Hindi na maiiwasan sa pagsasama ng mag-asawa ang pag-aaway ng mag-asawa at normal lamang ito. Pero paano ba masasabing nakakaisip ka na ng toxic thoughts sa iyong partner? At paano naapektuhan ang inyong pagsasama sa mga toxic thoughts na ito? Inilista namin ang mga posibleng dahilan at ilang tips para maiwasan ito.
6″toxic thoughts”na nakakasira ng relasyon ng mag-asawa
Ayon kay Jeffrey Bernstein Ph.D. mula sa PsychologyToday ito ang pitong “toxic thought” na nakakasira sa relasyon ng mag-asawa.
1. Pagle-label sa iyong partner ng mga negative qualities o Label slinging
Isang halimbawa na rito kapag nag-aaway kayo iniisip mo tamad ang iyong partner kapag nagre-relax siya galing sa trabaho o pagkatapos na gumawa ng gawaing bahay.
Para maayos ito iwasan ang pagle-label ng mga negative thoughts sa iyong asawa. Bagkus maging positibo, halimbawa, isipin na sa buong araw siya nagtrabaho at ngayon lang siya makakapagpahinga. Mas maging maintindihin sa mga sitwasyon kagaya nito.
2. Lagi mong sinisi ang iyong partner
Larawan mula sa Shutterstock
Kapag may hindi nangyayaring maganda sa inyong pagsasama o buhay ng mag-asawa ay laging mong isinisi ito sa iyong asawa. Isa ito sa mga nakakasira sa relasyon niyong mag-asawa kung laging ganito ang iniisip mo.
Hindi patas ito sa iyong asawa lalo na kung kapag may problema ay siya lagi ang sisihin mo. Tignan na baka mayroon ka ring pagkakamali sa pagsasama niyong mag-asawa.
3. Lagi kang nagdududa sa iyong asawa o partner
Isa rin sa mga “toxic thoughts” na maaaring makasira sa inyong pagsasama ay ang laging pagdududa. Halimbawa na lamang kapag na-late siyang umuwi kahit mga 20 mins lamang ay mag-iisip ka na may ginagawa siyang masama katulad ng pangangaliwa.
Imbes na isipin ang ganitong bagay ay mas magandang unawain ang sitwasyon ng iyong asawa. Halimbawa baka naman na-trapik din sa daan ang iyong asawa habang papauwi siya.
Tandaan walang magandang maidudulot ang pagdududa sa isang pagsasama ng mag-asawa. Subalit kapag may mga ganito ring nararamdaman ay dapat ipaalam ito sa iyong asawa. Pag-usapan niyo ito. Baka kasi nawawalan na rin kayo ng time sa isa’t isa.
4. Lagi mong iniisip na iyong partner ay laging ginagawa ang mali o hindi makagawa ng tama
Hindi maganda ang laging pag-iisip na walang maganda o tamang nagagawa ang iyong asawa. Lalo na sa inyong pagsasama o pagpapalaki sa inyong mga anak.
Para maayos ang ganitong pag-isiip ay ipaalala sa sarili na hindi perpekto ang iyong asawa. May ilang mga pagkakataong hindi siya makakagawa ng tama. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay iyon na ang magde-define sa kaniya bilang tao.
Isipin din na ikaw din ay tao, at nakakagawa rin ng mali kagawa ng iyong asawa minsan.
Larawan mula sa Shutterstock
5. Iniisip mo na hindi ka mananalo sa asawa mo
Tuwing nagtatalo kayo o may hindi pagkakaintidihan ay lagi mong iniisip na hindi ka mananalo sa kaniya. O kaya naman hindi ka maaaring magbigay ng iyong saloobin dahil siya ang laging tama.
Isa ito sa mga toxic thoughts na makakasira sa inyong pagsasama. Mahalaga ang komunikasyon sa anumang pagsasama kaya naman huwag isipin na wala kang boses.
At kung pakiramdam mo na hindi ka nakakapagpasalita ay iparating ito sa iyong partner. Tandaan na nagtatalo hindi para mas lumala ang problema bagkus masolusyunan ito.
6. Lagi mong binabalik ang mga mali niyang ginawa
Hindi naman dapat na kalimutan ang nakaraan pero dapat tayong matuto sa nakaraan. Ganun din sa ating mga relasyon sa ating mga asawa.
Kagaya nga ng nabanggit kanina, hindi kailanman magiging perkpekto ang ating mga asawa at makakagawa siya at tayo rin ng mga pagkakamali.
Hindi magandang ibato lagi sa kaniya ang ma pagkakamali niya noon, at isipin o sabihin sa kaniya halimbawa, “Ginawa mo kasi ito kaya ngayon wala tayong ipon.”
Imbes na ganito ang isipin maaari namang pag-usapan niyo na ikaw muna ang magha-handle ng inyong finances. Dahil baka hindi ganun kahusay mag-handle ang iyong asawa ng inyong finances.
Tandaan
Hindi maiiwasan sa isang pagsasama ang pag-iisip ng mga masasamang bagay o “toxic thoughts” sa iyong asawa o partner. Pero mahalaga na laging maging positibo sa iyong pagasasama.
Tandaang walang pagsasama ang hindi nagkakaroon ng problema. Kaya naman mahalaga na pag-usapan niyo lagi ang inyong mga problema o pagsubok na pinagdadaanan.
Sa ganitong paraan walang lugar ang mga toxic thoughts sa mag-asawang laging nagko-communicate at naglalagom ng kanilang pagsasama.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!