Bilang isang babae, lahat tayo ay naghahangad ng masaya at perpektong pamilya pagkatapos ikasal kay mister. Iba-iba ang kwento natin. Ngunit wala sigurong babae ang nanaisin na dumating sa punto na mapapatanong siya ng “Ano ang kaso sa pananakit ng asawa?”
Physical abuse by husband: Kailangan ko bang bigyan ng second chance ang asawa ko?
Alam nating lahat na parte ng pagmamahal at pagtanda ang ‘masaktan’ ka. Ngunit kung ito ay sadya at alam mong wala na sa tama, hindi na dapat ito hayaang maulit pa.
Sa pagpasok mo sa marriage life, lahat ay nagbabago. Mula sa paggising mo sa umaga hanggang sa pagpikit ng iyong mata sa gabi, may responsibilidad ka nang dapat gawin. Kumbaga, panibagong chapter ito ng iyong buhay bilang isang tao. Lahat tayo ay naghahangad at nangangarap ng ‘Happy life’ mayroong agad itong nakukuha, mayroon ding hirap na hirap mahagilap.
Kaso sa pananakit ng asawa | Image from Freepik
Nakakalungkot mang isipin pero may mga babaeng naabuso ng taong pinagkakatiwalaan nila ng higit pa. Ito ay ang kanilang mga asawa.
Sinong gustong masaktan emotionally o physically? Wala.
Ngayon mommy, kung nakaranas ka na ng isang sampal, suntok o pag-untog sa iyong ulo na gawa ng iyong asawa, ano ang iyong naramdaman? Ano ang iyong sinabi? Pinatawad mo ba agad siya at hindi nagdalawang isip na bigyan ng isa pang pagkakataon?
Papatawarin ko ba ang asawa ko kahit sinasaktan niya ako physically?
Tandaan, ang pananakit ay kailanman hindi naging tama lalo na kung alam mong wala ito sa lugar. Kung nasaktan ka ng iyong asawa, ito ay maaari pang masundan ng masundan. Isang sampal at suntok, sapat nang senyales na siya ay mapang-abuso.
Narito ang tatlong senyales na nasa abusive relationship ka.
1. Madali lang para sa kaniya ang pagbuhatan ka ng kamay
Ito ay madalas nangyayari sa mga asawang babae kapag pinagsasabihan niya ang kaniyang asawa tungkol sa masamang ginagawa nito. Katulad na lamang kung araw-araw itong umiinom ng alak, selos sa mababaw na dahilan o pagkontrol sa kaniyang gawain.
Ang mga mapang-abusong asawa ay madali na lamang pagbuhatan ka ng kamay. Once na masampal o iuntog niya ang iyong ulo sa pader, ito na ang simula ng pananakit nila. Wala silang pagsisisi kahit makita nilang nasasaktan ka sa kanilang ginawa.
Physical abuse by husband | Image from Freepik
2. Pinagbabantaan na sasaktan ka o ang iyong anak
Maaaring ito na ang pinaka unang senyales ng pananakit ng iyong asawa. Nagsisimula sa verbal abuse hanggang sa tumagal ay lalapat na ang kamay niya sa iyong balat.
Ibang usapan na kapag pinagbantaan niyang sasaktan niya ang iyong anak o ang iyong alagang hayop. Kung sakaling nararanasaan mo ang anumang pagbabanta, gawan agad ito ng aksyon at ‘wag ipagsawalang bahala.
3. Pagahasa sa’yo
Kahit na sabihin nating kayo ay mag-asawa na, maaari pa ring mangyari ang panggagahasa ng iyong asawa sa’yo. Ano mang uri ng pagtutol mula sa’yo kapag siya ay nagpapahiwatig ng pagtatalik ay masasabi nating ‘rape’.
Ang laging dahilan ng mga mapang abusong partner, “Asawa kita! Hindi ko na kailangang magpaalam sa’yo kapag magtatalik tayo.”
Kung talagang mahal ka niya, dapat nirerespeto ka ng iyong asawa.
Kaso sa pananakit ng asawa
Ang Republic Act 9262 o mas kilala bilang Violence Against Women and their Children Act of 2004 ay isang kasong kailangang isampa sa mga mapang-abusong partner katulad ng:
- Legal na asawa o dating asawa
- Live-in partner o dating live-in parter
- Boyfriend/Girlfriend o ex-boyfriend/ex-girlfriend
- Dating partner o former partner
Maaari namang magsampa ng kaso bukod sa mga biktima ang:
- Magulang/guardian
- Grandparents
- Anak o apo
- Iba pang kamag-anak (Tito, tita, in-law, pinsan)
- DSWD workers
- Police
- Lawyers
- Health care providers
- Local officials
Pumapasok sa Republic Act 9262 kapag ikaw ay berbal, emosyonal, sekswal, economic o pisikal na inaabuso ng iyong partner. Mahigpit na pinoprotektahan nito ang mga kababaihan at bata. Ngunit pwede ring masampahan ng kaso ang mga partner na lesbian o girlfriend, former man ‘yan o kasalukuyan.
Habang ang mga inaabusong lalaki naman ay maaaring mag complaint under Revised Penal Code.
Sa ilalim ng batas na ito, maaaring mag apply ng ‘Protection Order’ ang mga magsasampa ng kaso. Kung sakaling makumpirmang may sala o talagang nananakit ang akusado, maaaring umabot ang kaniyang pagkakakulong mula 20 years, depende sa kaniyang kinakaharap na kaso. Maaari namang magbayad ng danyos mula 100,000 pesos hanggang 300,000 pesos.
Bukod rito, kailangan ring dumaan siya sa psychological counseling o psychiatric treatment.
Kaso sa pananakit ng asawa | Image from Freepik
Kaso sa pananakit ng asawa: ‘Wag ipagsawalang bahala ang pang-aabuso
Kung sakaling nararanasan ang pang-aabuso na ito, ‘wag magdalawang isip na tawagan ang mga numerong ito:
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
NCR Ugnayang Pag-asa Legarda,
Manila Crisis Intervention Unit (CIU)
Tel. Nos.: (02) 734-8617 to 18
Philippine National Police (PNP)
Women and Children’s Concern Division (WCCD)
Tel. No.: (02) 723-0401 loc. 3480 Call or text 117 (PATROL 117)
National Bureau of Investigation (NBI)
Violence Against Women and Children’s Desk (VAWCD)
Tel. Nos.: (02) 523-8231 loc. 3403; 525-6098
Public Attorney’s Office, DOJ
Tel. Nos.: (02) 929-9010; 929-9436 to 37
Philippine General Hospital (PGH) Women’s Desk
Tel. Nos.: (02) 524-2990; 521-8450 loc. 3816
Women’s Crisis Center
Women and Children Crisis Care & Protection Unit –
East Avenue Medical Center (WCCCPU-EAMC)
Tel. Nos.: (02) 926-7744; 922-5235
BASAHIN:
Marriage license at iba pang mga dapat mong ihanda bago magpakasal
Should illegitimate children take the surname of their dad or mom?
Paano magagamit ng bata ang apelyido ng tatay kapag hindi kasal ang magulang?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!