manHindi maganda sa isang relasyon kapag ang isa sa mga nandito ay lumayo ang loob sa asawa. Malaking prublema ito at maaaring ika-sira o ika-wala ng saya ng pagsasama. Madalas ay dulot ito ng ilang kaugalian na ginagawa na nakakapagtulak sa loob ng asawa. Madalas din ay hindi alam na nagagawa ang mga ito. Alamin natin ang mga nagpapalayo ng loob ng asawa.
5 Bagay na nagpapalayo ng loob ng asawa
1. Sobrang pagpuna
Hindi kailangan na lahat ng sasabihin sa asawa ay puro positibo. Ang totoo, hindi maganda sa pagsasama kung kahit ano pang ang maling gawin ng isa ay susuportahan ng isa pa. Mahalaga parin na punahin ang pagkakamali ng isa’t isa. Ito rin ay paraan kung paano mag-grow ang mga nasa relasyon.
Subalit, hindi rin nakakaganda ang sobrang pagpuna. Ayon sa mga eksperto, ang maganda ratio ay 80% na positibong mga salita at 20% lamang na pagpuna. Ngunit, may ilan na sumosobra ang pagpuna sa mga nagagawa ng kanilang mga asawa. Kadalasan, ang mga ito ay ang pagbahagi ng kanilang hindi pagiging masaya at reklamo. Napapabilang din dito ang mga direktang utos. Imbes na nakakapag-challenge sa sarili, ang ganitong sobrang pagpuna ay nakakapagpahina ng loob ng tao. Ang epekto sa kanilang pag-iisip ang nagiging daan na nagpapalayo ng loob ng asawa.
2. Hindi pantay na pag-uusap
Hindi maiaalis sa mga mag-asawa ang pagkakaroon ng mga argumento at hindi pagkakasunduan. Subalit, hindi rin naman kailangan mag-alala sa bawat argumento dahil isa itong paraan para mas tumibay ang pagsasama. Dahil dito, hindi rin maganda ang magkaroon ng pagsasama na walang di pagkakasunduan na nagaganap.
Subalit, kung ang isa sa mag-asawa ay mas hindi kayang iparating ang kanyang saloobin sa pag-uusap, maaari itong ikalayo ng kanyang loob sa kanyang asawa. Ito ay dahil, kahit siya ang nasa tama, kung hindi niya kayang iparating nang maayos ang kanyang panig, siya parin ang talo. Dahil sa sunod-sunod na ganitong pangyayari, siya ay mawawalan na ng gana makipag-argumento. Kanyang naiisip na para saan pa ang ganito kung lagi namang siya ang mali.
3. Kakulangan ng pakikiramay
Ayon sa mga pag-aaral, ang pag-ayon ng expression ng asawa sa balita ng kanyang asawa ay malaking bagay. Nakaka-apekto ito sa satisfaction sa pagsasama. Ito ay napatunayan maging masaya man ang balita o hindi. Kung hindi naaayon ang reaksyon sa balita ng asawa, nakakasama ito sa loob ng nagbigay ng balita.
Kung ang isa sa mag-asawa ay may pinagdaanan na emosyonal na distress, ito ang panahon kung kailan nila pinaka-kailangan ang kanilang asawa. Kapag walang natanggap na pakikiramay mula sa asawa, nagdudulot ito ng napakabigat ng impact. Ang ating mga asawa ang ating unang inaasahan lalo na pagdating sa mga problema na may kinalaman sa emosyon. Kung nagiging karaniwan na ang kawalan ng pakikiramay na natatanggap, nakakapagpalayo ito ng loob ng asawa.
4. Hindi pagpansin sa mga daing
Hindi man maganda ang sobrang pagdaing o reklamo sa asawa, may ilan parin sa mga ito na dapat bigyang pansin. Kahit pa maaaring mawalan ng gana sa pakikinig sa mga daing ng asawa, ang ilan sa mga ito ay dapat pansinin lalo na ang mga mahahalaga sa kanila.
Isa sa mga madalas na nirereklamo sa mga mag-asawa ay ang kakulangan ng sex. Isa ito sa mga nakikita ng mga marriage counselors na madalas pinagmumulan ng problema sa mga mag-asawa. Subalit, ang madalas na pagtanggi ng kanilang asawa ay nagpapalayo ng loob ng asawa. Kung ilang beses na silang na-reject sa ilang ulit nilang paghingi nito, maaaring mawalan na sila ng gana.
5. Palaging nasa gadgets
Sa panahon ngayon, malaki na ang papel ng gadgets sa mga buhay natin. Mula sa trabaho, mga kaalaman, at maging pag-socialize, nagagawa na ang lahat sa mga gadgets. Subalit, ang sobrang paggamit ng mga gadgets ay maaari ring makasira sa mga pagsasama.
Aminin man o hindi, marami ngayon ang addicted na sa paggamit ng mga gadgets. Maaaring sa smartphones, tablets, o laptop. Mayroong mga hindi tumatagal nang hindi hawak ang kanilang gadgets. Hindi ito nakakabuti sa isang relasyon lalo na kung ang mga panahon dapat na nagbo-bonding ang mag-asawa ay nagiging tahimik dahil ang isa ay naka-tuon lamang sa kanyang gadget. Kung ang gadgets ang laging tinitignan habang kumakain, sa mga pag-uusap, at maging sa mga intimate na oras, nakaka-apekto ito sa asawa. May malaking impact ito sa mood, kasiyahan, at satisfaction sa isang pagsasama.
Basahin din: 3 bagay na dapat tandaan para hindi lumala ang argumento ng mag-asawa
Source: Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!