Normal lang na nag-aalala ang parents sa kung sino-sino ang mga friends na nilalapitan ng kanilang anak. Kung hanggang ngayon ay isa ka sa mga duda sa kaniyang mga kaibigan niya, tutulungan namin kayo kung ano ang dapat gawin tungkol dito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Duda sa friends ng anak mo? Heto ang mga pwede mong gawin
- 5 signs na healthy ang friendship ng iyong anak sa kanyang mga kaibigan
Duda sa kaibigan ng anak mo? Heto ang mga pwede mong gawin
Nakatutuwa nga namang makita ang anak na nakikipagkaibigan at nagso-socialize sa ibang mga tao. Masaya kasing pinapanood sila na nagi-enjoy na nakikipaglaro at mayroong nasasamahan palagi. Isa ring way ito upang maging much better pa ang kanilang memories during childhood.
Kasabay nito, hindi rin naman maiiwasang mayroon siyang mami-meet na kaibigan na mapapansing mong hindi mo gusto. Siguro ay dahil ito sa kanyang ugali, maaaring masakit magsalita ang kaibigang ito o kaya naman ay bossy. Ang ganitong pakiramdam ay normal lamang para sa isang parent na nag-aalala para sa kanilang anak.
Hindi rin naman daw ito mali, ayon sa eksperto. Nanganaghulugan lamang kasi ito na inoobserbahan mo ang mga tao sa paligid ng iyong anak. Para sa ganitong sitwasyon mahalaga lamang na malaman nang partikular kung ano-ano ang dahilan kung bakit ka nga ba duda sa partikular na kaibigan ng iyong anak.
Marahil ilan sa mga tanong na maiisip mo ay, “Bakit kaya ganito magsalita itong kaibigan ng anak ko na ito?” “Magandang impluwensya kaya ito para sa anak ko?” o kaya naman ay “Papaano kung magaya ng anak ko ang mga ugaling hindi ko gusto sa kanyang kaibigan?”
Kung sunod-sunod na ang mga katanungang ito, narito ang ilang ways upang malaman kung ano nga ba ang dapat mong gawin:
- Alamin ang relasyon mo sa parents ng kaibigang pinagdududahan mo sa anak – Siguraduhin kung ang relasyon mo sa parents ng partikular niyang kaibigan ay maayos naman ba. Maaari kasing magkaroon ng subjectivity kung sakaling hindi kayo in good terms ng kanyang parents.
- Iwasang i-bad mouth ang kaibigang ito sa iyong anak – Mahirap naman talagang pigilan ang sarili na hindi sabihing hindi mo gusto ang batang iyon. Ito ang mahalagang pigilan mo as parents na sabihin lalo sa harap ng iyong anak. Magkakaroon kasi ng higit pang problema kung sakaling marinig niya kung paano mo pagsalitaan ng masasamang salita ang kayang kaibigan.
- Bumuo ng malinaw na komunikasyon sa iyong anak – Mas maganda kung magiging bukas muna ang iyong isipan sa kung bakit nga ba naging kaibigan iyon na iyong anak. Maaaring tanungin kung ano-ano ba ang nagustuhan niya at naging kaibigan niya ito. Magmula dito mas magiging bukas ang anak sa positibo at negatibong nangyayari sa kanilang relasyon at ikukwento niya ito sa iyo.
- Maging mas mapag-obserba – Pansinin maging ang mga maliliit na bagay at patuloy na mag-obserba sa relasyon nilang dalawa. Maaari muling magbukas ng komunikasyon at tanungin kaagad kung ano ang kanyang nararamdaman sa tuwing nakakakita ka ng mga bagay na hindi mo nagugustuhan. Tanungin din ang anak kung ang mga ganitong pangyayari ba ay madalas na ginagawa ng kanyang kaibigan.
- Palaging iparamdam na nakasuporta ka sa anak – Marahil ay natatakot din ang anak na magsabi sa ilang mga ginagawa sa kanya ng kaibigan o kaya ay pakiramdam niya wala siyang mapagsabihan. Sa ganitong pagkakataon mahalagang maiparamdam sa anak kung gaano siya kahalaga para sa iyo at bibigyan mo siya ng suporta kahit anuman ang mangyari.
BASAHIN:
Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak
Hindi mapatahan ang anak? 5 importanteng kaalaman tungkol sa tantrums ng bata
Kaliwete ba ang inyong anak? Heto ang 4 tips para sa mga magulang na may left-handed child
5 signs na healthy ang friendship ng iyong kids sa kanyang mga friends
Ang pagkakaroon ng healthy na friendship ng anak ay makatutulong sa kanila upang maramdaman nilang konektado sila sa mundo. Marami ang nagiging benepisyo nito sa kanila kaya nga masayang makita na mayroong silang maayos na relasyon sa kaibigan. Para matulungang malaman kung ang friendship nga ba nila ay healthy, narito ang 5 signs na maaaring tignan:
- Pantay ang pagtingin ng bawat isa sa kanila. Ibig sabihin walang “boss” at walang “subordinate” sa grupo. Lahat may karapatang magsalita at makinig.
- Lahat ay masaya sa success ng bawat isa. Dapat din ay hindi present ang inggitan at hilaan pababa. Tignang mabuti kung ang mga kaibigan niya ba ay masaya rin sa kanyang success.
- Mapagkakatiwaalan na sabihin ng mga importanteng bagay sa kanyang bagay. Bilang kaibigan ang takbuhan maging sa problema, dapat ay naririyan sila upang genuine na tumulong at hindi manira lamang.
- Hindi nagkakaroon ng peer pressure sa grupo. Mahalagang mayroong respeto ang lahat sa desisyon ng bawat isa at hindi nagsasapilitan lalo sa hindi magandang gawain.
- Naririyan para sa isa’t isa. Hindi dapat sa ligaya lamang magkakaibigan sila, dapat ay naririyan din sila para sa iyong anak kung sakaling magkaroon ng problema. Ganoon din dapat ang relasyon ng iyong anak patungo sa kanila.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!