Dahilan kung bakit nalaglag ang baby ng isang buntis, posibleng dahil sa health problems ng kaniyang mister.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dahilan kung bakit nalaglag ang baby
- Paano ito nangyayari
- Reaksyon ng mga eksperto
Estado ng kalusugan ni mister na posibleng dahilan kung bakit nalaglag ang baby ng kaniyang misis
Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang mga komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng miscarriage at stillbirth ay hindi lang basta nakadepende sa kalusugan ng nagbubuntis na babae. Maaaring ito ay bunga at epekto rin ng nararanasang problemang pangkalusugan ng kaniyang mister.
Ito ang natuklasan ng pag-aaral na nailathala kamakailan lang sa Human Reproduction journal.
Paliwanag ng nanguna sa pag-aaral na si Associate Professor Michael Eisenberg mula sa Standford University, natuklasan nila ito matapos pag-aralan ang halos isang milyong pagbubuntis sa US mula noong 2009 hanggang 2016.
Photo by Amina Filkins from Pexels
Base sa kanilang naging pag-aaral, natuklasan umano nila Eisenberg na ang mga lalaking na-diagnose na may sakit na metabolic syndrome ay nagpataas ng tiyansa ng kanilang misis o partner na makaranas ng miscarriage sa kanilang pagbubuntis ng 10-19%.
Ang metabolic syndrome ay tumutukoy sa mga medical conditions tulad ng obesity, diabetes, high blood pressure at high cholesterol levels. Ang mga sakit na ito ang sinasabing naging dahilan para makaranas ng ectopic pregnancy, miscarriage at stillbirth ang 22% ng mga pagbubuntis na nakabilang sa kanilang ginawang pag-aaral. Ganoon din sa pagkakaroon ng pregnancy complications tulad ng gestational diabetes o preeclampsia.
Pero maliban sa mga nabanggit na sakit, base pa rin sa pag-aaral, ang edad ni mister ng magbuntis si misis ay maaaring makaapekto rin sa kalusugan ng kanilang magiging sanggol.
Paano ito nangyayari?
Pahayag pa ni Eisenberg, isa sa mga nakikita nilang dahilan kung bakit nangyayari ito ay dahil ang health at lifestyle ng lalaki ay maaring makaapekto sa genetic make-up at expression ng kaniyang sperm. Ganoon rin sa development at functions ng placenta ng isang babae.
“We hypothesize that the father’s health and lifestyle could adversely affect the genetic make-up and expression in the sperm and that this may alter how well the placenta functions. If the placenta isn’t working properly, then this could lead to the pregnancy losses that we observed; for instance, we know already that paternal smoking and diet can affect sperm quality.”
Ito ang pahayag ni Eisenberg.
Rekomendasyon ng pag-aaral
Kaya naman mula sa naging resulta ng pag-aaral ay may naging rekumendasyon si Eisenberg. Dapat hindi lang ang kalusugan ng isang babae ang binibigyang pansin at halaga bago ang pagbubuntis. Dapat pati si mister ay sisiguraduhing healthy din. Siya dapat ay may sapat na kaalaman din sa magiging impact ng kaniyang health at lifestyle sa kalusugan ng kaniyang magiging sanggol.
“While this study cannot prove that poor paternal health is a cause of pregnancy loss, it shows there is an association. The clinical implications of these findings are that pre-conception counselling should not forget the father, as his health may have an important impact on the pregnancy.”
Ito ang rekomendasyon ni Eisenberg.
BASAHIN:
4 na gatas para sa buntis na mainam para sa iyo
STUDY: Pagiging malapit ng ama sa cesarean babies, may benepisyong taglay sa kanila
Stillbirths, isa sa mga hindi napapansin na resulta ng pandemic
Photo by Diego Indriago from Pexels
Reaksyon ng mga eksperto
Para naman kay Dr. Rahul Gupta, ang findings ng pag-aaral ay may ibinibigay na pahiwatig. Ito ay ang posibilidad na ang kalusugan ng isang daddy-to-be ay repleksyon ng kalusugan ng babaeng magbubuntis. Tulad nalang halimbawa, na ang isang obese na lalaki ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng obese din na misis. Bagama’t sumang-ayon rin si Dr. Gupta na ang quality ng sperm ng isang lalaki ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng kaniyang magiging baby. Kaya naman para masiguro na healthy ang magiging baby ay dapat parehong healthy ang isang magka-partner.
“We have done a fair job of focusing on prenatal care for mothers. We have improved access to care– we’re not doing great, but we’re doing better than we have in the past. Where we can still do better is to involve the father before and during pregnancy,”
Ito ang pahayag ni Gupta.
“It’s time for both the mother and father to shape up, before conceiving the child but also during pregnancy.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Gupta.
Si Gupta ay ang chief medical and health officer ng health website na March of Dimes,
Hindi lang basta healthy sperm ang maaaring makapagdulot ng healthy na pagbubuntis
Photo by Amina Filkins from Pexels
Samantala, ayon naman sa isang 2018 interview kay Milton Kotelchuck, hindi lang basta healthy sperm mula sa isang lalaki ang maaaring magdulot ng magandang epekto sa pagbubuntis ng isang babae. Ang ibinibigay na support ng mister sa kaniyang misis ay may malaking epekto rin sa magiging health at development ng kanilang magiging sanggol.
Ang suportang ito’y maipapakita ng mister sa pamamagitan ng pagsisiguro na naibibigay ng maayos ang prenatal care na kailangan ng buntis. Ganoon din sa pagsisiguro na maibibigay ang pangangailangan ng kaniyang misis at sanggol. Ito man ay sa pamamagitan ng pinansyal o emosyonal na paraan.
Kaya naman payo ni Kotelchuck, dapat ay parehong handa o sang-ayon ang isang magka-partner sa pagkakaroon ng baby. Ito ay para masigurong maibigay nila ang tama at karapat-dapat na pangangalaga sa kanilang magiging sanggol.
Si Kotelchuck ay professor of pediatrics sa Harvard Medical School.
Source:
WebMD, CNN Edition
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Irish Manlapaz
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!