Nagpla-plano na ba kayong magpakasal ng iyong partner? Alamin dito ang marriage license requirements at iba pang dapat mong ihanda bago ka magpakasal.
Talaan ng Nilalaman
Marriage requirements in the Philippines
Ang pagpapakasal ay isa sa pinakahihintay at pinapangarap ng marami sa atin. Nakaka-excite man ang tagpo na ito, hindi naman basta-basta ang preparasyon na kailangang pagdaanan upang ito ay maisagawa.
Una ay dapat parehong kwalipikado ang magkaparehang ikakasal. Ibig sabihin sila ay dapat parehong nasa tamang edad o 18-anyos pataas na.
Kinakailangan din ang consent na nagmumula sa kanilang mga magulang kung sila ay 25-anyos palang pababa. At higit sa lahat sila ay hindi dapat magkamag-anak hanggang sa 4th degree. At hindi pa naikakasal sa iba maliban nalang kung ito ay dumaan sa legal annulment, divorce o biyuda at biyudo na.
Kung ang magkapareha ay makakasunod o pasok sa mga nabanggit na kwalipikasyon ay maaari na silang mag-simulang mag-ayos ng marriage requirements nila. Ang mga marriage license requirments na ito ay ang mga sumusunod.
Marriage license requirements Philippines
Ang marriage license ay ang pinakamahalagang dokumento na kailangang ihanda ng mga magpapakasal. Kaiba ito sa marriage certificate na nakukuha o ibinibigay bilang patunay na naikasal na ang isang babae at lalaki.
Marriage license requirements Philippines
Kung wala ang marriage license ay hindi maaring maikasal ang isang magkapareha sa simbahan man o sa huwes. Dahil ito ang patunay na sila ay eligible o legal na magpakasal.
Para makakuha ng marriage license ay kailangang magpunta ng magkaparehang gustong magpakasal sa local civil registrar ng bayan o syudad na kanilang tinitirahan.
Kung sila ay nakatira sa dalawang magkaibang bayan o syudad, sila ay maaring magpunta sa isa sa mga ito na nanainisin nila. Dito nila malalaman ang mga marriage license requirements na kanilang kailangan. Bagamat madalas, ang mga sumusunod ang mga basic requirements na hinihingi:
Basic marriage license requirements:
- Personal appearance ng babae at lalaking magpapakasal
- Duly-accomplished marriage license application form
- Certified True Copy ng PSA birth certificate (1 original at 2 photocopies). Kung walang record ng kapanganakan, ang latest original copy ng baptismal certificate ay maaring gamitin.
- CENOMAR o Certificate of No Marriage (1 original at 2 photocopies). Ang presyo ng CENOMAR sa ngayon ay P210 para sa walk-in at P430 para sa online. Ito ay maaring makuha sa pinakamalapit na Census Serbilis Center o mag-apply online sa PSA Helpline.
- CEDULA o Community Tax Certificate (1 original at 2 photocopies)
- 2 valid IDs ng magpapakasal
- Barangay clearance (1 original at 1 photocopy)
- Certificate of Attendance mula sa isang pre-marriage counseling o family planning and responsible parenthood seminar. Ang pre-Marriage counseling ay madalas na ginagawa ng simbahan o sa DSWD para sa civil marriages. Habang ang family planning and responsible parenthood seminar naman ay isinasagawa sa health department ng munisipyong pinag-aapplyan ng marriage license. Ito ay para sa mga magpapakasal na edad 18-24 anyos.
- Latest 1×1 photo ng mga ikakasal
Additional requirements para sa mga magpapakasal na edad 18-25 anyos
Para sa mga ikakasal na edad 18-25 anyos ay may dagdag na marriage license requirements na kailangang ihanda. Ito ay ang sumusunod:
- Affidavit of Parental Consent (para sa edad 18-20 anyos) o Affidavit of Parental Advice (para sa edad 21-25 anyos). Ito ay dapat notaryado. Kung magpapakasal abroad o ibang bansa, ito ay dapat ma-authenticate ng DFA. Kung patay na ang isa sa mga magulang, ay kailangang magpakita ng proof of death o katibayan na ito talaga ay patay na.
