Binabasa mo ba ang diary ng iyong anak? Mayroon daw lasting impact ang pagbabasa ng diary ng bata ayon sa eksperto. Alamin dito kung ano ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dapat mo bang basahin ang diary ng ‘yong anak? Heto ang payo ng eksperto
Dapat mo bang basahin ang diary ng ‘yong anak? Heto ang payo ng eksperto
Bakit nagsisimulang mag-journal ang aking anak? Ano ang pakay niya rito? | Larawan mula sa Pexels
Kinakailangan ng bawat tao ng privacy at boundaries para sa kanila. Kung mayroon ang adult nito, mayroon din ang mga bata. Para sa eksperto, bagaman bata, dapat lang na nirerespeto rin ito gaya kung paano ito irespeto sa mga adult.
Mahilig magsimula ng diary ang kids madalas nadadala nila ito hanggang sa pagbibinata at pagdadalaga. Magandang way ito para mailabas nila ang kanilang experiences in life. Nakakagaan din kasi ng pakiramdam ang pagsusulat lalo kung mayroon silang dinadalang mabigat na iniisip. Good way rin ito to explore their skills in this field.
Sa kabilang banda, hindi maiwasan ng parents na ma-curious kung ano ang mga isinusulat ng anak nila sa diary. Nagiging main reason nila ang pagiging ‘worried’ o ‘anxious’ kung ano ba ang nangyayari sa anak at ito ay nagsisimulang magsulat ng journal.
Ilan sa mga katanungang bumabagabag para sa magulang ay:
- Bakit nagsisimulang mag-journal ang aking anak? Ano ang pakay niya rito?
- Pakiramdam ko may iba sa ikinikilos niya at gusto kong malaman kung ano ito.
- Ano-ano kaya ang isinusulat ng anak ko sa diary? Baka ikapahamak niya ito.
May mga parents pa ng nagsasabing, kung hindi raw nila nabasa ang journal ng anak hindi nila malalamang may matinding problemang pinagdadaan ang anak.
Habang sa kabilang banda, mayroong ding confessions na nahihirapan na raw sila bumuo ng intimate na relasyon dahil sa pagbabasa ng kanilang parents ng kanilang diary noon. Dito kailangan maunawaan ng parents ang ideya ng ‘privacy’.
Para kay Alexandra H. Solomon, PH. D. ang privacy raw ang connection ng isang tao sa kanyang sarili upang makabuo ng relasyon sa ibang tao,
Larawan mula sa Pexels
“Privacy is about occupying a realm that is unobserved, privacy reminds us of our sovereignty and separateness. Privacy is intimacy-promoting because our connection with ourselves lays the foundation for our connection with others.”
Nakakatulong ito as an individual na umunlad at malaman kung paano bubuin ang relasyon nila sa ibang tao. Kaya nga kung mong basahin ang diary ng bata, narito ang ilang way na maaari mong gawin:
Bakit hindi dapat binabasa ang diary ng bata? | Larawan mula sa Pexels
Bumuo ng rules.
Kung nakita mo kaagad na bumili o mayroon nang diary ang anak kausapin na kaagad ito sa kung anong boundaries ang kanyang nais. Sa ganitong paraan, malalaman niyang safe space ang kanyang journal dahil nirerespeto mo ang kanyang privacy. Mas magiging komportable siyang masulat ng lahat ng nararamdaman dito.
Pag-usapan niyo na rin na hindi mo ito babasahin unless nakararamdam ka na may mali na sa nangyayari. Mag-agree sa isa’t isa na hindi mo ito babasahin hangga’t walang permiso mula sa kanya.
Communicate with your child.
Una sa lahat, maraming nareresolve ng communication. Maganda rin na mag-open up sa iyong anak na nagkakaroon ka ng stress at anxiety dahil sa ibang kinikilos niya lately. Ipaliwanag na ang pag-aalalang ito ay dulot ng pagmamahal at hindi ng judgement.
Mahalagang iparamdam sa kanya na willing kang makinig kung ano man ang kanyang sasabihin. Sabihan din siya na handa kang tumulong kung ano ang kanyang kailangang tulong mula sa iyo.
Give validation.
Karamihan sa kids at teens ay kinakailangan ng validation lalo na sa parents. After you talked to them, make sure na iba-validate mo ang kanilang nararamdaman. Dapat maramdaman nilang mayroong nakakaunawa sa kanila ang handang tumulong kung ano man ito.
Support them.
Kung nagbukas sila sa inyo na gusto nila ng diary, magandang sign ito. Ibig sabihin they are comfortable enough para malaman mong mag-iistart silang magsulat dito. Sa ganitong pagkakataon mo maaaring maipakita ang suporta mo. Samahan silang bumili ng notebooks o journal at i-guide kung ano ang maganda gamitin.
Kung mayroong ka namang experience rin na ganito from your teenage life o childhood you can share it with them too.
Kinakailangan na hayaan ng parents na mag-build ng privacy ang kanilang anak dahil normal ito para sa lahat ng tao. Even your closest one, kailangan pa rin mag-set ng boundaries.
Ang palaging paglabag o paglagpas sa pinagkasunduang boundaries na ito ay nakakasira ng trust lalo na sa kids. Para sa eksperto, may posibilidad na hanggang sa pagtanda ay mawalan sila ng tiwala dahil sa hirap magbuild ng trust sa ibang tao.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!