Si Michelle ay isang 40 na taong gulang na Filipina na nakatira sa ibang bansa. Sa kanyang kagustuhan na magka-anak, pinili niyang mag-IVF (In Vitro Fertilization). Ngunit, sa kabila ng pagiging single mom, isang anak na may Down syndrome ang kanyang natanggap. Alamin ang kanyang kwento sa kanyang pagpapalaki ng anak na may Down syndrome.
Hindi madali ang pagpapalaki ng anak na may Down syndrome bilang single parent
Nagsimula ang lahat sa pagdesisyon ni Michelle na siya ay magiging isang ina. Hindi niya na binigyang pansin kung ang mga tanong na bumabagabag sa kanyang isip. Kasama dito ang kung kakayanin niya ba ito pagdating sa gastusin, o papaano kung bigla siyang may makilala. Ang tanging nais niya ay magkaroon ng anak.
Dahil dito, si Michelle ay dumaan sa In Vitro Fertilization. Ito ay ang assisted fertilization kung saan pagsasamahin sa labas ng katawan ang sperm at ang egg cell. Ang fertilized egg na makukuha dito ang ibabalik sa kanyang uterus para sa kanyang pagbubuntis.
Si Michelle ay pinayuhan ng kanyang mga duktor na malabo siyang mabuntis sa unang subok lamang nito. Dahil dito, makakabuting pumili siya ng ilang sperm donations para muling masubukan,
Subalit, sa kanyang pakiramdam, magiging sapat na ang isang subok, Kanyang pinili ang donor na pareho sa kanyang layunin na makatulong magsimula ng pamilya. Laking gulat ng mga duktor nang sa isang subok pa lamang ay nakabuo na si Michelle.
Ibinalita ni Michelle sa kanyang mga magulang na nasa Pilipinas ang kanyang kakaibang balita. Siya ay hindi nakipagtalik sa kabila ng kanyang pagdadalang tao. Matapos humupa ng kanilang pagkagulat, naging masaya sila para sa kanilang anak.
Anak na may Down syndrome
Pakiramdam man ni Michelle na magiging babae ang kanyang anak, kanyang napag-alaman na ito ay magiging lalaki. Subalit, kanya ring nalaman na ang kanyang ipinagbubuntis ay mayroong Down syndrome.
Ang Down syndrome ay isang birth defect na dulot ng pagkakaroon ng ikatlong kopya ng chromosome 21. Kadalasan itong nauugnay sa pisikal na growth delays, intelektuwal na disability, at kilalang facial features.
Ganunpaman, sa kabila ng katotohanan na madalas ay hindi lumalagpas ng 12 lingo ng pagbubuntis ang may Down syndrome, kinaya ito ng kanyang anak. Dito na isip ni Michelle na ang kanyang ipinagbubuntis ay talagang lumalaban para mabuhay.
Ang panganganak ni Michelle ay hindi naging madali. Sa bawat pagtulak na kanyang ginawa, humihina ang heart beat ng kanyang anak. Ito ang nagbigay ng takot kay Michelle na baka mamatay ang kanyang baby.
Sa kabutihang palad ay ligtas naipanganak si Matthew na agad idiniretso ng kanyang duktor sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU). Limang oras pa ang nagdaan bago siya nasilayan ng kanyang ina.
Baby Matthew
Sa ngayon ay nasa 4 at kalahating buwang gulang na si baby Matthew. Ang unang pagkikita man nila ni Michelle ay hindi ang inaasahan ng ina, laking saya ang nadulot nito sa kanya. Ganon na lang kaya kahit anong pagod man ang maramdaman ni Michelle ay ngayon siya talagang nagkakaroon ng lakas alagaan ang kanyang baby.
Naiisip ni Michelle na hindi niya pinili si Matthew, ngunit si Matthew ang pumili sa kanya.
Ayon pa kay Michelle, tila panaginip lang ang saya ng kanyang napapagdaanan. Hindi niya lubos akalain na may mapagkukunan siya ng lakas sa pag-aalaga sa kanyang anak. Subalit, ngayon siya rin ay nagmamahal ng higit sa inakala niyang kakayahan niya magmahal.
Inaaamin ni Michelle na siya ay matatawag pang bagong magulang. Ganunpaman, kanyang maipapayo na mahirap maging single parent. Lalo na sa pagiging single parent sa anak na may special needs. Ngunit, ang kanyang anak parin ang kanyang pinaka-kayamanan.
Basahin din: Nanay, sumulat ng mala-‘customer review’ post ukol sa Down Syndrome ng anak
Source: Kidspot