Stillbirth isa sa pangunahing epekto ng pangaabuso sa pagbubuntis, ayon sa isang pag-aaral.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang stillbirth?
- Mga pang-aabuso dahil sa stillbirth.
- Paraan upang maiwasan ang stillbirth.
Ano ang stillbirth?
Base sa data na nakalap ng UNICEF nitong 2019, nasa 2 milyon ang naitalang kaso ng stillbirths sa buong mundo. Nasa 29,758 sa mga kasong ito ang nagmula sa Pilipinas. Ayon sa CDC, ang stillbirth ay tumutukoy sa pagkamatay ng sanggol matapos ang 28 weeks ng pagbubuntis. Ito ay maaaring bago o habang siya ay ipinanganak.
Maraming iniuugnay na dahilan kung bakit nakakaranas ng stillbirth ang isang buntis. Ayon sa CDC maaaring ito’y dahil sa sumusunod:
- Pagkakaroon ng mga medical conditions tulad ng pagiging obese, pagkakaroon ng diabetes at high blood pressure.
- Pregnancy conditions tulad ng pagbubuntis ng higit sa isang sanggol. Pagkakaroon ng liver condition na kung tawagin ay intrahepatic cholestasis of pregnancy o ICP.
- Pagkakaroon ng impeksyon ng ina, ni baby o ng placenta.
- Komplikasyon sa naunang pagbubuntis tulad ng premature birth, preeclampsia o fetal growth restriction. O kaya naman ay pagkakaranas na ng stillbirth o miscarriage sa nakalipas na pagbubuntis.
- Edad ng babae, kung siya ay mas bata sa 20-anyos at higit sa 35-anyos na.
- May bisyo tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at paggamit ng bawal na gamot.
- Na-expose sa mga uri ng polusyon o kemikal habang nagbubuntis.
Stillbirth isang epekto ng pang-aabuso sa pagbubuntis
Photo by Anete Lusina from Pexels
Pero ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Tommy’s Manchester Research Centre ng The University of Manchester, ang stillbirth ay isa sa pangunahing epekto ng pang-aabuso sa pagbubuntis. Natuklasan nila ito matapos i-analyze ang kapanganakan ng higit sa 1,000 sanggol sa 41 na ospital sa United Kingdom mula noong 2014 hanggang 2016.
Sinukat nila ang stillbirth risk ng kada pagbubuntis sa pamamagitan ng interview-led questionnaire tungkol sa behavior at social characteristics ng babaeng buntis. Isinaalang-alang din nila ang iba pang factors tulad ng paninigarilyo na sinasabing dahilan din ng stillbirth na maaaring maiwasan. Sa ginawang pag-aaral, narito ang natuklasan ng mga researcher.
Mataas ang tiyansa ng buntis na nakakaranas ng stress na makaranas ng stillbirth.
Ang mga babaeng nakakaranas ng mataas na level ng stress ay doble ang tiyansa na makaranas din ng stillbirth. Ito’y maliban pa o wala pang impluwensiya ng iba pang social factors at pregnancy complications na magdudulot ng pressure sa nagdadalang-taong ina.
Ang deprivation o kakulangan na makakuha ng maayos o quality healthcare dahil sa kahirapan ay nagpapataas din ng tiyansa ng stillbirth sa pagbubuntis.
Ayon sa resulta ng pag-aaral, ang mga babaeng nagmula sa most deprived socio-economic group ay 2.96x na mataas ang tiyansa na makaranas ng stillbirth. Ang mga buntis na walang trabaho ay natuklasan ding halos may parehong tiyansa o 2.58% ang chance na makaranas ng stillbirth sa kanilang pagbubuntis.
BASAHIN:
Debunking 6 popular myths about stillbirth
STUDY: Health ni daddy maaaring maging dahilan ng miscarriage at stillbirth kay baby
Study finds one cup of coffee a day may increase risk of stillbirth
Ang stillbirth ay epekto ng pang-aabuso sa pagbubuntis.
Sa ginawang pag-aaral ay lumabas din na ang mga babaeng hindi sumagot sa tanong tungkol sa pang-aabuso ay 4x o 6.70% na makaranas ng stillbirth. Mas mataas ito kumpara sa 2.61% na tiyansa ng stillbirth sa mga babaeng umaming sila ay nakaranas ng pang-aabuso.
Paliwanag ng mga researcher, maaaring dahil ito sa willingness ng mga babaeng umamin na biktima ng pang-aabuso na makakuha ng tulong o support laban sa kanilang nararanasan. Ito’y para sa kanilang kapakanan at dinadala nilang sanggol.
Photo by Anete Lusina from Pexels
Rekumendasyon ng ginawang pag-aaral
Ang pagbibigay na dagdag o ibayong antenatal care sa mga buntis ay nagbibigay ng dagdag na proteksyon sa kanila laban sa stillbirth. Sapagkat base sa ginawang pag-aaral natuklasan na ang mga inang nagkaroon ng mas maraming appointments sa kanilang doktor ay bumaba ng 72% ang risk na makaranas ng stillbirth.
Sapagkat mas nakakakuha sila ng suporta at tulong na kailangan nila. Nasasabi rin nila sa mga ito ang mga stress at pang-aabuso na kanilang nararanasan. Kaya naman mas gumagaan ang kanilang pakiramdam at mas napapabuti ang kanilang pagbubuntis. Pahayag ni Professor Alex Heazell na author ng isinagawang pag-aaral, mula sa Tommy’s Research Centre Director at obstetrics professor sa The University of Manchester,
“We know people are more likely to disclose issues such as stress and domestic abuse to a professional if they have a good relationship with them and believe that person can help. Maternity care providers should be supported and trained to have open conversations, and connect patients with any other services they need so that we can start to reduce the risks for these women and their babies.”
Paano maiiwasan ang stillbirth?
Image by Free-Photos from Pixabay
Ang pagkawala ng isang sanggol ay napakabigat para sa isang ina. Kaya naman makakatulong ang suporta mula sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Upang matulugan rin siyang makacope-up at makapagmove-on sa pagkawala ng kaniyang sanggol.
Maaari pa namang muling magbuntis ang isang babaeng nakaranas ng stillbirth. Subalit sa susunod, kailangan niya nang isaisip ang mga hakbang upang maiwasan ang stillbirth.
- Magpa-prenatal checkup upang masubaybayan ang kalusugan at kalagayang ng ipinagbubuntis na sanggol.
- Agad na sumailalim sa treatment kung may nararanasang medical condition.
- Siguraduhing nasa malusog na timbang bago magbuntis.
- Huwag manigarilyo, uminom ng alak at gumamit ng bawal na gamot habang nagdadalang-tao.
- Kung makaranas ng pananakit sa tiyan o pagdurugo sa pwerta ay agad na ipaalam sa iyong doktor.
- Umiwas sa stress kung maari.
Source:
CDC, UNICEF
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
Kalakip ang reports mula kay Nikki De Guzman.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!