Additional requirements para sa mga magpapakasal na dumaan sa divorce
Para sa mga magpapakasal na kung saan ang isa o parehong magkapareha ay dumaan sa divorced, ito ang mga additional marriage license requirements na kailangang ihanda.
- Marriage Contract o Report of Marriage ng naunang kasal. Ito ay dapat may Annotation on Divorce na nagmula sa PSA. Maghanda ng isang orihinal na kopya at isang photocopy nito.
- Judicial Recognition of Foreign Divorce mula sa Philippine Court na may Certificate of Finality. Maghanda ng isang orihinal na kopya at isang photocopy nito.
Additional requirements para sa mga magpapakasal na dumaan sa annulment
Para naman sa mga magpapakasal na kung saan ang isa o parehong magkapareha ay dumaan sa annulment dito sa Pilipinas, ito ang mga additional marriage license requirements na kailangang ihanda.
- Marriage Contract o Report of Marriage ng naunang kasal. Ito ay dapat may Annotation on Divorce na nagmula sa PSA. Maghanda ng isang orihinal na kopya at isang photocopy nito.
- Judicial Recognition of Foreign Divorce mula sa Philippine Court na may Certificate of Finality. Maghanda ng isang orihinal na kopya at isang photocopy nito.
Additional requirements para sa mga magpapakasal na biyuda o biyudo na
Para naman sa mga magpapakasal na kung saan ang isa o parehong magkapareha ay biyudo o biyuda na, ito ang mga additional marriage license requirements na kailangang ihanda.
- Marriage Contract o Report of Marriage sa namatay na asawa mula sa PSA. Maghanda ng isang orihinal na kopya at isang photocopy nito.
- Death Certificate ng namayapa ng asawa
Additional requirements para sa mga magpapakasal sa ibang bansa
Para sa mga Pilipinong magpapakasal sa ibang bansa, narito ang mga marriage requirements na kailangang ihanda.
- Advisory on Marriages mula sa PSA. Maghanda ng isang orihinal na kopya at isang photocopy nito.
- Philippine passport bilang patunay ng Philippine citizenship
- Passport-sized photo with white background (2 piraso)
Additional requirements para sa mga magpapakasal na foreigner sa isang Pilipino
Para sa mga foreigners na magpapakasal sa isang Pilipino, narito ang mga marriage requirements na kailangang ihanda.
- Valid foreign national’s passport
- Certificate of Legal Capacity to Marry
- Kopya ng Final Decree of Absolute Divorce kung ang foreigner ay dumaan sa divorce o una ng naikasal.
BASAHIN:
CENOMAR: Steps para makakuha ng Certificate of No Marriage Record
5 requirements na kailangan sa pagkuha ng birth certificate ni baby
6 steps para sa pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card
Mga sunod na dapat gawing hakbang
Kapag kumpleto na ang mga marriage license requirements ay dalhin at i-submit ito sa Civil Registry Department. Dito ay i-evaluate ang mga ipinasang dokumento.
Saka babayaran ang marriage license filling at application fee. Naiiba-iba ang presyo nito sa bawat munisipalidad, ngunit madalas ito ay nagkakahalaga ng P250.00. Ang P100 ay para sa marriage license fee, P50 para sa application form fee at P100 para sa filling fee.
Mahalagang itabi ang resibo o OR sa ginawang pagbabayad sa marriage license application. Sapagkat ito ay gagamitin sa pag-claim o pagkuha ng marriage license na madalas na naiirelease 10 araw matapos itong i-file. Ito ay base sa Article 17 ng Family Code ng Pilipinas.
Ang marriage license ay valid lang sa loob ng 120 days mula sa araw na ito ay inisyu. Kaya naman sa loob ng mga nasabing araw ay kailangan ng gamitin ito kung hindi ito ay awtomatikong mawawalan ng bisa.
Maraming mga requirements ang dapat isaalang-alang ng isang magkapareha bago sila ikasal. Isa na dyan ang marriage license. Imposible ang pagpapakasal saan man sa Pilipinas kung walang marriage license.
Ito ang dapat alalahanin ng isang couple o mag-partner kung binabalak na ang pagpapakasal. Kaya’t matapos makuha ang mga requirements na kinakailangan sa kasal, maaari nang sundan ang hakbang na nakasaad sa kung paano makukuha ang marriage license.
