Ang inyo bang anak ay kaliwete? Naghahanap ka rin ba ng mga tips na maaaring makatulong sa iyo, lalo na sa inyong anak? Nandito ang ilang puwede mong sundin para sa inyong left-handed child.
Makikita mo rito ang mga sumusunod:
- Paano malalaman kung kaliwete ang anak?
- Tips para sa mga magulang na may anak na kaliwete
Paano malalaman kung kaliwete ang anak?
Para malaman kung ang iyong baby ay kaliwete, kinakailangan pang maghintay ng ilang taon. Sa mga unang buwan, ang mga sanggol ay parehong ginagamit ang kanilang dalawang kamay sa pag-abot ng mga bagay.
Sa paglaki ng mga bata, nagkakaroon na sila ng kakayahan na gumawa pa ng mas kumplikadong gawain. Mapapansin na ang mas madalas na paggamit sa isang kamay kaysa sa isa, ito ay nakikita kapag edad dalawa o tatlo na ang inyong anak.
May iba namang bata na nagpapakita ng ilang senyales ng pagiging kaliwete pagdating ng ika-18 nilang buwan. Ilan sa mga ito ay ang pag-abot sa pagkain o laruan, ginagawa niya ba ito gamit ang kaniyang kaliwang kamay?
Maaaring magpakita ito ng pagiging kaliwete ng bata, gayunpaman hindi ito tiyak. Kung kaya mas mabuting hintayin na lang ang ganap na paggamit ng bata sa kaniyang mga kamay, kadalasan ito ay nasa edad lima o anim na taon.
Larawan kuha mula sa Pexels
Tips para sa mga magulang na may anak na kaliwete
Base sa statistics, siyam sa sampung tao sa buong mundo ang sanay na gumamit ng kanilang kanang kamay. Dahil mayorya ang sanay sa kanang kamay, tila kakaunti lang tuloy ang mga gamit para sa mga taong kaliwete.
Dahil dito, sa papaanong paraan nga kaya makakatulong ang mga magulang sa kanilang mga anak na kaliwete?
Narito ang four tips na pwedeng gawin ng mga magulang para maka-adapt kaagad ang inyong mga anak na left-handed:
-
Purihin ang kanilang mga special traits at quality
Ang pagpupuri sa mga kakayahan ng mga batang kaliwete ay makatutulogn sa kanila. Maipaparamdam sa kanila na ang pagiging kaliwete ay isang biyaya. Ayon kay Daniel J. Sonkin, Ph.D., isang marriage at family therapist na isa ring kaliwete, ang kaniyang mga magulang ay sobrang supportive at ito ay nakatulong sa kaniyang development.
“I remember they were kind of proud of my left-handedness. They had an intuitive sense that it was connected to my creativity and that was something they valued.”
Kadalasan, kapag ang kaliwang kamay ay mas nagagamit kaysa kanan, ito ay nangangahulugang ang kanang bahagi ng utak ay dominante kaysa kaliwa, kung saan mas malakas ang intuition, emotion, imagination, creativeness at at holistic thinking.
Kung kaya, kapag ang inyong anak ay masining, malikhain at mapanlikha, maaari mo silang purihin.
-
Ipakilala sa anak ang iba pang tanyag na kaliwete
Ito ay para maramdaman nila na hindi sila nag-iisa at puwede silang mag-excel sa kung anong gusto nilang gawin. Maraming mga Pinoy na naging tanyag sa kanilang larangan bilang left-handed. Isa na diyan si eight-time world champion Manny Pacquiao. Ang isa pang atleta na nakilala globally ay ang bowling legend na si Paeng Nepomuceno. Isa rin siyang kaliwete.
Pagdating naman sa showbiz, ilang mga sikat na artista ang left-handed din tulad nina Vilma Santos, Alden Richards pati na rin ang celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado!
-
I-reorient ang iyong anak
Hindi dapat maging malaking gulo o abala sa pang-araw-araw na buhay ang pagiging kaliwete ng inyong anak. Subalit may ilang pagkakataon na makakaranas pa rin ito ng mga malilit na problema sa paga-adapt. Ang pagtatali ng sintas o pag-aaral ng mga dance steps ang ilan sa mga karaniwang task na hirap gawin ang mga bata.
Sa ganitong tagpo, maaari kang makatulong sa inyong anak sa pamamagitan ng pagpoposisyon ng iyong sarili katapat ng iyong anak, nang sa gayon ay maging ‘mirror’ ang iyong paggalaw.
Maaari ding palitan ang “’left’ at ‘right’ ng ibang directions gaya ng paggamit ng ‘kamay na malapit sa pinto’ o ‘lumakad patungo sa bintana’. Maaari ding gamitin ang ‘bunny ears’ method sa pagtatali ng sintas.
Hayaang magdesisyon ang inyong anak sa kung anong kamay ang kaniyang gagamitin. Ang pagre-reorient ng inyong anak ay makatutulong sa kaniyang abilidad na mag-adapt.
BASAHIN:
STUDY: Pagkakaroon ng older brother o sister, nakatutulong sa development ng baby
STUDY: Mahilig si baby sa magic? Clue daw ito kung magiging matalino siya paglaki
Kaliwete: 8 na bagay na hindi alam ng mga tao tungkol sa mga left-handed
-
Tingnan din ang kaniyang kakayahan sa sports
Pagdating naman sa sports, hindi lahat ng kaliwete ay gumagamit ng kanilang kaliwang kamay. Kung kaya, hindi natin marapat na asahan na sa gagawing pagpalo, pagpahagis, pagsalo o paglaro ay kaliwang kamay ang kanilang gagamitin. Kung kaya maganda na tingnan kung saan pa rin komportable ang anak kahit siya ay left-handed.
Ngunit pagdating sa sports, may advantage ang pagiging kaliwete dahil sanay na ang iba na makaharap ang mga katulad nilang right-handed.
Kapag bata pa ang anak, may kakayahan pa itong ma-develop ang paggamit sa kaniyang parehong kamay. At kung ano ang naisin nito at kung saan siya bihasa ay doon na dapat ito mag-stick.
Kung kaya mga nanay at tatay, laging tandaan na ang inyong presensiya at gabay ay mayroong malaking gampanin at tulong sa inyong mga anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!