12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

undefined

Narito ang mga salitang hindi mo na dapat sasabihin sa iyong anak.

Ang pagpapalaki ng anak ay isang mahirap na tungkulin para sa mga magulang. Dahil ang tamang pag-gabay habang sila ay bata pa ang magiging pundasyon nila sa kanilang pagtanda.

Ngunit minsan, may mga bagay o salitang inaakala nating ayos lang o hindi makakaapekto sa paglaki nila. Ilan nga sa mga ito ay naririnig nila mula sa atin araw-araw. Mga salitang may iba palang ibig sabihin para sa kanila kumpara sa ating naiisip.

Anu-ano ang mga salitang ito at ano ang mas magandang paraan para sabihin ito sa kanila.

Pagpapalaki ng anak tips

Ayon kay Jill Whitney, isang marriage and family therapist may mga salita tayong nasasabi sa ating mga anak na nakakagalit, nakakasakit o kaya naman ay nakakalito sa kanila. Kaya naman napaka-importante ng mga ginagamit nating salita dahil ito ay maaring maging constructive o destructive sa kanila.

Kaya para mas lumaking maayos ang iyong anak na nakikinig at na-e-encourage ng magandang mong layunin para sa kaniya ay may mga bagay o salita kang dapat ng iwasang sabihin. Sa halip ay sabihin o gawin ito sa paraang makakatulong sa kaniyang overall development at paglaki.

pagpapalaki ng anak

Image from Freepik

Ang mga salitang ito ay ang sumusunod:

Mga salitang hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

1. “Hurry up!” o “Bilisan mo!”

Karamihan sa mga bata ay mabagal kumilos lalo na sa umaga kung kailan dapat nilang mag-ayos para pumasok. Ngunit hindi daw dapat silang madaliin, dahil lalo lang silang ma-is-stress at madedelay sa kanilang mga dapat gawin. Hindi din makakatulong sa kanila ang pagsigaw mo para ma-motivate siyang kumilos ng mabilis.

Ayon kay Dr. Paul Hokemeyer, isang clinical and consulting psychotherapist, mas mabuti daw sabihin sa iyong anak na kumilos nang mabilis sa kalmadong paraan.

Maaring sa pamamagitan ng isang race tulad ng kung sino ang unang lalabas sa pinto ng kaniyang kwarto na bihis at ready na. Dahil sa pamamagitan ng “we event” na ito ay naituturo mo rin sa iyong anak ang kahalagahan ng collaboration.

2. “Leave me alone” o “Iwanan mo kong mag-isa.”

Tayong mga magulang ay may kani-kaniya ding pinagkakaabalahan. Ngunit hindi daw dapat silang sigawan o paluyuin sa mga oras na busy ka. Dahil ito ay nagpapahiwatig sa kanila na wala kang oras para sila ay kausapin at asikasuhin. Ito ay ayon kay Dr. Jennifer Trachtenberg, isang pediatrician at spokesperson ng American Academy of Pediatrics.

Ang pag-aacknowledge daw sa isang bata o pakikinig sa kaniyang sinasabi ay nakakatulong rin sa mga magulang. Dahil ito ay nakakabawas ng kanilang meltdowns at tantrums.

Kaya payo ni Dr. Trachtenberg ay kausapin ang iyong anak base sa kaniyang edad. At habang sila ay naghihintay sa bakanteng oras mo ay bigyan sila ng specific task na maari nilang gawin. Tulad ng ganito,

“May kailangan lang akong tapusin. Habang may ginagawa pa si Mommy laruin mo muna itong mga toy cars mo sandali. Maglalaro tayo sa labas kapag tapos na ako.”

Pero dagdag ni Dr.Trachtenberg, hindi lang ito natatapos sa salita dapat mo ding gawin ang kung anumang ipinangako mo sa iyong anak.

3. “Why can’t you be more like your brother or sister?” o “Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?”

Ang bawat isang bata ay unique. Kaya naman normal lang na maikukumpara mo ang isa mong anak sa kapatid niya. Ngunit hindi mo ito dapat iparinig sa kaniya dahil ito ay nag-propromote ng unhealthy competition sa pagitan nila o sibling rivalry. At hindi rin daw ito makakatulong sa iyong anak o makakumbinsi sa kaniya na gawin ang isang bagay na ayaw niyang gawin.

Sa halip ay tingnan ang mga bagay na nagagawa niya ng mabuti at purihin siya. Tulad ng,

“Wow, nagawa mong isara ang damit mong mag-isa” o kaya naman ay “Salamat, at  nasabi mo sakin na iihi ka sa iyong potty trainer.”

Dahil ayon parin kay Dr. Trachtenberg, ang positive reinforcement ay isang makapangyarihang paraan para mahulma ang behavior ng mga bata. Kaya dapat tandaan na i-encourage siya at purihin sa mga actions na kaniyang nagagawa ng matagumpay kaysa punahin ang mga maling nagagawa niya.

4. “Practice makes perfect.”

Ang mga salitang ito daw ay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak. Dahil ayon kay Betsy Brown Braun, isang child development at behavior specialist, nagpapahiwatig daw ito na hindi ginawa ng iyong anak ang kaniyang best kaya siya nagkamali.

Mas mabuti daw na i-acknowledge kung gaano kahirap ang pagpapraktis ngunit may maganda namang kapalit. Tulad ng ganitong pahayag,

“Tingnan mo ang mga baby na nag-aaral maglakad. Sinusubukan nila ng sinusubukan hanggang kaya nila. Nadadapa sila pero sinusubukan parin nila ulit hanggang sila ay mag-improve at matutong maglakad ng mag-isa nila. Tulad mo magagawa mo rin iyan.”

Sa ganitong paraan ay maipapaliwanag mo sa kanila na ang paggawa ng isang bagay ng paulit-ulit ay nakakatulong para mas magawa nila ito ng mahusay.

5. “Let me help” o “Tulungan na kita diyan.”

Normal lang sa mga magulang na ayaw nating makitang nahihirapan ang ating anak. Ngunit dapat din nating alamin kung kailan nga ba ang tamang timing para sila ay tulungan. Dahil kung uunahan mo daw siyang gawin ang isang bagay na hindi niya nasusubukan pa ay inaalis mo na sa kaniya ang pagkakataong matuto na maging independent.

Ang patuloy na pagtulong din daw sa iyong anak ay pumipigil din sa kaniyang magkaroon ng satisfaction na matuto. Kaya naman makakasanayan niyang humingi ng tulong ng iba para sagutin ang kaniyang mga tanong at gawin ang mga bagay para sa kaniya.

Mabuti daw na hintayin siyang hingin ang tulong mo. Ngunit tanungin parin siya sa paraan na makakatulong siya na masagot o masolusyonan ang kaniyang problema.

Tulad nalang sa isang puzzle, tanungin siya na,

“Dito ba dapat natin ilagay ang puzzle piece na ito? Subukan mo nga.”

6. “I’m on a diet” o “Diet ako.”

Kung gusto mong magpapayat o ma-maintain ang iyong katawan ay huwag ito iparinig sa iyong anak. Dahil maari itong magpahiwatig sa kanila na hindi healthy o katanggap-tanggap ang katawan nila.

Ayon kay Dr, Elizabeth Berger, isang child psychiatrist, mas mabuti daw na i-promote sa iyong anak ang healthy body image o pagkain ng masustansiyang pagkain para magkaroon sila ng malakas na pangangatawan.

7. “Don’t cry” o “Huwag kang iiyak.”

Hindi din daw dapat pigilan ang isang bata na umiyak sa tuwing siya ay nasasaktan. Dahil itinuturo mo sa kanila na itago ang kanilang nararamdaman. 

Mas mabuting ituro sa kanila na ayos lang na sila ay magsabi sa iyo sa tuwing sila ay nasasaktan o may nararamdaman. At iparamdam sa kanila na lagi ka lang nandiyan sa kanilang tabi sa lahat ng oras.

