Kung napapansin mong stressed ang inyong mga bata na anak lately, baka kailangan niyo nang i-try na bumuo ng garden o magtanim ng mga halaman dahil nakakakatulong daw ito ayon sa experts.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Bakit naii-stress ang bata?
- STUDY: Mga bata nababawasan ang stress kapag malapit sa garden, mapupunong lugar
Bakit naiistress ang bata?
Tulad ng marami sa ating mga adults, kahit pa madalas na puro laro ang mga bata, hindi rin maiiwasan na sila ay mai-stress. Ito ay dahil marami ring factors na nagdudulot ng negatibong emosyon sa inyong mga anak.
Mahalaga sa mga magulang na malaman kung bakit, papaano, at kailan nakakaramdam ng stress ang kanilang mga anak. Isa kasi sila sa pangunahing makakatulong sa bata bukod sa mga health professionals.
Iba-iba ang response ng bata sa bawat problemang kinahaharap o nakapaligid sa kanilang environment. Nakadepende ito sa kanilang edad, coping mechanisms, o kaya naman ang indibidwal na mga personalidad.
Kadalasang nakukuha ang stress dahil sa mga negatibong pangyayari sa buhay nila. Mas sensitive sila sa adults kaya kahit maliliit na kaganapan ay maaaring makapagpa-trigger ng stress sa kanila.
Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit naiistress ang mga bata:
- Labis na pag-aalala sa kanilang home works o grades
- Pagsasabay-sabay ng mga gawain sa kanilang school at iba pang aktibidad
- Problema sa kanilang kalaro o kaibigan
- Pagkaranas ng bullying o kaya naman ay peer pressure
- Pagbabago ng katawan habang tumatanda
- Pagtira sa hindi ligtas na tahanan o kapaligiran
- Pagkakaroon ng broken family
- Pagkaranas ng pinansyal na problema
- Pag-iisip palagi ng mga negative thoughts
Para naman malaman kung stress na ang anak mo, ito ang ilan sa maaaring ikonsidera:
- Parating pagsakit ng ulo
- Pagkakaroon ng bangungot
- Naiihi sa kama tuwing natutulog
- Pagbabago sa eating habits
- Hindi maayos na pagtulog
- Pagkasira ng tiyan
- Iba pang pisikal na sintomas
- Walang kakayahang magrelax
- Labis-labis na emosyon
- Pagkakaroon muli ng takot
Kung nakikitaan mo na ang mga sintomas na ito sa iyong anak kinakailangan nang gumawa ng hakbang upang siya ay matulungan.
BASAHIN:
Sobra mo bang pinupuri ang katalinuhan ng iyong anak? Dapat itong iwasan, ayon sa mga expert
Baby food 101: The basics all moms and dads should know!
Does your child baby talk? Here’s what experts say about its effects
STUDY: Mga bata nababawasan ang stress kapag malapit sa garden, mapupunong lugar
Larawan kuha mula sa Pexels
Isa sa alternatibong paraan upang matulungan ang anak na mabawasan ang stress ay ang pagbubuo ng garden o paglapit sa kanila sa mapupunong lugar, ayon sa experts. Pinag-aralan ng Barcelona Institue for Global Health (ISHGlobal) ang relasyon ng iba’t ibang green spaces sa oxidative stress ng mga bata.
Sa pag-aaral, tiningnan nila ang 323 healthy na bata na may edad 8 hanggang 11 taon. Hinayaan nilang sagutan ng mga magulang ng bata ang questionnaire tungkol sa kung ang anak ba nila ay nag-eengage sa iba’t ibang physical activities. Inalam din nila ang oxidative stress ng bata sa pamamagitan ng pagsukat sa concentration ng compound isoprostate sa ihi nila.
Mayroong iba’t ibang explanation ang mga researchers ukol dito. Ipinaliwanag ito ng author at head ng Non-Communicable Diseases and Environment Programme sa ISGlobal na si Judith Garcia-Aymerich.
Ayon sa kaniya, ang paglapit sa mga bata sa mga garden ay makakatulong para makakuha sila ng bitamina upang malabanan ang stress.
“Firstly, increased exposure to these areas may contribute to children’s immune development by bringing them into contact with organisms that tend to colonise natural environments.”
“Second contact with green spaces can increase vitamin D synthesis due to ultraviolet radiation from sunlight. Vitamin D acts as an antioxidant that prevents the negative effects of oxidative stress and inflammation.”
“Finally, vegetation improves air quality in urban areas.”
Essenyal sa buhay ng tao ang oxygen upang mapanatili tayong buhay. Kaya nga maraming pag-aaral na tulad nito ang inaalam kung ang mga green spaces ba ay may positibong epekto sa kalusugan. Kaya nga ayon kila Garcia-Aymerich,
“The short- and long-term health effects of excess oxidative stress are unknown, so we need to conduct further research and support city and public-health strategies that favour greenness.”
Nagbigay ng mungkahi ang mga mananaliksik na kinakailangang suportahan ang siyudad na magkaroon ng maraming puno at halaman. Nais din nilang magkaroon ng iba’t ibang strategies upang mas maging green ang maraming pampublikong lugar.
Sa kabuuan, napag-alaman nilang ang exposure sa vegetation ay nakakababa ng levels ng oxidative stress at inobserbahan nila ito regardless sa physical activity ng bata.
Para sa mga magulang na sa tingin nila ay naii-stress ang kanilang anak, maaaring bumuo ng simpleng garden. Kung may maliit na bakuran pwedeng dito simulang magtanim ng halaman.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!