X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Depression ng tatay, pwedeng makuha ng anak

4 min read

Ayon sa mga researcher, posible umanong makuha ng mga bata ang depression na nararamdaman ng kanilang tatay.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Depression ng tatay, pwedeng makuha ng anak
  • Ano ang paternal depression

Depression ng tatay, pwedeng makuha ng anak

anak malungkot

Depression ng tatay, pwedeng makuha ng anak | Larawan mula sa Pexels

Maraming pag-aaral na rin ang nagsasabing ang mga mental health problems ay maaaring mamana ng anak mula sa mga magulang o related na pamilya. Kaya nga patuloy ang pagtaas ng bilang din ng kabataang may ganitong kinahaharap na problema.

Common na nakukuha na diyan ay ang depression.

What is depression?

Sa pagbibigay ng kahulugan ng American Psychiatry Association, ang depression daw ay ang pagkaramdam ng labis na paglungkot dahilan upang mawalan ng interes sa mga bagay na minsan nang kinahiligan.

“Depression (major depressive disorder) is a common and serious medical illness that negatively affects how you feel, the way you think and how you act. Fortunately, it is also treatable.”

“Depression causes feelings of sadness and/or a loss of interest in activities you once enjoyed. It can lead to a variety of emotional and physical problems and can decrease your ability to function at work and at home.”

Mahalagang ipunto rito na kaiba ang depression sa sadness. Halimbawa na lang ay namatayan, normal ang reaksyon ng pagkalungkot ngunit iba ang nararanasan ng isang taong may depression. Ilan sa maaaring maramdaman nila ay:

  • Pagkawala ng interes sa lahat ng bagay na halos tumatagal nang ilang araw
  • Pakiramdam na wala silang pakinabang sa maraming gawain
  • Pagkagalit sa sarili
  • Pag-iisip na hindi na nila deserve na mabuhay pa sa mundo
  • Pagkakaroon ng suicidal thoughts

Iba’t ibang risk factors kung bakit nagkakaroon ng depression

Biochemistry

Ang pagkakaiba ng chemicals sa brain ay maaaring maging dahilan upang magkaroon ng sintomas ng depression. Nagiging present kasi ang chemical imbalance kaya paiba-iba ang nagiging mood ng isang tao.

Personality

Madaling nagkakaroon ng ganitong kalagayan ang mga taong pessimistic o negatibong mag-isip. Sila rin kasi iyong magyroong mababang self-esteem at mabilis na nao-overwhelm dahil sa stress at negative circumstances.

Genetics

Malaking factor ang pagkakaroon ng depression sa isa sa mga pamilya. Naipapasa umano ito mula sa genetic composition ng isang tao.

Environmental factors

Ang pagkakaroon ng exposure sa toxic na pamilya o kapaligiran ang nagiging dahilan din kung bakit nakukuha ito.

Ano ang paternal depression

anak hindi kasundo ang ama - depression ng tatay

Larawan mula sa Pexels

Malaki raw ang factor ng paternal depression dito.

Sa bagong pananaliksik sa Penn State at Michigan State, nakita na ng experts na hindi na lang pala ito nakukuha genetically. Kahit daw hindi magkadugo ang tatay at anak (o adoptive family man ‘yan) ay maaari nang mapasa ang depression sa bata.

Ito ay nakita nila nang pag-aralan nila ang 720 na magulang at anak kung saan kalahati dito ay mga stepparent. Sinukat nila ang mga sintomas ng depression at parent-child conflict sa pamamagitan ng pagsagot sa mga questionnaire at series of models.

“A lot of research focuses on depression within biologically related families. Now more information is becoming available for adoptive families and blended families.”

Ayon ito kay Jenae Neiderhiser, isa sa researcher ng pag-aaral.

Matapos ang kanilang serye ng pag-eexamine sa participants, tsaka nila nalamang kahit pa hindi magkadugo ang magtatay ay maaari pa rin makuha ng anak ang depression.

Salaysay ni Alex Burt, isa sa nag-collaborate sa pag-aaral, malinaw raw na environmental transmission ang dahilan nito,

“We continued to see these associations in a subset of ‘blended’ families in which the father was biologically related to one participating child but not to the other, which was an important confirmation of our results.”

“We also found that much of this effect appeared to be a function of parent-child conflict. These kinds of findings add to the evidence that parent-child conflict plays a role as an environmental predictor of adolescent behaviors.”

Sinabi rin nila na mas malaki pa rin daw naman ang chance na mamana ang depression genetically. Sa kabilang banda, gusto lang din nila ipunto na ang environment na kinalalakhan ng bata ay may malaking parte kung paano nahuhubog ang kanilang mental health.

Treatment ng depression

teenager na malungkot - depression ng tatay

Treatment ng depression | Larawan mula sa Pexels

Bagaman, seryoso at kritikal na usapin ang depression mayroon namang pag-asang magamot ang kalagayang ito. Narito ang mga sumusunod na maaaring subukan:

  • Pagsubok sa medikasyon at pag-inom ng mga anti-depressant na gamot.
  • Para sa mild depression, maaaring i-try naman ang psychotherapy o talk therapy.
  • Pagkakaroon ng healthy lifestyle tulad ng regular exercise, pag-iwas sa mga bisyo, at pagkakaroon ng healthy diet.

Psychology Today, American Psychiatric Association

Partner Stories
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • STUDY: Depression ng tatay, pwedeng makuha ng anak
Share:
  • Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
    Partner Stories

    Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time

  • Annulment vs divorce: Ano nga ba ang pinagkaiba?

    Annulment vs divorce: Ano nga ba ang pinagkaiba?

  • Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

    Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

  • Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
    Partner Stories

    Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time

  • Annulment vs divorce: Ano nga ba ang pinagkaiba?

    Annulment vs divorce: Ano nga ba ang pinagkaiba?

  • Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

    Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko