Isang vegetarian mom ang nahatulan ng panghabangbuhay na pagkakakulong matapos mamatay ang kaniyang anak dahil sa malnutrisyon.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Vegetarian mom, kulong matapos mamatay ang kaniyang baby dahil sa malnutrition
- Tips sa pagpapalaki ng inyong baby sa kaniyang unang taon
Vegetarian mom, kulong matapos mamatay ang kaniyang baby dahil sa malnutrition
“This child did not eat. He was starved to death over 18 months.” | Larawan mula sa Pexels
Walang kakayahan ang mga sanggol na kumain nang mag-isa upang mapanatiling healthy ang kanilang pangangatawan. Ang tanging kaya lang nilang gawin ay ang umiyak upang malaman ng parents na gutom sila. Dito naman papasok ang role ng parents na maging responsible para sa pagpapanatiling malusog ang anak.
Kontrobersiyal naman na usap-usapan ngayon ang isang vegetarian mom na mula sa Florida, USA. Nahatulan kasi ito ng panghabangbuhay na pagkakakulong dahil sa first-degree murder conviction. Bukod sa kasong murder, hinatulan din ang ina ng aggravated child abuse, manslaughter, at two counts ng child neglect.
Sino ang ang taong sinasabing kanyang pinatay? Ang sarili mismo niyang anak na edad na 18 buwan pa lamang.
Kinilala ang suspek na si Sheila O’Leary, isang 38 taong gulang na ina ng sanggol na si Ezra. Ayon sa salaysay ng mga prosecutor, nakaranas daw ng malnutrition at dehydration ang bata dahilan upang mamatay ito. Taong 2019 nang ika-27 ng Setyembre nang pumanaw ang bata.
Vegetarian mom, kulong matapos mamatay ang kaniyang baby dahil sa malnutrition | Larawan mula sa Pexels
Pagbibigay ng salaysay ni Francine Donnorumo, ang special victims chief sa Lee County State Attorney’s Office, gutom daw talaga ang sanhi ng pagkamatay ni Ezra.
“This child did not eat. He was starved to death over 18 months.”
Samantalang naghihintay naman ng desisyon sa parehong kaso ang asawa ni Sheila na si Ryan Partick O’Leary dahil sa nangyaring ito sa kanilang anak.
Sa pagkukwento ng suspek, strikto raw ang kaniyang pamilya sa diet ng raw fruits at vegetables. Ipinilit naman nilang ang namayapang anak ay nakatatanggap naman ng breast milk niya.
Naniniwala rin ang State Attorney na si Amira Fox na ang tatlong anak pa ni Shiela ay nag-suffer din sa extreme neglect at child abuse. Dahil dito pinag-utos ng korte na huwag na silang kokontak o kakausap pa sa mga anak nito.
Tips sa pagpapalaki ng inyong baby sa kaniyang unang taon
To give you some little help, here are some of the tips and trivia you should remember for your baby’s first year | Larawan mula sa Pexels
Exciting ang pagiging parents, para sa marami isa ito sa best feelings at roles na mararanasan mo sa buong buhay. Siyempre, lagi namang walang magaling sa simula pa lamang. Parati namang natutunan ang mga bagay-bagay sa paglipas ng ilang mga panahon.
Sa first time moms and dads, ang pagiging magulang ay maaaring maghatid ng overwhelming feeling. Mas madalas ito sa mga taong hindi naman naka-experience na magbantay ng bata. Stressful ang maraming bagay, gaya na lamang ng pagpapakain, pagbabantay, pagpapa-aral, at marami pang kailangang i-consider.
To give you some little help, here are some of the tips and trivia you should remember for your baby’s first year:
From o to 6 months
- Ilang araw mula sa pagpapaanak, marunong nang ngumiti ang sanggol kung sila ay ngingitian din.
- Humanap ng paraan upang parati kang makita, marinig, o mahawakan ng iyong anak kung saan nakokontrol niya ang kanyang mga galaw.
- Kausapin ang bata sa soft voice mo upang maramdaman niya ang lambing ng isang parent.
- Mag-isip ng iba’t ibang laro na mai-engage ang bata.
- Magpakita ng mga photos kung saan naroon ang mga hayop, prutas, at iba pang bagay na maaaring matutunan ng bata.
From 6 to 9 months
- Sa tuwing tinatanong ang bata, bumilang nang isa hanggang sampu bago magtanong muli.
- Parating banggitin ang kanyang pangalan.
- Natatakot ang bata sa pagkanta o pagsasalit nang gamit ang malakas na boses.
- Panatilihin pa ring laging nakangiti upang maging masayahin din ang bata at ma-adapt ito.
- Gumawa ng mga simple books and puzzles upang kanyang malaro.
From 9 months to 1 year old
- Makipaglaro ng hide and seek sa bata upang maimprove ang kanyang willingness at curiosity sa mga bagay.
- Ugaliing banggitin parati ang mga pangalan ng mga bagay at tao upang matutunan kaagad ito.
- Turuan ng iba’t ibang body language katulad ng paggamit ng kamay upang magsabi ng “hello” at goodbye.”
- Maaaring gamitin ang laruan upang ituro ang iba’t ibang part ng katawan at matutunan niya ito.
- Magkaroon ng positive approach sa pagkatuto ng bata upang tumaas ang kayang self-confidence at self-esteem.
- Parating purihin ang mga ginagawa nila.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!