Upang maisagawa na ang pagpapakasal. Laging tandaan na balido lamang ang marriage license na ito sa loob ng apat na buwan at ito lamang ang panahon na maaaring magpasakal matapos makuha ang marriage license.
Iba pang bagay na maaaring isaalang-alang bago ang kasalan
Matapos ang pagkakaroon at pagkuha ng marriage license, bilang nalang ang araw upang mangyari na ang kasalan, kaya’t kabila’t kanan na ang magiging preparasyon ng lahat na involved sa mangyayaring kasal.
Bilang isa ito sa importanteng kaganapan sa buhay ng babae at lalaki, lahat ng detalye ay dapat maayos at napaghandaan. Bukod sa mga elemento ng kasal tulad ng mga seremonya, salo-salo at sayawan.
Pinalolooban din nito ang mga mahahalagang detalye na dapat ay present sa kasal. Nariyan ang mga sumusunod:
- Petsa at oras ng kasal
- Wedding outfits
- Isaisip din ang hair at make-up para sa bride at groom
- Wedding rings
- Wedding vows
- Reception o event’s place. Nararapat na i-consider din ng mag-nobyo’t nobya ang kagandahan ng kapaligiran sa pagpili ng venue.
- Mga bulaklak, lalo na para sa bride.
- Mga dekorasyon
- Guestlist o ang mga taong iimbitahan
- Mga photographers at videographers na kukuha ng lahat ng kaganapan at sesyon ng kasal.
- Mga ihahandang pagkain, mga appetizer para sa bisita. Kung malaki ang budget para sa kasal, maaari rin ang pagkakaroon ng catering services.
Ilan lamang iyan sa mga detalye na makatutulong sa kung ano ang dapat ihanda bago ang pagpapakasal, at matapos ang proseso ang marriage license requirements. Importante din ito at dapat bigyang-oras upang maging maayos, moderno at romantiko ang seremonya ng pag-iisang dibdib.
Paano kumuha ng wedding o marriage certificate sa Pilipinas
Larawan mula sa PSA
Ang marriage/wedding certificate ay naglalaman ng detalye at impormasyon ng nangyaring kasalan, na parehong pirma ng ikinasal o ng mag-asawa, kabilang ang mga witness sa naturang kasal.
Ayon sa PSA o Philippine Statistics Authority, maaaring mag-request ng wedding certificate ang mag-asawa ng wedding o marriage certificate at kinakailangang maibigay nila ang mga impormasyon tulad ng:
- Kumpletong pangalan ng mag-asawa
- Petsa ng kasal o date of marriage
- Place of marriage
- Kumpletong address ng mag-asawa
- Bilang ng kopyang kailangan,
- At ang purpose of certification o layunin ng kahilingan.
Narito naman ang gabay sa pagkuha ng marriage certificate onlayn,
- Maaaring i-access ang link at pindutin ang “Marriage Certificate” na makikita sa (https://www.psaserbilis.com.ph/#!).
- Pindutin ang “I agree” para sa terms and conditions at data privacy notice bago ma-route sa next page.
- Mayroong lalabas na pop-up questions na dapat sagutan ng mga participants na nagrerequest ng wedding certificate.
- Matapos sagutan ang mga tanong, lalabas ang “Request o Marriage Details” na kung saan ay dapat fill-upan ng mag-asawa.
- Pindutin ang “Next” na makikita sa ibabang bahagi ng request details page matapos fill-upan ang mga necessary informations para sa request.
- Kinakailangan din ibigay ang impormasyon para sa wedding certificate request na ito na siyang nakikita sa itaas bago pindutin ang “Save”.
- Kapag tapos na sa online application, bibigyan ka ng Batch Number Request, kung ikaw ay magbabayad sa iyong request at Corresponding Batch Reference Number naman kung ang iyong babayaran ay isang partikular na request lamang.
- Bilang huling hakbang, kailangan mo na lamang antayin na madeliver ang requested marriage certificate. Maaaring tumungo sa mga Census Serbilis Center na malapit sa iyo kung nais mong makuha ang marriage certificate sa loob lamang ng isang araw.
Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!