Sinagot ng mga eksperto kung ang pagkakaroon ba ng romantic relationship ay makatutulong para maibsan ang nararamdamang depression, anxiety o stress ng isang tao.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Pananaw ng mga eksperto tungkol sa depression
- How to have improve your mental health
Pananaw ng mga eksperto tungkol sa depression
Bagaman nagbibigay kulay at saya ang ating partner sa buhay, ayon sa mga eksperto hindi raw sila ang sagot para sa depression ng isang tao.
Pinag-aralan ng mga researchers ang 1,000 tao na may edad 57 hanggang 85. Mula sa mga participant, sinuri nila ang tatlong dependent measures, depressive symptoms, perceived stress, at loneliness.
Sinama rin nila ang iba pang variables sa study, kabilang ang partnership status, demographic characteristics, social support at socioeconomic resources.
Tatlong pagsasalarawan ang inilagay ng Center for Epidemiologic Studies Depression Scale para i-assess ang depression. Ito ay ang ‘felt depressed’, ‘felt everything was an effort’, at ‘did not feel like eating’. Dito nila tinigyan at inihiwalay ang mga taong nakararanas madalas ng depressive symptoms at taong hindi talaga nakararanas.
Samantalang sa perceived stress naman, sinukat naman ang participants sa pamamagitan ng mga sagot nila sa ilang katanungan. Inihiwalay rin nila ang mga madalas makaranas ng stress sa hindi.
Pagdating sa assessment sa loneliness, tatlong tanong ang sinagot ng mga participants. Ito ay ang mga tanong na, “How often do you feel that you lack companionship; how often do you feel isolated from others; at how often do you feel left out?”
Parehong babae at lalaki rin ang tinanong tungkol sa epekto sa kanila ng “social support.”
“Social support did matter, for both women and men, in almost every way.”
Napag-alaman dito na hindi nakikita ng kababaihan ang benefits ng pagkakaroon ng asawa o partner. Para sa kanila, hindi gaano nakatutulong ang romantic partnership. Ang mas nakapagbibigay ng lakas sa kanila ay social support mula sa mga kaibigan at pamilya.
Nakita sa pag-aaral na mas kaunti ang report ng depressive symptoms, stress at loneliness. kung may malakas silang social support.
“Women with more social support were less likely to report frequent depressive symptoms, they were less likely to experience stress, and they were less likely to be lonely.”
Isa pa sa nakita ng researchers ay mas kaunti ang stress na nararanasan ng kababaihan kung sila ay single.
“They found that for women, partnership status just didn’t matter. There were no statistically significant differences in women’s experiences of depression, stress, or loneliness that depended on whether they were married, cohabiting, dating, or single and unpartnered.”
Larawan kuha mula sa Pexels
Ganito rin ang resultang nakita sa mga kalalakihan. Bagaman, hindi gaanong pareho ang impact ng social support, pero malaki at malakas pa rin ang naitutulong nito para sa kanilang mental health. Nakita rin sa resulta na mas kaunti ang report ng depressive symptoms at stress.
“Social support from friends and family mattered to men, too, though not quite as much as it did for the women. Men who had more social support were less likely to report frequent depressive symptoms and they were slightly less likely to experience stress.”
Katulad ng report sa kababaihang single, ganun din ang nakita naman sa lalaking single.
“Marriage was also no protection against loneliness, as married men were no less lonely than cohabiting men. Cohabiting men also did well in comparison to the dating or unpartnered men on two measures of well-being: They were less likely to report frequent depressive symptoms or loneliness.”
Nakita rin sa pag-aaral na mas madalas na ang mga single na tao ang nakapagpapanatili ng ties sa kanilang kaibigan, pamilya at iba pang mahahalagang tao kaysa sa mga mayroong karelasyon.
Dito nalaman na mas nagiging healthy ang mental na status ng taong single dahil marami siyang social support kaysa sa may karelasyon na kadalasang nakapokus lamang ang atensyon sa iisang partner.
BASAHIN:
Mom confession on having postpartum depression: “It even came to a point that I thought of taking my own life”
STUDY: Yoga and meditation found to reduce chronic pain and depression
May depression o anxiety? Ito ang maaaring risk sa iyong pagbubuntis, ayon sa study
How to have improve your mental health
Hindi man lubos na makatutulong ang pagkakaroon ng partner para sa healthy mental status, marami pa rin namang maaaring subukan para ma-improve ito. Narito ang ilan sa kanila:
- Sabihin ang mga nararamdaman. Mainam na sabihin ang nararamdaman sa iyong pinagkakatiwalaan o kaya naman parte ng social support.
- Kumain nang tama. Kasabay ng pag-unlad ng physical health ay ang mental health.
- Matutong humingi ng tulong. Mas maganda na may kasangga at hindi mag-isa na labanan ang mga nararamdaman.
- Mahalin ang sarili. Magsisimula ang pagkakaroon ng healthy mind kung tatanggapin ang sarili.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!