X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Kaliwete: 8 na bagay na hindi alam ng mga tao tungkol sa mga left-handed

3 min read
Kaliwete: 8 na bagay na hindi alam ng mga tao tungkol sa mga left-handed

Heto ang ilang mga facts at kaalaman tungkol sa pagiging kaliwete na hindi lang informative, ngunit makakatulong rin sa mga magulang.

Noong nakaraang August 13 ay ipinagdiwang ang International Left Handers Day. Ito ang araw kung ipinagdiriwang ng mga tao ang kanilang pagiging kaliwete, at ang pagiging unique nito.

Bagama't noong unang panahon pa lang ay alam na nating may mga tao na kaliwete, hanggang ngayon ay hindi pa rin natin alam ang dahilan kung bakit ito nangyayari.

Ngunit mayroong mga nadiskubre ang mga neuroscientists na interesting na facts tungkol sa mga kaliwete.

8 Bagay na dapat mong malaman tungkol sa pagiging kaliwete

1. Mayroong 708 million na kaliwete sa buong mundo

Napag-alaman ng mga researchers na nasa 9.2 percent ng population ang kaliwete. Ibig sabihin, kung 7.7 billion ang population ng buong mundo, mayroong 708 million na kaliwete sa buong mundo.

2. Kadalasan, mga lalaki ang kaliwete, kumpara sa mga babae

Base rin sa mga pag-aaral, mas mataas ng 2% ang posibilidad na maging kaliwete ang mga lalake kumpara sa babae. Hindi pa rin alam ang dahilan sa likod nito, ngunit sa tingin ng mga scientist ay mayroong kinalaman ang society, pati na ang hormones ng isang tao.

3. Pati mga aso at pusa ay puwedeng maging kaliwete

Sino nga ba ang mag-aakala na puwede palang maging kaliwete pati na ang mga aso at pusa? Pinag-aralan ng mga researchers kung saan mas komportable ang mga aso at pusa sa paw na ginagamit nila, at napag-alaman na 36-46% ng mga pusa ay left-pawed, at sa aso naman ay 31-53% ay left-pawed.

4. Madalas ay mas mahusay sa sports ang mga kaliwete

Alam niyo ba na kadalasang mas bihasa sa sports ang mga kaliwete? Pagdating sa mga sports na mayroong mga bola, pati na sa mga combat sports, mas bihasa raw ang mga kaliwete.

Ito ay dahil mas sanay ang mga tao na kumakalaban ng mga hindi kaliwete, kaya't nabibigla sila sa galaw at diskarte ng mga kaliwete.

5. Posibleng may kinalaman ang genes sa pagiging kaliwete

Ngayong taon lang ay napag-alaman ng mga scientist na mayroong isang grupo ng genes na kung tawagin ay MAP2, ang responsable sa pagdevelop ng nerves sa utak. Posible raw na mayroon rin itong papel sa pagiging kaliwete ng isang tao.

6. Ngunit hindi lang genes ang responsible para dito

May isa pang pag-aaral ngayong 2019 lang ang nagsabi na may epekto raw ang lugar kung saan ipinanganak, birthweight, kailan ipinanganak, breastfeeding, at sex ng isang tao kung siya ay magiging kaliwete o hindi.

Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga scientists na ipaliwanag kung bakit nagiging kaliwete ang mga tao.

7. Madalas ay malalaman no na kung kaliwete o hindi ang isang bata sa edad na 3

Kapag 3-taon na ang iyong anak ay malaki ang posibilidad na malalaman mo kung siya ay kaliwete o hindi. Ngunit posible rin na kaliwete sila ngunit ibang kamay ang ginagamit nila para sa iba-ibang mga gawain.

Ibig sabihin nito, nagbabago talaga at nag-aadjust ang utak ng mga tao kung magiging kaliwete ba sila o hindi.

8. Mayroon ding tinatawag na left-footedness

Alam niyo ba na mayroong mga tao na kaliwete, ngunit right-footed sila? Mayroon ding mga tao na right-handed, pero left-footed.

Ibig sabihin, pati sa mga paa ay may pinipiling dominant na foot, at hindi ito automatic na kaparehas ng dominant na kamay.

Ang footedness ay nakabase sa kung anong paa ang unang ihinahakbang, pati na rin kung anong paa ang ginagamit ng isang tao para sumipa ng bola, etc.

 

Source: Psychology Today

Basahin: 8 brain exercises na pampatalino

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Kaliwete: 8 na bagay na hindi alam ng mga tao tungkol sa mga left-handed
Share:
  • 8 bagay na hindi mo dapat sabihin sa mga magulang ng only child

    8 bagay na hindi mo dapat sabihin sa mga magulang ng only child

  • Makalumang parenting advice na hindi na dapat sundin ng mga magulang

    Makalumang parenting advice na hindi na dapat sundin ng mga magulang

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • 8 bagay na hindi mo dapat sabihin sa mga magulang ng only child

    8 bagay na hindi mo dapat sabihin sa mga magulang ng only child

  • Makalumang parenting advice na hindi na dapat sundin ng mga magulang

    Makalumang parenting advice na hindi na dapat sundin ng mga magulang

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.