5 signs na masyado mong pine-pressure ang bata na maging perfect

Narito ang mga dahilan kung bakit hindi dapat i-pressure ng mga magulang ang kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapalaki ng bata nang tama: Huwag silang i-pressure na maging perfect version ng sarili nila.

Masarap sa pakiramdam ng isang magulang na makitang nag-e-excel ang anak sa kaniyang performance sa school o sa iba pang bagay.

Ngunit ito ay hindi dapat maging dahilan upang makaramdam ng pressure ang isang bata na laging i-maintain o di kaya naman ay lagpasan pa ang achievement niya na ito.

Hindi rin dapat ipilit o i-pressure ng mga magulang ang hindi kayang gawin ng kaniyang anak.

Bagamat, ang hakbang na ito ay ginagawang para sa magandang kinabukasan nila, ang pagpe-pressure sa mga bata na maging perfect ay may masamang epekto sa kanila na hindi natin inaakala.

Image from Freepix

Pagpapalaki ng bata: Bakit hindi sila dapat i-pressure na maging perfect

Ayon sa isang psychotherapist at Licensed Clinical Social Worker na si Dr. Amy Morin, ilan sa mga masamang epekto ng pagbibigay ng pressure sa pagpapalaki ng bata ay ang sumusunod na dapat malaman at iwasan ng mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Higher rates of mental illness

Ang mga batang laging nakakaramdam ng pressure mula sa kaniyang mga magulang o pamilya ay lagi ring nakakaranas ng anxiety o pagkabahala.

Maliban rito, ang pagpe-pressure sa isang bata ay nagdudulot rin ng mataas na level ng stress sa kanila na nagpapataas naman ng tiyansa na magkaroon sila ng depression o iba pang mental health issues.

2. Increased risk of suicide

Ang isa pang masamang epekto ng parental pressure sa mga bata ay suicidal ideation o ang pag-iisip na kitilin ang kanilang buhay kapag hindi na-meet ang expectations o demands ng magulang nila.

Ayon sa isang pag-aaral, isa sa limang estudyante ang nakakaisip na mag-suicide kapag hindi nakuha ang exceptional grades na inaasahan ng kanilang magulang mula sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Self-esteem problems

Ang pagpapalaki ng bata na may kasamang pressure na mag-excel sa kanilang performance ay may masamang epekto rin sa kanilang self-esteem o pagpapahalaga sa sarili.

Ang stress na dulot ng pressure na ito ay nakakaaapekto sa identity formation ng isang bata at nakakapagparamdam sa kanila na hindi sila karapat-dapat o good enough para sa kanilang magulang.

4. Sleep deprivation

Isa pang masamang epekto ng constant pressure sa mga bata na magperform ng kanilang best sa school ay sleep deprivation o kakulangan sa tulog.

Dahil naman ito sa pag-aaral hanggang hating-gabi para magkaroon ng matataas na grades na ginagawang basehan ng magulang sa abilidad ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Higher risk of injuries

Ang mga athletes naman na nakakaramdam ng sobrang pressure ay maaring makakuha pa ng mas malalang injury dahil sa pagpilit na i-achieve ang goal kahit na sila pa ay may sakit o nakakaranas na ng minor injury sa kanilang katawan.

6. Increased likelihood of cheating

Samantalang ang ibang bata naman na naprepressure na makakuha ng mataas na grades ay natututong mandaya para lamang maisakatuparan ito.

Ito ay maaring sa paraan ng pangongopya o kaya naman ay pagbabayad sa iba para gawin ang task nila ng mas maayos at maging satisfactory para sa magulang nila.

7. Refusing to participate

Kaugnay sa pagkawala ng kanilang self-esteem, ang pagpapalaki ng bata na may kasamang parental pressure ay maaring magpigil pa sa kanila na mas matuto at hinangin pa ang kanilang talent o skills.

Ito ay dahil iniisip nila na “hindi sila magaling” sa tuwing hindi nila naabot o nagagawa ang expectation ng kanilang magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagiging dahilan ito para mawalan sila ng tiwala sa kanilang sarili na gawin pa ang ibang bagay o activity.

