Ayon sa isang pag-aaral mula sa University of California, napag-alaman nila na ang mga mag asawa na gumagawa nito ay may mas matatag na buhay relasyon kaysa sa mga couples na hindi ginagawa ito. Ano ito?
Buhay mag-asawa: Paano masasabing masaya?
Sa pananaliksik, inaral ng mga eksperto ang may 5,300 na tao, kalahati nito ay mga mag-asawa. Sa pag-aaral ng mga participants ng study, sinuri nila ang ilang factors na nakakaapekto sa pagiging masaya ng isang pagsasama ng mag-asawa o magkarelasyon. Katulad na lamang ng tagal ng pagsasama, pag-uugali, mental health, physical health, at health behaviors.
Kinumpara nila ang mga mag-asawa at couples na gumagamit ng mga salitang “we” at “us” versus sa mga magkarelasyon na hindi ginagamit ito. Lalo na tuwing napapag-usapan ang kanilang buhay mag-asawa.
Dito napag-alaman na ang mga magkarelasyon na gumagamit ng “kami” ay indikasyon nang pagkakaroon ng mas masaya at mas matatag na relasyon.
Ipinaliwanag ni Alexander Karan, co-author ng pag-aaral, na ang pag-gamit ng “we” at “us” ay indikasyon ng pagiging dependent ng magkarelasyon sa isa’t isa at pagkakaroon ng positibong pananaw sa kanilang pagsasama.
Dagdag naman ni Megan Robbins, isang psychologist, na nakakapagpabago at nakakapagpaganda ng relasyon ang pag gamit ng mga katagang ito.
Aniya, kapag naririnig mo ang sarili mo o ang partner mo na nagsasabi ng “tayo” imbis na “ako” o “ikaw,” mas nagiging interdependent kayo ng partner mo sa isa’t isa.
“Tayo” at “Kami”
Tunay naman na magandang pakinggan kapag sinasabi ng mahal natin sa buhay ang mga katagang “tayo” imbis na “ako” o “ikaw.” Halimbawa, kapag napapag-usapan ang kinabukasan. Hindi ba’t mas masarap pakinggan kapag sinasabi ni mister na, “Balang araw gusto kong makapag-travel tayo around the world!” kaysa “Balang araw gusto kong malibot ang buong mundo!”
Kapag gumagamit ng salitang “tayo” sa pananalita, nagbibigay ito ng pahiwatig na magkasama kayong dalawa sa lahat ng bagay—sa pagtupad ng pangarap, pag-solve ng problema, o pag-plano ng hinaharap. Pinapatatag nito ang sinumpaang pangako ng pagsasama for better or for worse.
Ginagamit niyo ba parati ang mga katagang ito?