7-anyos pinarusahan dahil hindi memorized ang bible verses

Responsibilidad nga ba ng isang magulang ang pagpaparusa sa bata? Mayroon bang mga alternatibong paraan upang madisiplina sila?

Sa kultura nating mga Pilipino, normal na ang pagpaparusa sa bata kapag sila ay nagkakamali. Bukod sa pinapagsabihan ng mga magulang, minsan ay pinapalo pa ang mga anak.

Ngunit paano kung sumobra na ang pagpaparusa sa bata? Tama pa nga ba ito? Ganito mismo ang nangyari sa isang 7-taong gulang na bata matapos siyang parusahan ng kaniyang mga magulang. At ano ang kaniyang naging kasalanan? Hindi niya nakabisa ang mga bible verses na pina-memorize sa kaniya.

Pagpaparusa sa bata, humantong sa pagkamatay

Ayon sa ulat, nakatira raw sa Wisconsin, USA ang batang si Ethan Hauschultz. Pinarusahan daw siya ng kaniyang amain na si Timothy Hauschultz dahil hindi niya nakabisa ang mga bible verses na pinapa-memorize sa kaniya.

Bilang parusa, kinailangan niyang magbuhat ng malaking piraso ng kahoy na halos kasingbigat niya, habang naglalakad sa napakalamig na snow. Bukod dito, tinulak pa raw siya ng anak ni Timothy, at sinasaktan habang nagbubuhat ng kahoy.

Ayon sa anak ni Timothy na si Damian, 15-taong gulang, ito raw ang naging parusa ni Ethan. Hindi raw kasi nakabisado ng kaniyang kapatid ang mga bible verses na ikinagalit ni Timothy. Mismong ang ama pa raw ni Ethan na si Timothy ang pumili ng kahoy na bubuhatin ng pata. Matapos nito, inutusan siyang maglakad ng 2 oras sa malamig na snow bilang parusa. Damian ang dapat na nagbabantay sa kaniya, ngunit ito rin ay nanakit at nambugbog sa bata.

Ilang beses pa raw sinaktan si Ethan ng kaniyang kuya, at dinaganan pa raw ng kahoy sa dibdib. Habang nakadapa raw ang bata sa isang puddle, inakapan pa raw siya ni Damian. Nang mapansin ni Timothy at ng kaniyang asawa na nawalan na ng malay ang bata, dinala raw nila ito sa ospital, kung saan idineklarang dead on arrival.

Hindi raw sila tunay na magulang ni Ethan

Base sa mga report ay mga guardians lamang ni Ethan ang pamilya ni Timothy. Si Ethan raw at ang kaniyang mga kapatid ay pinaalaga sa kanila noong 2017.

Dahil sa insidente, kakasuhan si Timothy at ang kaniyang asawa, pati na rin ang kanilang 15-taong gulang na anak. Bagama’t minor de edad pa lamang si Damian, kakasuhan na raw ito ng kaso na pangmatanda. Ito ay dahil sa lubos na pagpapasakit at pananakit na kaniyang ginawa sa walang kaawa-awang bata.

Tama ba ang pagpaparusa sa mga bata?

Hindi madali ang magdisiplina ng mga bata. Madalas ay hindi nila lubos nauunawaan ang mga nangyayari, kaya’t natural na sa mga bata ang hindi sumunod sa mga magulang, o kaya ay maging masyadong makulit.

Ngunit hindi ito dahilan para parusahan o pagbuhatan ng mga kamay ang mga bata. Mahalagang turuan sila ng disiplina, pero gawin ito sa pamamaraan na punong-puno ng pagmamahal at pag-unawa.

Heto ang ilang mga tips:

  • Disiplinahin sila ng may pagmamahal
  • Walang “naughty” na bata. Unawain kung bakit ganoon ang nagiging ugali ng iyong anak
  • Magtatag ng mga panuntunan para sa iyong anak
  • Gumamit ng timeout sa halip na pamamalo
  • Habaan ang iyong pasensya, at huwag maging padalos-dalos sa mga desisyon

 

 

Source: Patheos

Basahin: Sanggol, binuhusan ng tubig sa mukha ng sariling ina dahil ayaw nitong tumigil sa pag-iyak

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara