Isang viral post sa Twitter ang naging pagpapasalamat sa ama ng isang anak. Sa nasabing post, ibinida ng anak ang gown na gawa ng kanyang ama para sa kanya.
Si Toni Masil ay isang 18 taong gulang mula sa Angeles City, Pampanga. Isa siya sa mga babaeng anak ng amang si Gregorio na nagta-trabaho sa isang public school sa Angeles.
Limang taon na ang nakalipas nang makahiligan ni Gregorio ang pananahi. Sa simula, ang kanyang mga ginagawa ay mga kurtina at kobre kama para sa kanilang bahay.
Ngunit, nuong Grade 10 si Toni, wala itong gown na isusuot para sa kanyang prom. Wala itong nagustuhan sa mga nakita niyang gown kaya naisipan na magpagawa nalang sa kanyang ama. Ito ang unang gown na ginawa ni Gregorio.
Sobrang natuwa si Toni sa nagawang gown ng kanyang ama. Ayon pa sa kanyang kuwento, siya ang nakoronahang prom queen suot ang gown mula sa ama. Lubos ang kanyang pasasalamat na nagparamdam sa kanyang isa siyang reyna.
Ang prom dress ni Toni na gawa ng kaniyang ama.
Mula nuon, ilang gowns na ang mga nagawa ni Gregorio para sa kanyang mga anak. Ang nasa viral na Twitter post ng dalaga ay isa lamang sa mga nagawa ng kanyang ama para sa kanya. Mayroon din itong tinahing gown na gawa sa katya ng arina!
Ayon kay Toni, ginagawa ito ng kanyang ama para mapasaya ang kanyang mga anak. Nais niya na maging confident ang kanyang mga anak sa sinusuot nilang gown.
Sa ngayon ay puro para sa kanyang mga anak ang ginagawang gowns ni Gregorio. Subalit, nais nito na balang araw ay makapagbukas ng sariling shop. Nais ni Toni na matuloy ang planong ito matapos niyang mag-aral sa kolehiyo.
Source: GMA News Online
Basahin: “Superman Tatay” dumalo ng nakayapak sa graduation day ng anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!