Mga paraan upang makatulong sa taong may depresyon

Mga paraan upang makatulong sa taong may depresyon

Huwag balewalain ang mga sintomas ng depression. Alamin din kung paano matutulungan ang isang kaibigang nakararanas ng kondisyong ito.

Ang depression o major depressive disorder ay isang seryosong kondisyon na kapag naranasan ng isang indibidwal ay kailangang bigyang pansin. Ang taong depressed ay madalas na makaranas ng negatibong pakiramdam sa kanyang sarili. Kaya naman ‘wag ipag-walang bahala ang sintomas ng depression, ito ang mga dapat mong bantayan.

 

sintomas-ng-depression

Photo from Unsplash

Ano ang depression para sa akin?

Minsan, ginagamit natin ang salitang ‘depression’ kapag hindi umaayon sa atin ang tadhana o kapag nagkakaroon tayo ng hindi magandang araw. Pero para sa mga taong talagang may depression, isa itong kondisyon na hindi kayang ilarawan basta basta ng mga salita.

Kung tatanungin mo ako kung ano ba ang isang desisyong hindi ko pagsisisihan, ito ay nang matanggap ko na may sakit akong ganito. At noong magpakonsulta ako sa isang psychiatrist.

Mahirap ipaliwanag sa mga tao kung ano ang nararamdaman ko. Lalo na dahil ako ay isang ina, struggle para sa akin ito. Araw-araw pinipilit kong lumaban para na rin sa aking anak. Hindi mo maiintindihan ang depression hangga’t hindi mo ito nararanasan dahil hindi lang ito basta kalungkutan.

Ang depression ay nasa iyong loob at ang pakiramdam nito ay parang tuluyan kang nagiging mahina. Maari ka ring makaranas ng pagkababa o pagkawala ng interes sa buhay.

Pero alam kong hindi ako mahina. Naniniwala akong malakas ako, kaya naman pinili kong labanan ito araw-araw.

 

sintomas-ng-depression

Photo from Unsplash

 

Sintomas ng depression

Ang karaniwang sintomas ng mga taong may depression ay iba-iba. May mga taong mapapansin mo sa kanilang physical appearance, ngunit mayroon ding hindi. Ito ang ilan sa mga sintomas na pwede mong bantayan kung sa tingin mo ay nakararanas ka ng depression.

Physical Symptoms:

  • Pagduduwal
  • Pananakit ng ulo
  • Panghihina
  • Pagkakaroong ng madaming pananaginip
  • Insomia
  • Hirap sa paghinga

Emotional Symptoms:

  • Pagkawala ng interes sa lahat ng bagay
  • Ninenerbyos
  • Madaling mairita
  • Hirap magkapag focus
  • Nawawalan ng pag-asa
  • Pag-iisip ng mga negatibong bagay
  • Mababang pagpapahalaga
  • Suicidal thoughts

Paalala: Kung ikaw ay nababahala sa iyong kalagayan, mabuting magpakonsulta muna sa isang psychologist.

 

Ano ang nakatulong sa akin labanan ang depression?

Noong una, hindi ko matanggap na may depression ako. Hindi ko rin ito ibinabahagi sa iba kahit na sa aking mga pinakamalapit na kaibigan. Bakit? Hindi ko rin talaga alam. Ang iniisip ko kasi, hindi ko magawang ipagsabi itong nararamdaman ko dahil alam kong mag kanya-kanya rin silang mga problema. Pero sa totoo lang, kailangan kong ilabas itong nararamdaman ko para mabawasan ang bigat sa dibdib ko. Ang kailangan ko lang ay yung taong makikinig sa akin kahit na hindi ako lubusang maiintindihan.

Sabi sa akin ng psychiatrist ko na mahirap kilalanin o tulungan ang isang taong may depression. Dahil mahirap din para sa mga taong ito na makapag-open up ng kanilang mga problema.

Nagsimula akong mag open up sa aking kaibigan nang tanungin niya ako kung may gumugulo raw ba sa isipan ko at kung ano ang pwede niyang maitulong. Sa una, hindi ko talagang magawang makapagsalita pero hindi niya ako pinilit at binigyan niya ako ng panahon hanggang sa naging handa na akong ibahagi ang aking mga problema.

 

sintomas-ng-depression

Photo from Unsplash

 

10 na paraan para tulungan ang taong may depression

Base sa aking mga karanasan at sa tulong ng aking psychiatrist, ito ang sampung paraan upang matulungan ang isang taong may depression:

  1. ‘Wag mo silang pipilitin na mag-share ng kanilang problema.
  2. Bigyan ng oras ang taong ito na maging handa para makapagbahagi.
  3. Kung sa tingin mo ay ready na siya, ipakita ang iyong suporta at pag-unawa sa kanya.
  4. Kung gusto mo siyang damayan, magsimula ka sa maliliit na bagay. Maaari kang magsend ng mga text message na makakapag lift up sa kanya. Pwede mo ring ipaalala sa kanya na nandyan ka lang kung kailangan niya ng karamay o kausap.
  5. ‘Wag mong punahin ang mga bagay na sasabihin niya.
  6. Iwasan ang pagbibigay ng payo sa taong ito. Maaari kasi siyang makaramdam ng insulto at baka hindi na ulit siya makapag-share sa’yo. Makinig ka lang. ‘Yun ang mas kailangan niya.
  7. Iwasan ang paghahambing sa kanya. Kahit na nakaranas ka na rin ng ganitong sitwasyon, iwasan pa rin ang paghahambing ng iyong karanasan sa kanya.
  8. Bago mo kausapin o tulungan ang taong may depression, mas magandang aralin muna kung ano ba ito. Dahil may mga bagay na hindi ka pa alam o lubusang naiintindihan tungkol sa sakit na ito.
  9. Be patient. Ito ang mahalagang susi para matulungan sila.
  10. Higit sa lahat, ‘wag mong pipilitin ang isang taong may depression na pumunta sa isang psychiatrist. Kailangan mo siyang intindihin at bigyan ng oras. Kung sa tingin mo naman ay lumalala na ang kaniyang kondisyon, mabuting kausapin ito at i-encourage lamang na magpatingin na sa doktor.

 

If you want to read an english version of this article, click here.

BASAHIN: Pagkabalisa ng bagong panganak kumpara sa postpartum depression, Kylie Padilla may mensahe sa mga nakakaranas ng depression, Jolina, nagbigay ng tips sa pag-iwas sa depression at bullying sa mga kabataan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner