X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Pagkakaroon ng older brother o sister, nakatutulong sa development ng baby

4 min read
STUDY: Pagkakaroon ng older brother o sister, nakatutulong sa development ng baby

Alamin din dito ang mga puwedeng gawin para maiwasan ang pag-aaway ng mga magkakapatid.

Napag-alaman ng mga eksperto sa bagong pag-aaral na ang pagkakaroon ng older siblings ay may magandang epekto para mabawasan ang stress ni baby. Nakatutulong rin ito para maging healthy ang development ng sanggol.

Mga mababa sa sa artikulong ito:

  • Epekto ng older siblings kay baby
  • Paano nga ba magiging healthy ang relasyon ng magkakapatid?

Epekto ng older siblings kay baby

epekto ng older siblings

Larawan kuha mula sa Pexels

Sa kahit anong edad maaari pa ring makaranas ng stress at hindi ligtas ang mga bata na magkaroon nito. Isa sa maaaring pagmulan ng stress sa murang edad ay ang “maternal stress.” Ito ay tumutukoy sa stress na nararanasan ng ina habang siya ay nagbubuntis dulot ng iba’t ibang dahilan gaya ng family problem, malnutrition, at iba pang problema.

Ang pagkakaroon nito ay mayroong malaking dulot sa sanggol na kanyang dinadala kahit pa fetus pa lamang ito.

Nadi-develop ang maraming skills tulad ng social, emotional, at cognitive skills sa murang edad pa lamang ng mga bata. Makatutulong ito sa kanila later on sa future para mas mapabuti ang kanilang everyday lives.

Kaya nga kung nasa sinapupunan pa lamang ang baby at stress na ang ina mayroong negative at long-term na consequence ito sa kanilang development at health.

Sa isang pag-aaral mula sa researcher ng Helmholtz Centre for Environmental Research (UFZ), MPI for Evolutionary Anthropology (MPI EVA), Leipzig University (UL), at German Centre for Integrative Biodiversity Research (iDiv), nakita nila kung ano ang benepisyo ng pagkakaroon ng mga kapatid upang makabawas sa stress.

Inalam nila mula sa 373 pairs ng ina at anak ang tatlong tanong na nais nilang makita ang resulta sa loob ng sampung taon. Una, inalam nila kung ano-anong factors ang maaaring makaapekto sa maternal stress ng ina habang nagdadalang-tao.

Pangalawa, tinignan din nila ang long-term na consequences nito sa child behavior later on. Ang huli ay sinilip din nila ang maaaring epekto ng pagkakaroon ng mga kapatid kung mapauunlad ba nito ang psychological well-being ng isang baby.

Sa kanilang pag-aaral, dito nila nakitang malaki ang factor ng maternal stress sa bata. Ang factors like pag-aalala ng ina, pagkawala ng gana, at iba pang socio-environmental stressors ay mayroong epekto sa behavioural aspect ng bata sa edad na 7, 8 at 10 taong gulang.

Ayon sa isang researcher, nangangahulugan lamang ito na kahit pa mild lang ang stress na nararanasan ng ina ay mayroon pa ding epekto sa behavior ng bata sa paglagpas niya sa toddler age.

Sa kabila nito, nalaman naman nilang ang pagkakaroon ng kapatid ay nakatutulong sa development ng bata. Kaya naman mahalaga ang role na ginagawa ng mga nakatatandang kapatid para sa mga bunso ng kanilang pamilya.

epekto ng older siblings

Larawan kuha mula sa Pexels

“Children who have older brothers or sisters in their households are less likely to develop problems, which suggests that siblings are crucial to promote a healthy child development.”

Sa pamamagitan daw kasi ng interaction ng magkakapatid ay mas nade-develop ang skills tulad ng problem-solving, emotional, at perspective taking. Mas nagkakaroon din daw ng social competence at mas magandang pag-intindi sa aspeto ng emotional ang mga batang may ate o kaya kuya.

“We were especially impressed by the important role that siblings appear to play for a healthy child development.” 

“We hope that our findings will draw attention to the importance of public health policies that directly target children and their siblings, and promote a healthy environment for their well-being and the development of high-quality sibling relationships.”

Ayon naman kay Anja Widdig, isang professor mula sa University of Leipzig.

BASAHIN:

Stressed habang buntis? Ito ang maaaring maging epekto nito kay baby

STUDY: Mga bata nababawasan ang stress kapag malapit sa garden, mapupunong lugar

7 breathing exercises for children that can help them de-stress and feel relaxed

Paano nga ba magiging healthy ang relasyon ng magkakapatid?

epekto ng older siblings

Larawan kuha mula sa Pexels

Hindi naiiwasang nagkakaroon ng pag-aaway ang magkakapatid. Ang mga away na ito ay dapat mga small fights lamang at hindi nauuwi sa matagalang hindi pag-uusap. Kung mas madalas na silang nag-aaway, maaaring subukan ang ilang tips na ito upang makapag-build sila ng stronger bond sa isa’t isa.

  • Iwasang ikumpara ang magkakapatid sa isa’t isa. Madalas na pinagmumulan ng away magkapatid ay ang selos na mula sa magulang. Huwag silang ikumpara at subukan na lang purihin sila sa iba’t ibang field na mahusay sila.
  • Ipaalala sa kanila ang kahalagahan nilang magkakapatid hindi lamang ngayong bata pa sila, kundi pati sa kanilang pagtanda.
  • Parating magbigay ng time for your family bonding upang mas maging close at makabuo ng maraming memories together.
  • Alamin kung ano ang madalas na pinag-aawayan ng magkapatid. Para matigil ang madalas nilang pagbabangayan, tulungan sila resolbahin ito.

Science Daily, Very Well Family

Partner Stories
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • STUDY: Pagkakaroon ng older brother o sister, nakatutulong sa development ng baby
Share:
  • Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

    Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

  • Getting to know your 5 week old newborn baby

    Getting to know your 5 week old newborn baby

  • Lovely Abella ipinanganak na ang panganay nila ni Benj Manalo: “Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda”

    Lovely Abella ipinanganak na ang panganay nila ni Benj Manalo: “Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda”

  • Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

    Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

  • Getting to know your 5 week old newborn baby

    Getting to know your 5 week old newborn baby

  • Lovely Abella ipinanganak na ang panganay nila ni Benj Manalo: “Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda”

    Lovely Abella ipinanganak na ang panganay nila ni Benj Manalo: “Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko