang likod ni baby habang paikot itong hinahaplos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano kapag hindi maka dighay ng sanggol? | theAsianparent Philippines

3. Pagpapadighay nang padapa sa kandungan

Isa pang paraan ay ang padapain si baby sa iyong kandungan habang ang isa mong kamay ay nakasuporta sa ilalim ng kaniyang dibdib. Salitang haplusin ang likod ni baby at marahang tapikin para dumighay.

Paano magpadighay ng baby? | theAsianparent Philippines

4. Ibaluktot ang Tuhod Patungo sa Dibdib

Kung nahihirapang dumidighay si baby gamit ang mga paraan na una nang nabanggit, subukan naman ang pagpapadighay na paupo si baby. Bahagyang ibaluktot ang kaniyang tuhod patungo sa kaniyang dibdib para matulungang madighay si baby. Makakatulong ito para makalabas ang air bubbles mula sa kaniyang tiyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano magpadighay ng baby? | theAsianparent Philippines

5. Pagpapadighay habang o pagkatapos dumede ni baby

Paalala sa mga magulang, para sa mas madaling pagpapadighay ng sanggol, subukan ang paraan ng pagpapadighay habang dumedede at pagkatapos dumede ni baby. Ang pagpapadighay bago dumede ay makatutulong rin upang maginhawaan si baby sa pagdede.

Paano magpadighay ng baby? | theAsianparent Philippines

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede bang padighayin si baby habang natutulog?

Isa sa mga karaniwang dahilan kung bakit nakakalimutang padighayin ang isang sanggol ay dahil madalas ay nakakatulog na ito matapos na magdede. Sa ganitong pagkakataon, dapat pa rin ba siyang padighayin?

Ayon sa Healthline, maari mo pa ring padighayin ang iyong sanggol kahit nakatulog na ito. Ito ay para masiguro na hindi kakabagin si baby sa kaniyang pagtulog at gigising siya na maganda ang kaniyang pakiramdam.  Kaya bago ilapag ang natutulog na sanggol sa kaniyang crib, subukan muna siyang padighayin ng mga ilang minuto.

Pareho lang naman ang mga paraan na gagawin sa pagpapadighay ng natutulog na sanggol, pwera na lang sa mga posisyon kung saan pinapaupo si baby. Kailangan mo lang sigurong gumalaw ng mas dahan-dahan para maiwasang magising at umiyak ang iyong anak.

Isa pang paraan para makadighay ang sanggol bago siya makatulog ay ang padighayin muna siya bago lumipat sa kabilang dede o bago niya maubos ang laman ng kaniyang feeding bottle. Makakatulong ito para magkaroon ng puwang ang bata para sa kaniyang tiyan sa halip na ilungad lang niya ito.

Mga paalala sa pagpapadighay ng sanggol

Karaniwan sa mga sanggol ang dumighay at lumungad pagkatapos magdede, kaya mas mabuting ihanda mo na ang iyong lampin o bimpo sa iyong balikat bago pa siya padighayin.

Kahit sino ay maaring magpadighay kay baby. Kung pagod na si nanay dahil sa pagpapadede, puwede niyang ibigay si baby sa kaniyang partner o ibang miyembro ng pamilya para magpadighay rito. Maari rin itong maging bonding time nila baby at Tatay habang pinapatulog niya ito.

Kung pinadighay na si baby, napalitan ng diaper at napadede pero patuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak, huwag mahiyang tanungin ang kaniyang pediatrician kung ano ang dapat gawin. Maaring sumubok ng ibang paraan para mawala ang kaniyang kabag. Puwede ring mayroon siyang ibang sakit na nararamdaman na kailangan ng pagsusuri ng isang doktor.

 

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Bianchi Mendoza