Hindi mo rin ba maiwasang magselos lalo na sa kaibigang babae ng iyong asawa? Napapatanong ka rin lagi ng “My husband keeps talking about another woman, what should i do?”
Friendship in marriage, is it possible?
Bilang isang asawa, hindi natin mapigilan ang pagtalas ng pandinig kapag nakakarinig tayo ng pangalan ng babae sa kwento ni mister. Ang sunod na tanong mo sa iyong asawa ay sunod-sunod at para bang naiintriga ka talaga sa katauhan ng babaeng laman ng kwento ng asawa mo. “Close ba kayo ‘non? May asawa ba siya? Ilang taon na siya? Maganda ba siya?”
Sa tanong na ito, hindi ba masyadong off na?
Image from Freepik
Likas na sa babae ang maintriga kapag may kaibigang babae si mister. Lalo na kung kasama niya ito sa trabaho at palagi silang nagkikita sa loob ng opisina. Hindi man makita ng asawang lalaki na bothered ang kanyang asawang babae, hindi pa rin maaalis ang pag-aalala ni mommy dito. Lalo na kung itinuturing na kaibigan na ito ng kanyang asawa.
Pero posible nga ba ang friendship o pagkakaibigan sa labas ng iyong marriage? Simple lang naman ang sagot dito. Oo. Posible ito kung kayo ay kuntento at may tiwala sa isa’t-isa.
Ang labis labis na pag-aalala o pagkakaroon ng insecurity sa kaibigan ng iyong asawa ay maaaring pagsimulan ng problema. Mag-uumpisa ito sa pagtanong sa katauhan ng katrabahong babae hanggang sa ito ay idadawit na ang pangalan kapag nagseselos. Dito nag uumpisa ang problema ninyong mag-asawa.
Mga dahilan kung bakit hindi dapat magselos kapag may kaibigang babae si mister
- Bahagi ng marriage ang pagtitiwala.
- Intindihin ang konsepto ng pagkakaibigan sa labas ng inyong relasyon.
- Pagkatiwalaan ang bawat isa.
- Maaaring makasira ng iyong selos ang isang relasyon.
- Matutong magpakumbaba at unawain ang sitwasyon.
How to make your partner feel special
Narito ang ilang dapat gawin para ma-improve ang inyong pagsasama ng partner mo.
Image from Unsplash
1. One-on-one talk
Makaktulong ang pagtatanong mo sa kaniya kung ano ang mga hilig nito. Katulad ng paboritong pagkain, lugar, pasyalan o maski bagay. Ilista ang lahat ng ito! Nasa sa iyo na kung paano gagamitin ang lahat ng iyong nalaman. Maaaring isurpresa siya sa kanyang kaarawan gamit ang mga paborito niyang regalo at pagkain.
2. I-appreciate ang kaniyang small efforts
Ang pag-appreciate ng effort ng bawat isa ay mahalaga sa isang relasyon. Napapanatili kasi nito ang love na namamagitan sa inyong dalawa ng partner mo. Sino ba namang hindi gaganahang bumangon sa umaga kung alam mong may taong nakaabang sa iyong presyensya lagi?
3. Gumawa ng ‘Bucket List’
Lahat ng relasyon ay may pangarap. Para sa indibidwal man ‘yan o sa kanilang pagsasama mismo. Yayain si partner na gumawa kayo ng ‘Bucket List’ kung saan nakalagay lahat ng inyong pangarap o nais na matupad sa inyong pagsasama. Maaaring magbakasyon sa ibang bansa, mag-camping, ikasal sa beach, mag-swimming sa boracay o lahat ng inyong nanaisin bilang magkarelasyon,
Makakatulong ang ‘Bucket List’ sa inyong bonding. Nakikita niyo na rin ang inyong mga sarili sa future na magkasama.
Image from Unsplash
4. Confession
Isa pang sikreto ng matibay ng relasyon ay ang pagiging honest sa isa’t-isa. Ngayon, bakit hindi mo sabihin sa iyong partner kung kailan ka sumasaya kapag kasama siya? Maaaring ‘Mas lalo akong sumasaya kapag kinakantahan mo ako habang natutulog’. Malaki ang nagiging epekto nito sa pinagsasabihan mo. Matutuwa rin sila na na-a-appreciate mo ang lahat ng kaniyang effort sa inyong relasyon.
5. Ipaalala kung gaano siya kahalaga
Bawat oras sa inyong pagsasama ay mahalaga. Wala ka dapat palampasin na pagkakataon para sabihin kung gaano siya kahalaga sa’yo. Dito niya mas lalong mararamdaman kung gaano siya ka-importante sa buhay mo.
Source:
Intentional Day
BASAHIN:
Masakit magsalita? 10 bagay na hindi dapat sinasabi ng mag-asawa sa isa’t-isa
Mas kailangan ka ng asawa mo ngayon: Paraan kung paano ipaparamdam ang suporta sa kanya
Papatawarin ko ba ang asawa ko kahit sinasaktan niya ako physically?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!