Mister sinubukang mag-alaga ng baby nang mag-isa at ito raw ang natutunan niya
Gustong pasalamatan ang iyong asawa o ina? Narito ang ilang simpleng paraan para gawin ito.
Pagsasakripisyo ng isang ina, dapat bigyang pugay. Ito ang na-realize ng isang mister matapos masubukan ang ginagawa ng kaniyang misis – ang pag-aalaga sa anak nila.
Pagsasakripisyo ng isang ina
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Xtian Serrano ang kaniyang karanasan matapos maging baby sitter ng kaniyang anak ng kalahating araw lamang.
Ayon kay Xtian, noong una ay iniisip` niya kung paano naging nakakapagod ang pagbabantay ng bata. Naintindihan at naliwanagan siya tungkol dito ng masubukan niyang gawin ito ng minsang umalis ang kaniyang misis upang may asikasuhin.
Mula nga daw sa pagpupunas, pagpapalit ng diapers, pagpapadede at pagpapatulog ay nagawa niya sa kaniyang 8-month-old baby. At sa loob lang kalahating araw ng pagbabantay sa anak ay halos maubos na daw ang pasensya niya. Ngunit naging daan naman ito upang ma-realize niya ang hirap at pagsasakripisyo ng isang ina at ng kaniyang asawa.
Mga realizations ng isang ama
Ayon sa amang netizen, ito ang natutunan niya.
“Lesson learned was that being a mom isn’t easy they need our SUPPORT not only financially but almost everything we can do to help them. They are doing this EVERY SINGLE DAY including breastfeeding the pain when the baby bites their nipples you should see the pain in our wives face. Wala pong day off pagiging nanay nila.”
Kaya naman dahil sa natutunan ay may mensahe siya para sa kaniyang asawa.
“You will always have my back. We are a team.”
May mensahe rin siya para sa ibang mga tatay na tulad niya.
“To other dads let’s spend more time with our family especially our kids… gifts won’t last but time spent will always remind them how they are loved by us.”
“Mga bro hindi ibig sabihin tayo nag alaga kay baby eh under na tayo. Ibig sabihin nun eh responsableng tatay tayo sa anak natin. Ang barkada tropa nanjan sa good times eh sa bad times nasan? Asawa/partners natin parating anjan para sa atin. Bawi naman tayo minsan.”
“Let us always comfort our wives/partners tell them we are a team i got your back. They need it.”
Sa huli ay hinikayat niya ang mga kapwa niya tatay na subukan ring gawin ang mga gawain ng kanilang misis kahit isang araw. Para tulad niya ay malaman din nila ang hirap at sakripisyo ng isang ina.
Mga simpleng paraan kung paano masusuklian ang pagsasakripisyo ng isang ina o iyong asawa
Ang pagsasakripisyo ng isang ina para sa kaniyang pamilya o mga anak ay hindi kayang tumbasan ng kahit anong bagay. Mula sa pagdadala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan ng 9 na buwan, sakit ng panganganak pati na ang hirap ng pagpapasuso at pag-aalaga ng makulit na sanggol, lahat ng ito ay maluwag na tinanggap at ginagampanan ng mga ilaw ng tahanan. Kaya naman biklang sukli sa kanilang paghihirap, marapat lang na sila ay pakitaan ng pasasalamat at appreciation na magagawa sa mga sumusunod na paraan:
1. Pagpapasalamat sa kaniya at pagpaparamdam ng iyong pagmamahal gamit ang mga salita.
Ang simpleng “Thank you” at “I love you” ay malaking bagay na magagawa sa pagpapagaan ng pakiramdam ng iyong misis o nanay. Dahil sa ganitong paraan ay naipaparating mo sa kaniya na naappreciate mo ang kaniyang mga ginagawa para sa inyong pamilya.
2. Paggawa ng card o sulat.
Kung hindi mo naman kayang sabihin ang iyong nasa isip ng personal idaan ito sa isang sulat o card. Simple man ito, magdudulot naman ito ng sigla at buhay sa araw niya.
3. Bigyan siya ng break.
Ang gawain ng isang ina ay sadyang nakakapagod. Hindi man siya nagrereklamo o nagsasalita ngunit sa kabila ng kaniyang isipan ay nais niya ring magpahinga at magkaroon ng oras sa sarili niya. Kaya ibigay sa kaniya ang break na hinahanap niya at kung iyong kakayanin ay siguraduhin sa kaniya na may pansamantalang gagawa ng mga responsibilidad niya.
4. Ilabas siya o magluto ng isang dinner para sa kaniya.
Isang malaking bagay kung ipaparanas sa kaniya kahit ilang oras na siya naman ang pagsisilbihan. Gawin ito sa pamamagitan ng pagluluto sa kaniya ng dinner. O kaya naman ay pag-aaya sa kaniyang lumabas at kumain sa isang restaurant na kung saan siya naman ang pagsisilbihan.
5. Purihin ang iyong misis o ina sa harap ng iyong mga anak o kapamilya.
Ang pagpupuri o pagpapasalamat sa mga nagagawa ng iyong misis o ina sa harap ng iyong anak ay hindi lamang paraan ng pag-aappreciate sa mga sakripisyong ginawa niya. Isa rin itong paraan para maturuan ang iyong anak na matuto ring pahalagahan ang mga ginagawa ng kanilang ina o lola para sa kanila.
Ang pagsasakripisyo ng isang ina ay walang katumbas ng halaga. Higit sa kahit anumang regalo o materyal na bagay, wala ng mas hihigit pa sa iyong pagtanggap at pagpapasalamat sa mga nagawa niya.
Photo: Freepik
Basahin: 5 Kaugalian na maaaring makapagpalayo ng loob ng iyong asawa
- 8 tips para mapatulog ang bata nang maaga at mag-isa
- 2-buwang sanggol na nagsusuka at hirap huminga, dulot ng masikip na bigkis pala
- Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”
- Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”