8. “I could do that when I was your age” o “Kaya kung gawin niya yung ka-edad mo ako. ”

Bawat bata ay nagdedevelop sa kani-kaniya nilang bilis at paraan. Kaya naman ang pagkukumpara mo sa kaya niyang gawin ngayon sa kaya mong gawin noon ay hindi nakakatulong sa kaniya.

Ito din ay nagbibigay lang ng pressure sa kaniya. Kaya muli mas magandang tingnan ang mga bagay na nagagawa niyang mabuti at purihin siya para siya ay ma-encourage na pagbutihin pa.

9. “Because I said so” o “Dahil sinabi ko.”

Isa sa pinaka-challenging task ng isang magulang ay ang kumbinsihin ang isang bata na gawin ang bagay na ayaw niyang gawin. Pero hindi mo daw dapat sabihin ang mga salitang nabanggit dahil hindi rin ito makakatulong na matutunan o magustuhan nilang gawin ang isang bagay na ayaw nila.

Para makumbinsi sila mas mabuting gumamit ng incentive approach para ma-promote ang interest nila sa isang bagay at gawin ito.

Tulad ng, “Alam ko gusto mong maglaro sa labas. Pero kailangan mo munang tapusin ang homeworks mo. Tapos saka tayo lumabas at maglaro.”

Ito ang payo ni Dr. Jane Felfman isang licensed psychologist.

10. “I do everything for you” o “Lahat ginagawa ko para sayo.”

Ang mga magulang ay hindi dapat isinusumbat ang kanilang ginagawa para sa kanilang anak tulad ng pagluluto, paglilinis o paghahatid-sundo sa kanila. Dapat daw ito ay maging open, generous at ginagawa ng buong puso ng mga magulang. Hindi rin daw dapat asahan ng mga magulang na makakatanggap sila ng pagpapasalamat o good behavior mula sa kanilang anak bilang kapalit nito.

Para ma-encourage ang iyong anak na magpakita ng gratitude at good manners ay magpakita ng halimbawa sa kanila.

Tulad ng, “Ang sarap ng pagkain, salamat Daddy sa pagluto” o puwede ring, “Nagluto si Daddy ng merienda para sa inyo, pasalamatan niyo siya sa masarap luto niya ha.”

11. “You’re a liar” o “Sinungaling ka”

Kung sakaling magsinungaling ang iyong anak, ito ay may dahilan. Kaya bago mo siya husgahan mabuting alamin muna ang dahilan kung bakit niya nagawa ito. At saka simulan ang open dialogue para maipaliwanag sa kaniya na mali ang kaniyang ginawa at hindi tama ang pagsisinungaling.

Tulad ng, “Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa iyo o kung may problem aka. Napansin ko na may nawawalang pera sa wallet ko. Hindi ko galit pero dapat mag-usap tayo.”

Ito ang payo ni Dr. Edward Kulich, isang pediatrician mula sa New York area.

12. “Be careful” o “Mag-ingat ka.”

Imbis na makatulong sa kaniya, ang mga salitang ito lalo na kung siya ay may ginagawa o naglalaro ay nagdudulot lang ng distraction sa kaniya. Dahilan upang mawala siya ng focus at magdulot ng ikakapamahak niya.

Tulad ng kapag naglalaro siya sa monkey bars, imbis na sabihing “Dahan-dahan, amg-ingat ka baka mahulog ka”. Sa halip mas mabuting sabihin na, “Nakita kong nagawa mo iyan kahapon, kaya mo ulit iyan ngayon”.

Sa paraang ito ay mas naboboost ang self-esteem ng iyong anak at mas nag-dedevelop ang loving relationship sa pagitan niyong dalawa.

 

Source: Reader’s Digest
Photo: Freepik

Basahin: 5 tips kung paano palalakihing sweet ang iyong anak hanggang sa pagtanda

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!