Sa paglabas ng baby via natural birth o cesarean man ‘yan, parehong nadadala sina mommy at baby sa alanganin. Lalo na kung hindi inaasahang may birth complication na naganap. Hindi natatapos ang tungkulin o journey ng isang nanay paglabas ni baby dahil kinakailangan nilang pagalingin muna ang kanilang katawan bago umuwi. Dito na pumapasok ang tungkulin ng ama sa anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Benepisyo ng parental skin-to-skin contact
- cesarean section delivery
- Tips para makaiwas sa cesarean delivery ang isang buntis
Habang nagpapagaling si mommy, kinakailangang umalalay muna si daddy sa pag-aalaga sa kanilang baby.
Tungkulin ng ama sa anak | Image from Unsplash
Ayon sa pag-aaral na nakalimbag sa Acta Paediatrica, nalaman ng mga eksperto kung ano ang ibinibigay na benepisyo ng mga tatay sa kanilang bagong silang na sanggol pagkatapos itong sumailalim sa cesarean section.
Tungkulin ng ama sa anak: Benepisyo ng parental skin-to-skin contact
Ilang pag-aaral ang nagsasabing malaki ang benepisyo ng skin-to-skin contact ng mga tatay sa kanilang bagong silang na sanggol. Hindi lang napapabuti nito ang kanilang bonding kung hindi pati na rin ang magandang temperatura at tibok ng puso ng baby.
Ang pagkawalay pansamantala ng mga nanay pagkatapos ng c-section sa kanilang anak ay pangkaraniwan lamang. Ayon sa Acta Paediatrica, pagkakataon na ito ng mga tatay para mapalapit agad sa kanilang baby.
Kabilang sa pag-aaral na ito ang 95 na sanggol. Pinili sila isa-isa at randomly kasama ang mga tatay kung saan nagkaroon ng skin-to-skin contact sa mga baby pagkatapos ng c-section delivery.
BASAHIN:
Mga dapat gawin upang maiwasang ma-cesarean sa panganganak
Cesarean Section: Ang epekto sa kalusugan ni baby kapag ipinanganak ito via CS
#AskDok: Wala ba talaga akong mararamdaman kapag gumamit ako ng anesthesia sa panganganak?
Nalaman ng mga eksperto na kung ikukumpara sa mga sanggol na nasa higaan, ang mga baby na nakaranas ng pagkarga o “skin-to-skin” contact sa kanilang ama ay mas naging stable ang kanilang heart rate. Bukod pa rito, nakitang mas buhay o aktibo ang diwa ng mga sanggol na may contact sa kanilang ama.
Dagdag pa ng mga eksperto, “The skin-to-skin group showed some advantages over the cot and fathers’ arms groups when it came to establishing stable physiological parameters and wakefulness.”
“This approach should be supported during mother-infant separation,”
Walang nakitang negatibong epekto ng skin-to-skin contact ng ama sa kanilang bagong silang na sanggol.
Ano ang cesarean section delivery?
Ang cesarean delivery o CS kung tawagin ng marami sa atin ay isang surgical procedure na kung saan ipinapanganak ang isang sanggol sa pamamagitan ng paghihiwa o incision sa tiyan at uterus ng isang babae.
Tungkulin ng ama sa anak | Image from Unsplash
Sa pagsasagawa nito ay binibigyan ng epidural o spinal anesthetic ang babaeng manganganak upang hindi niya maramdaman ang sakit ng ginagawang surgical procedure. Bagama’t siya ay maaaring manatiling conscious at aware sa mga ginagawang paggalaw sa kaniyang katawan.
Ang C-section delivery ay isinasagawa sa pagbubuntis dahil sa dalawang pangunahing dahilan. Ito ay maaaring planned o mas kilala sa tawag na elective C-section. Ito’y maaaring dahil sa hindi inaasahang komplikasyon sa panganganak o emergency C-section delivery.
Risk ng pangangak sa pamamagitan ng CS delivery
Pero kung hindi naman nakakaranas ng mga nabanggit at malusog ang pagbubuntis, ipinapayo ng mga doktor na manganak ng normal ang isang buntis. Sapagkat ang pangangak sa pamamagitan ng C-section delivery ay may kaakibat na mga pangamba. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Wound infection
- Blood loss
- Blood clots
- Organ injury tulad ng sa bowel o bladder
- Adverse reactions sa gamot o anesthesia
- Potential complications sa mga susunod na pagbubuntis.
- Endometritis o impeksyon sa lining ng uterus.
Para naman sa sanggol, ang risk ng panganganak sa pamamagitan ng CS delivery ay ang sumusunod:
- Surgical injury
- Breathing difficulties tulad ng transient tachypnea o respiratory distress syndrome
Tungkulin ng ama sa anak | Image from Unsplash
Tips para makaiwas sa cesarean delivery ang isang buntis
- Magpakonsulta sa oras na malamang nagbubuntis. Upang malaman ang iyong medikal na kondisyon, family history at status ng iyong pagbubuntis.
- Uminom ng prenatal vitamins tulad ng folic acid para masigurong nagde-develop ng malusog ang sanggol sa iyong sinapupunan.
- Siguraduhing kompleto ang iyong mga bakuna.
- Tigilan ang mga bisyo o lifestyle na makakasama sa iyong sanggol.
- Manatiling active at fit habang nagbubuntis na dapat ay may pag-alalay pa rin ng iyong doktor.
- Panatilihin ang ideal weight sa pamamagitan ng pagkain ng well-balanced diet.
- Regular na magpacheck-up sa iyong doktor upang mabantayan ang iyong pagbubuntis at dinadalang sanggol.
Higit sa lahat, ito ang pinakamahalagang payo ni Dr. Canlas sa mga buntis.
Karagdagang ulat mula kay Irish Mae Manlapaz
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!