Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang pagde-delay sa pagpapaligo ng baby ng 12 hours o higit pa pagkapanganak ay nagpapataas sa tiyansa na maging exclusively breastfed ang isang newborn.
Pag-aaral tungkol sa pagpapaligo ng baby
Ang pag-aaral ay pinangunahan ng isang nursing professional development specialist for Mother/Baby Unit sa Cleveland Clinic Hillcrest Hospital na si Heather DioCioccio.
Ito ay kaniyang naisip matapos maka-encounter ng mga mommies na nagrerequest na huwag muna paliguan ang kanilang bagong silang na anak. Napag-alaman niya mula sa mga ito na may pagkakapareho ang amoy ng suso ng isang ina at amniotic sac na pinanggaligan ng isang baby na nagiging dahilan para mas maging madali sa kanila ang sumuso mula dito lalo na kapag hindi agad napaliguan. Ang impormasyong daw na ito ay mula sa mga mom blogs na kanilang nabasa.
Mula sa nalaman ay nagsimulang i-practice ni Heather sa iba pang pasyente ang hindi agad pagpapaligo sa newborn bagamat wala siyang nakitang research o pag-aaral na susuporta sa mga naturang pahayag.
Para mas mapatunayan ang effectivity ng impormasyong natuklasan ay isinagawa ni Heather ang isang pag-aaral na kung saan may halos isang libong mother-newborn pairs ang sumali sa experiment.
Mula sa 448 na babies na pinaliguan agad pagkapanganak noong January to February 2016 at 548 na babies na dinelay ang pagpapaligo pagpanganak noong July to August 2016, lumabas na mula sa 59.8% na exclusive breastfeeding rate ay tumaas ito ng 68.2% ng i-aapply ang naturang practice.
Napag-alaman din na ang mga newborn na kasama sa delayed bath group ay nadi-discharge sa ospital na may feeding plan na exclusive sa breastfeeding o di kaya naman ay may inclusion ng human milk.
Ang ilan daw sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagtaas sa breastfeeding rate kapag hindi agad napaliguan ang isang newborn ayon kay DiCioccio ay ang sumusunod:
- Skin-to-skin contact time sa pagitan ng mother at baby
- Ang pagkakapareho ng smell o amoy ng suso at amnioctic sac na pinanggalingan ng baby na nag-eencourage sa kanilang mag-latch o dumede,
- Ang mga baby daw mula sa delayed bath group ay mas stable at normal ang temperature kumpara sa mga baby na napaliguan agad pagkapanganak na malamig ang katawan dahilan para maging mahirap sa kanila ang dumede o sumuso.
Dahil sa natuklasan ay naging patakaran na sa Cleveland Hospital na i-delay ang pagpapaligo ng baby na bagong panganak ng hindi bababa sa 12 hours maliban nalang kung magpipilit ang nanay at hindi makapag-antay. Kung sakaling maharap sa sitwasyong may nanay na ayaw sumunod sa patakaran ay nagrerequest parin sila ng kahit dalawang oras na delay sa pagpapaligo ng baby para makatulong sa maayos na pagpapasuso sa newborn.
Ayon kay DiCioccio umaasa siya na ang pag-aaral na kaniyang ginawa ay magbibigay daan sa iba pang research tungkol sa nasabing practice upang mas mapag-aralan pa at maiaapply sa buong bansa nila.
Inirerekumenda naman ng The American Academy of Pediatrics ang exclusive breastfeeding sa mga baby hanggang sa kanilang ika-anim na buwan at ipagpatuloy ito habang nag-iintroduce ng pagkain hanggang sila ay mag-isang taong gulang. Ang breast milk ay ang pinakamagandang source ng nutrition para sa mga baby na nakakatulong din para maproteksyonan ang baby at kaniyang ina mula sa mga sakit.
Samantala, ang pag-aaral tungkol sa pagdedelay ng pagpapaligo ng baby ay naipublished noong Janaury 21 sa Journal for Obstetrics, Gynecologic, and Neonatal Nursing.
Health benefits ng pagdedelay sa pagpapaligo ng baby
Maliban sa pagtaas sa breastfeeding rate ay may iba pang benepisyo sa kalusugan ang pagdedelay sa pagpapaligo ng isang newborn ayon sa mga doktor. Ito ay ang sumusunod:
Reduced risk of infection
Ang mga baby ay ipinanganak na balot ng isang putting substance na kung tawagin ay vernix na binubuo ng skin cells. Ang vernix ay nagtataglay ng proteins na pumipigil sa infections na dulot ng bacteria tulad ng Group B Strep at E.coli na maaring makapagdala ng bloodstream infection sa mga baby, pneumonia at meningitis na nakamamatay. Ang vernix ay parang isang natural antibacterial ointment para sa mga baby na proteksyon nila mula sa mga nasabing infections.
Stabilized infant blood sugar
Ang pagpapaligo agad sa newborn baby pagkatapos maipanganak ay maaring maging dahilan ng low blood sugar. Ito ay dahil sa adjustment na kailangan niyang pagdaan mula sa pagkakahiwalay sa placenta na source niya nito. Ang pagpapaligo ay makakapagdulot sa kaniya ng pag-iyak at pagrerelease ng stress hormones na nakakapagpababa ng blood sugar. Samantalang ang mababang blood sugar naman ay maaring magpaantok pa sa baby na nagpapahina ditong magbreastfeed o dumede na nagiging dahilan din para mas bumaba pa ang blood sugar nito na maaring mauwi naman sa neurological injury.
Improved temperature control
Ang pagpapaligo sa baby agad pagkapanganak ay maaring maging dahilan ng hyphothermia. Dahil ito sa malaking pagkakaiba sa temperature sa loob ng sinapupunan ng isang ina na 98.6 degrees at sa lugar na pinag-anakan ng baby na madalas ay nasa 70 degrees. Kaya naman upang makapag-adjust sa bagong environment temperature ay gumagamit ng lahat ng kaniyang energy ang isang baby para manatiling warm o mainit sa unang mga oras ng kaniyang buhay. Kung ang baby ay giniginaw maaring bumaba rin ang blood sugar niya at magkaroon ng iba pang kumplikasyon.
Improved maternal-infant bonding
Ang pagdedelay sa pagpapaligo ng baby ay nagbibigay din ng mas maraming oras para sa mother and baby bonding at skin-to-skin contact sa pagitan nilang dalawa. Maliban sa pagiging madaling matutong sumuso ng isang newborn, ang skin-to-skin contact ng ina at ng kaniyang baby ay makakatulong rin sa newborn na magkaroon ng normal na blood sugar at maayos na temperature control.
Ang pagdedelay sa pagpapaligo ng baby ay nakadepende parin sa isang magulang ngunit sa mga nasabing benepisyo nito ay mas mabuting gawin at i-practice ito para sa mas maayos na kalususan ng iyong anak.
Sources: ChildrensMD, Cleveland Clinic
Photo: Pixabay
Basahin: 7 Tips sa pagpapaligo kay baby