At para hindi maranasan ng isang bata ang mga nabanggit na epekto,  ay kailangang iwasan ng mga magulang na magparamdam o magbigay ng pressure sa kanilang anak.

Ngunit ano nga ba ang palatandaan na napepressure na ng isang magulang ang anak niya?

Pagpapalaki ng bata: Palantandaan na napre-pressure mo na ang iyong anak

Para makaiwas sa masamang epekto ng parental pressure sa pagpapalaki ng bata, kailangang maging aware ang mga magulang sa kung kailan nila napepressure ang kanilang anak.

Ayon parin kay Dr. Amy Morin, ang mga sumusunod ay ang mga signs na maaring napepressure mo na ang iyong anak:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Mas madalas mo siyang i-criticize kaysa purihin.

Ang pagpansin sa mga maling nagawa ng anak mo kaysa sa mga tama at magandang achievements niya ay isang sign na ng pagpressure sa kaniya.

Bagamat minsan ay nakakatulong ang pagpansin sa kaniyang mga maling nagawa para maitama ito sa susunod, hindi naman healthy ito kung lagi mo nalang ginagawa.

Hangga’t maari ay dapat purihin ang iyong anak ng mas madalas sa mga magandang nagawa niya kaysa sa kaniyang mga mali.

Ito ay para mas lalo siyang mainspire at magtiwala sa sarili niyang kakayahan.

2. Kinokontrol mo ang activities ng iyong anak.

Ang pakikialam o pagkokontrol sa daily activities ng iyong anak ay isang paraan rin ng pagpepressure sa kanila.

Kung gusto mo talagang magperform ang iyong anak ng kaniyang best ay dapat hayaan mo siyang magkamali at matuto mula rito.

3. Pagkumbinsi sa anak na ang lahat ng bagay ay do-or-die.

Ang palaging pagsasabi sa anak na kapag hindi niya nagawa ng maayos ang isang bagay ay katupasan na ng magandang kinabukasan niya ay isang paraan rin ng pagpepressure sa kaniya.

Bagamat ito ay makakatulong na maibigay niya ang kaniyang best sa isang bagay, mas makakabuti ring ipaintindi sa anak na ayos lang ang magkamali.

Paalalahanin rin siya na kung sakaling hindi niya maabot ang goal niya sa isang bagay ay huwag itong panghinaan ng loob dahil marami pang oportunidad ang maaring dumating sa kaniya.

4. Ikinukumpara mo siya sa ibang bata.

Ang madalas na pagkukumpara sa iyong anak sa ibang bata gaya ng lang sa kaniyang kapatid o kaibigan ay nagbibigay rin ng pressure sa kaniya.

Sa ganitong paraan rin ay iniisip niya na ang mga ikinukumpara mo sa kaniya ay isang kakompetensya.

Nagiging dahilan rin ito para mawalan siya ng tiwala sa kaniyang sarili lalo pa’t naririnig niya ito mula sa iyo na magulang niya.

Mas makakabuti kung i-encourage ang iyong anak na makipagkompetensya sa sarili niya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng better performance sa una na niyang nagawa.

Ngunit laging alalahanin na kailangan mo rin siyang purihin sa bawat maliliit na achievements na nagagawa niya.

5. Madalas na umiinit ang ulo mo sa iyong anak.

Ang madalas na pag-init ng ulo o pagpapakita ng magulang ng galit sa kaniyang anak sa tuwing hindi nito naabot ang expectation niya ay isang paraan rin ng pagpepressure sa kaniya.

Ito rin ay nagiging dahilan na mapalayo ang pakiramdam ng isang anak sa kaniyang magulang.

Kung kaya naman sa oras ng problema ay nahihiya itong magopen-up at magkwento sa magulang ng pinagdadaanan niya.

Ang pagpapalaki ng bata ay hindi dapat magdulot ng pressure sa mga magulang at sa mga anak.

Ito ay dapat maging remarkable o memorable na magiging pundasyon ng isang bata sa paglaki at pagtanda niya.

 

Sources: Very Well Family, Very Well Family

Basahin: Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?