Kung bakit dapat iwasan ang pagsabi sa anak na "matalino" siya

Alam niyo ba na hindi lahat ng pagpuri sa anak ay nakakabuti sa kaniya? May mga tamang paraan upang magbigay ng positibong komento sa anak mo. | Photo by pan xiaozhen on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi maikakaila na nakakabuti sa bata na makarinig ng mga positibong komento mula sa mga magulang. Nakikita nila ito bilang reward para sa magandang ugali o magandang ginawa niya. Nagiging mas confident sila at pursigidong ulitin uli ito para makakuha ulit ng papuri. Ngunit alam niyo ba na hindi lahat ng pagpuri sa anak ay nakakabuti sa kaniya?

Ang pag-aaral

Ayon sa isang pag-aaral ni Professor Kang Lee ng University of Toronto’s Ontario Institute for Studies and Education (OISE), ang maling pagpuri sa anak ay lubos na nakakasama sa kaniya.

Nakasaad sa nailathalang pag-aaral na ang pagpupuri ang madalas na ginagamit ng magulang bilang gantimpala sa kanilang mga anak. Ngunit, tuwing sinasabihan daw ang bata na siya ay “matalino,” pinapahina raw ang motibasyon nito na makakamit.

Dagdag pa nito na ang mga preschoolers na sinasabihan parati ng “matalino” ay mas malaki ang tsansa na mag-cheat sa games o mangopya sa pagsusulit kaysa sa mga batang sinasabihan ng “good job” para sa kanilang pagsisikap. Paliwanag ni Professor Lee, nakakaramdam daw ng pressure parati ang mga “matatalinong” bata na magkaroon ng mataas na marka kaya para hindi ma-disappoint ang kanilang magulang, nag-chi-cheat sila.

Ayon naman sa isang TAP Mommy, si Anne, base sa kaniyang experience, tinamad siyang mag-aral dahil alam niyang matalino siya.

“Bata pa lang ako, parati akong sinasabihang matalino ng magulang ko,” saad niya. “Noong nasa grade school ako, binigyan ako ng test at napag-alaman na gifted child daw ako dahil mataas ang IQ ko. Mula noon, hindi na ako naging pursigido mag-aral dahil kahit hindi ako mag-effort, pumapasa ako. Imbis na nag-aaral sa test, naglalaro lang ako parati dahil alam kong hindi ako babagsak.”

Kuwento niya, “Sa huli, naging mediocre student lang ako. Hindi mataas ang grades pero hindi bagsak. Hindi ko napayabong ang potential ko bilang isang gifted child.”

Ang tamang paraan ng pagpuri sa anak

Kung may pagpuri sa anak na nakakasama, ano nga ba ang tamang paraan ng pagbibigay ng komento?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa The Guardian, ito ang mga paraan ng tamang pagpuri sa anak:

1. Purihin ang pagsisikap

Ayon sa isang pag-aaral ng Columbia University, nawawalan ng motibasyon ang mga bata na sinasabihan parati na “matalino” sila—kagaya ng na-experience ni Mommy Anne.

Mas mabuti na purihin ang pagsisikap sa pamamagitan ng pag-sabi nang, “Good job!” o “Nice effort!” Mas kontrolado kasi ng bata ang pagsisikap na ibinibigay niya sa isang gawain kaysa sa katalinuhan niya.

2. Purihin ang pag-uugali

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kadalasan, napupuri lang ang mga achievements sa eskwelahan o sa mga gawain. Bigyan din ang bata ng positibong komento sa pagiging mabait, responsable, matapang, o malikhain.

3. Huwag kalimutang magbigay ng dahilan

Tuwing magpupuri, hindi sapat na sabihing “magaling” ang bata sa isang bagay. Kailangan sabihin ang dahilan kung bakit siya naging “magaling.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa, kapag nag-drawing ang bata ng magandang larawan. Imbis na sabihin na “magaling” lang, sabihin sa kaniyang, “Ang galing drawing mo dahil pinaghirapan mong gawin ‘yan!”

Alamin ang 30 na positibong komento na puwede mong sabihin sa anak mo.

 

SOURCE: Psychological Science, The Guardian, The Asian Parent Philippines

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement