Para sa mga nagnanais magpakasal, mapapansin na isa sa mga requirements ng marriage certificate ang CENOMAR. Ngunit, ano nga ba at para saan ito? Higit sa lahat, paano kumuha ng CENOMAR at magkano ang aabutin dito?
Talaan ng Nilalaman
Ano ang CENOMAR?
Ang ibig sabihin ng CENOMAR ay Certificate of No Marriage. Ito ay ang certificate na nagpapatunay na ang isang taong nais magpakasal ay hindi pa dating nakasal. Ito ay ibinibigay ng Philippine Statistics Authority (PSA). Maaari rin itong tawagin na Certificate of Singleness.
Kailangan ang CENOMAR upang mapatunayan na ang isang taong nais magpakasal ay hindi pa nakakasal dati. Ito ang tumatayong patunay na ang nais magpakasal ay single pa.
Ito ay requirement sa pagkuha ng marriage license, sa huwes o sa simbahan man gaganapin ang kasal. Bukod dito, may ilan ding mga trabaho ang nanghihingi nito kung saan mahalaga na single ang aplikante.
Ayon sa batas, matatawag na single ang isang tao kapag siya ay hindi pa kinakasal kahit kanino. Sa mga kaso na ang isang tao ay divorced sa asawa, siya ay matatawag na unmarried. Ngunit, sa kaso naman na annulled ang pagsasama, maaaring matawag na single.
Larawan mula sa PSA
Paano kumuha ng CENOMAR online?
Maaari kang kumuha ng kopya online kung walang oras na maproseso ng personal ang iyong application. Narito ang ilang hakbang kung paano kumuha ng CENOMAR online.
- Sa PSAHelpline.ph website homepage, i-click ang “Order Now” button sa kanang bahagi ng page. Maaari ring makita ang “Order Now” button sa header ng page.
- Kapag lumabas ang susunod na page, i-click ang “CENOMAR” button. Pindutin ang kahon sa ibabang bahagi kung sumasang-ayon sa terms and conditions. Matapos ay pindutin ang “Continue.”
- Sunod ay may ipapakitang dalawang pagpipilian. Kung ang iyong request ay sarili mong PSA CENOMAR, piliin ang “My Own CENOMAR.” Kung ang iyong request naman ay para sa iban tao, piliin ang “For Someone Else.” Matapos makumpirma ay i-click ang “Continue.”
- Sa susunod na page ay ipapakita ang mga detalyeng kakailanganin ng PSAHelpline.ph mula sa’yo. Siguraduhin na maihanda ang mga kakailanganing detalye bago ipagpatuloy ang proseso. I-click ang “Continue.”
- Sunod, kailangan ilagay ang mga hinihinging impormasyon, kasama ang sex, civil status (kung babae), unang pangalan, panggitnang pangalan, panghuling pangalan, araw ng kapanganakan, at uri ng government-issued ID. Pagkatapos ay i-click ang “Continue.”
- Sunod na kakailanganin ay ang pangalan ng iyong ama. Matapos ilagay ang mga detalye, i-click ang “Continue.”
- Sa sunod na page ay ilagay naman ang pangalan ng iyong ina. Pagkatapos ay i-click ang “Continue.”
- Ilagay ang lugar kung saan ipinanganak sa susunod na pahina, at i-click ang “Continue” pagkatapos.
- Kailangang tukuyin sa susunod na page ang dahilan ng pag-request ng kopya ng iyong PSA CENOMAR. Pumili ng dahilan sa mga pagpipilian, pagkatapos ay magpatuloy sa susunod na hakbang.
- Panghuli, kailangan ilagay ang iyong delivery address, mobile number, at email address.
Larawan mula sa Pexels
Ilang mga paalala para sa pagkumpleto ng online application form:
- Siguraduhin na parehas ang iyong pangalan at birthday sa nakaagay na detaye sa’yong ID. Tandaan na kinakailangan magpresinta ng ID sa pagdating ng delivery ng iyong PSA CENOMAR.
- Gumamit ng address kung saan mo puwedeng matanggao ng personal ang iyong dokumento mula sa PSA.
- Hindi maaaring mag-request ng kopya ng CENOMAR ng ibang tao kapag ikaw ay wala pang edad 18.
Kapag natapos mo ang iyong online apploication form, ikaw ay bibigyan ng Reference Number na maaari mong gamitin upang tignan kung saan ka pwedeng magbayad. Sa ngayon, ang PSAHelpline.ph payment partners ay kinabibilangan ng:
- Visa
- Gcash
- PayMaya
- 7-Eleven
- Bayad
- Palawan Express
- Bancnet
- Metrobank
- BPI
- BDO
- Dragonpay
Ang isang kopya ng PSA CENOMAR ay nagkakahalaga ng Php420.00, kasama na ang bayad sa courier at service fee.
Ilang mga paalala sa delivery ng iyong PSA CENOMAR
- Tatagal ng 3-4 working days ang delivery withing Metro Manila. Kung ang tirahan naman ay nasa labas ng Metro Manila, maaari itong tumagal ng 3-8 working days para maipadala ang dokumento.
- Para sa seguridad, kinakailangan magprisinta ng isang valid government-issued ID sa courierpagka-deliver ng iyong PSA document.
- Kailangan mong tanggapin ng personal ang iyo0ng dokumento mula sa PSA. Hindi ito ibibigay ng courier sa ibang tao, kahit pa mayroong authorization letter. Kung sakaling hindi mo matatanggap ng personal ang dokumento sa itinakdang araw, mangyaring tumawag sa sa PSAHelpline,ph (02) 8737-1111, Lunes hanggang Sabado (hindi kasama ang holiday), mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
- Lahat ng mga dokumentong hindi nai-deliver matapos subukang i-deliver ng dalawang beses ay kinakailangang ibalik sa PSA matapos ang 30 calendar days, at ang binayad para sa mga dokumento ay mapapawalang bisa. Maaari uli mag-request sa PSAHelpline.ph
Paano kumuha ng CENOMAR nang walk-in
Larawan mula sa Pexels
Kung ikaw ay may panahon para magproseso ng iyong PSA CENOMAR nang personal, maaaring pumunnta sa pinakamalapit na PSA CRS Outlet (https://psa.gov.ph/directory/census-serbilis-center-metro-manila). Gayunpaman, may mga hakbang na kailangang kailangang sundin tulad ng pag-set ng appointment.
Kinakailangan din magdala ng isang valid ID. Kahit ang iyong pinoproseso ay sariling CENOMAR o sa ibang tao, kinakailangan pa rin magprisinta ng valid ID at ng may-ari ng dokumento. Ang mga valid ID na tinatanggap ng PSA ay:
- Passport
- SSS/GSIS/Pag-IBIG/PhilHealth ID
- Driver’s Llicense
- Professional Regulation Commission ID
- Voter’s ID
- Senior Citizen’s ID
- PhilPost ID
- Employee ID
- NBI Clearance
Kinakailangan ng authorization letter mula sa may-ari ng dokumento kung ikaw ay nagre-request ng CENOMAR para sa ibang tao.
Hakbang sa pagkuha ng CENOMAR
- Kumuha ng appointment slot sa PSA Online Appointment System (https://crs-appointment.psahelpline.ph/). Ilagay ang napiling araw, oras, at PSA CRS Outlet para sa aplikasyon.
- Kapag mayroon nang appointment schedule, maaari nang pumunta sa napiling PSA CRS Outlet sa napiling araw at oras upang iproseso ang request.
- Iprisinta ang CRS Appointment Slip (printed o digital copy) sa Information Marshal para sa validation.
- Kuhain ang Application Form (AF) at Queue Ticket Number (QTN).
- Iprisinta ang mga kailangang bayaran, QTN, accomplished AF, valid IDs, Authorization Letter/Special Power of Attorney (SPA) at lahat ng dokumento sa transacting window para sa screening at pagbabayad.
- I-check ang Official Receipt (OR), at bilangin ang sukli kung mayroon.
- Pumunta sa Releasing Area sa oras at araw ng ibinigay na schedule.
- Magprisinta ng OR, valid IDs, Authorization Letter/SPA at lahat ng pangsuportang dokumento sa Releasing Officer.
- I-check kung tama ang mga detalye kung tama at kumpleto matapos matanggap ang dokumento.
Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!