STUDY: Pagtaba ng buntis maaring sanhi ng depresyon matapos manganak
Pagtaba ng isang babae habang buntis isang dahilan umano ng depresyon na nararanasan matapos manganak, ayon sa isang pag-aaral.
Pagtaba ng buntis, isang dahilan umano ng pagkakaroon ng anxiety at post-partum depression sa mga babae ayon sa isang pag-aaral.
Pagtaba ng buntis at depresyon pagkapanganak
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Psychological Assessment journal, ang reaksyon ng isang buntis sa pagbabago ng kaniyang katawan ay may kaugnayan umano sa kung paano siya makikipag-bonding sa kaniyang baby at sa kaniyang emotional well-being pagkapanganak.
Ang negative attitude nga daw ng isang buntis sa kaniyang katawan ay maaring magdulot ng depression at anxiety sa kaniya matapos manganak.
Habang ang mga mga babae naman na positive ang feelings sa kanilang katawan habang nagdadalang-tao ay mababa ang tiyansang ma-depress pagkapanganak.
Mas gumaganda din daw ang relasyon nila sa kanilang partner at mas nagkakaroon ng positive attachment sa kanilang newborn baby.
Iyan ang natuklasan ng pag-aaral matapos tanungin ang 600 na babae tungkol sa kanilang reaksyon sa pagiging buntis, pagtaba ng buntis at ang nararanasan nilang physical burdens kapag nagdadalang-tao.
Kaya naman para maiwasan ang negative impact ng pagtaba ng buntis sa kaniyang well-being pagkatapos manganak ay ipinapayo ng mga researcher ng pag-aaral na bigyan sila ng additional support at i-monitor ang kanilang after birth signs ng post-partum depression.
“Women are under constant pressure about their appearance during pregnancy and after birth. It is important therefore that pregnancy care is not just about the physical health of the mother and the health of the unborn child, but also about women’s emotional well-being, which can give us a lot of important information about how they might react to being a new mum in the longer-term.”
Ito ang paliwanag ni Catherine Preston, isang psychology expert sa body image mula sa University of York at isa sa mga author ng ginawang pag-aaral.
Iba pang sanhi ng post-partum depression sa mga babae
Samantala maliban sa pagtaba ng buntis, ang ilan pang dahilan ng pagkakaroon ng depression pagkapanganak ng isang babae ay ang sumusunod:
Physical changes o ang biglang pagbaba ng hormones sa katawan ng isang babae pagkatapos manganak na nagdudulot ng sobrang pagkapagod at pagka-depress.
Emotional issues o ang kakulangan sa tulog at ang pagka-overwhelmed sa bagong tungkuling kailangang gampanan sa pag-aalaga ng newborn baby. Sa puntong ito ay maaring kwestyunin ng babaeng bagong panganak kung tama ba ang kaniyang pag-aalaga sa kaniyang sanggol o kung attractive parin ba siyang tingnan.
Ang mga sintomas naman ng depresyon na dapat bantayan sa mga bagong panganak ay ang sumususunod:
- Depressed mood o severe mood swings
- Labis na pag-iyak
- Hirap na makipagbonding kay baby
- Umiiwas sa mga kaibigan o kapamilya
- Kawalan ng gana kumain
- Hirap sa pagtulog
- Labis na pagod o kawalan ng energy
- Pagiging irritable o madaling uminit ang ulo
- Kawalan ng gana o interest sa mga dating kinahihiligan
- Hirap magconcentrate o gumawa ng desisyon
- Pakiramdam na walang silbi, guilty o pagkapahiya
- Severe anxiety at panic attacks
- At ang pag-iisip na saktan ang sarli at kaniyang baby
Sources: Yahoo News. Mayo Clinic
Photo: Freepik
Basahin: Post-partum depression, mas malaki ang chance na magkaroon nito kung lalaki ang baby mo