Ang pagpuri sa mga bata bilang sila ay smart o matalino ay maaaring magdulot ng masamang epekto para sa kanilang mindset. Heto ang pananaw ng mga eksperto ukol diyan.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Labis na pagpuri sa pagiging smart ng bata maaaring may masamang epekto sa kanya
- Tips para sa tamang pagpupuri sa anak
Labis na pagpuri sa pagiging smart ng bata maaaring may masamang epekto sa kanya
Pagpuri sa pagiging smart ng bata maaaring may masamang epekto sa kanya | Larawan kuha mula sa Pexels
Karamihan ng mga magulang gustong kino-compliment o pinupuri ang kanilang anak sa tuwing ito ay may napagtatagumpayang gawin. Of course, gusto nating bumilib at magkaroon sila ng tiwala sa sarili nilang kakayanan.
Nakikita kasi natin na masaya sila sa tuwing nabibigyan recognition. Sa mga papuring ito, ano-ano nga ba ang maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kanila kalaunan?
Sa ayaw man o sa hindi ng mga magulang, may limitasyon ang pagbibigay ng compliment sa mga bata.
Ayon sa mga eksperto, nakita nila sa kanilang mga pag-aaral na mayroong negatibong epekto ang pagtawag sa bata na smart, genius, o matalino.
Napag-alamang ang mga madalas na tinatawag ng ganito ay dumedepende na parati sa kanilang performance. Ibig sabihin, nababawasan ang kanilang interes sa pagkatututo sa proseso.
Sa panahon din daw ng pagkatalo, nauuwi ang ganitong mga bata sa pagsisisi sa sarili kung bakit hindi sila matalino at hindi nila napagtagumpayan ang isang bagay. Ang nagiging resulta, pinipili na lamang nilang sumuko kaysa sumubok pa.
Isang negatibong epekto pa nito ay may tendency ang mga batang palaging pinupuri sa pagiging matalino na mandaya. Base sa kanilang obserbasyon, nararamdaman kasi ng mga ito ang labis na pressure para mapanatili ang ganitong pagtingin sa kanila.
Gusto nilang parating consistent o kaya ay pataas pa ang mga papuring kanilang naririnig. Nati-trigger din daw ang cheating behavior nila sa tuwing nakakarinig na may pinupuring bata na katulad sa natatanggap nila.
Purihin ang bata sa kanilang hardwork at effort kaysa sa pagiging “smart” | Larawan mula sa Pexels
Kaiba sa pagpupuri gamit ang kanilang katalinuhan, sa pagpupuri naman sa bata dahil sa kanilang hard work o ang effort nila kung bakit nila nagawa ang bagay ay may positibong epekto.
Ang mga bata kasing nakakatanggap ng papuri sa dahil sa kanilang sipag at tiyaga ay mas lalong nagsusumikap sa tuwing makakaranas ng pagkatalo.
Kabaligtaran sa batang nasasabihan ng matalino, mas nagiging consistent ang kanilang pagbibigay ng atensyon na magperform nang maayos. Mas motivated din ang ganitong mga bata na matuto at galingan pa.
BASAHIN:
4 signs na strong ang connection niyo ng iyong anak
3 parenting mistakes kaya nai-invalidate natin ang feelings ng ating mga anak
Rason kung bakit hindi magandang laging suhulan ang anak para mapasunod siya ayon sa mga experts
Tips para sa tamang pagpupuri sa anak
Tips para sa tamang pagpupuri sa anak | Larawan kuha mula sa Pexels
Hindi nangangahulugang hindi na dapat binibigyang papuri ang mga anak. Kinakailangan din nila ito para malaman nilang sila ay naa-appreciate at nakikitaan ng kahusayan sa mga bagay. Maganda ang magiging impact din kasi nito sa relationship ng parents at kids.
The more na nararamdaman nilang nagugustuhan ng magulang nila ang kanilang ginagawa, the more na gagalingan pa nila. Ito ang ilang tips para mabigyan ng tamang papuri ang inyong anak:
1. Iwasan ang kahit ano mang labels sa pagko-compliment
Tulad ng pagtawag sa kanila ng pagiging smart, iwasan din na sila ay purihin sa mga labels na tumutukoy sa kanilang abilidad. Halimbawa na lang diya ay ang pagiging creative, artistic, o kaya naman ay talented. Napag-alaman sa pag-aaral na hindi maganda ang epekto nito sa kanilang motibasyon at pagiging consistent sa mga bagay.
2. Kilalanin ang tagumpay sa pamamagitan ng kanilang sipag at tiyaga
Para masigurong naa-appreciate pa rin ang anak at the same time may magandang epekto pa rin ito, subukang purihin sila sa kanilang hard work. Mas mainam na sila ay napupuri sa kanilang effort kung bakit nila nagawa ang isang bagay.
Maaari rin namang mapuri rin ang kanilang focus sa isang task. Ito ang ilan sa mga halimbawa:
|
Mga hindi dapat na papuri |
Mga dapat na papuri |
“Ang ganda. Napakatalino mo talaga!” |
“Ang husay ng ideya mo para matapos mo ang iyong task.” |
“Sobrang galing mo talaga sa subject na English.” |
“Nagustuhan ko kung paano mo binubuo at pinipili nang maayos ang mga salitang ginagamit mo sa sinusulat mo.” |
“Ang talented mo pala talaga sa pagsaya at pagkanta.” |
“Nakakatuwa na matiyaga mong inaaral kung paano mo pa mapapaunlad ang kaalaman mo sa pagsayaw at pagkanta. “ |
3. Iwasang tawagin din ang ibang bata sa papuring smart o matalino
Para hindi na rin maranasan ng ibang bata ang ganitong sitwasyon, iwasan din sila purihin sa pamamagitan nito. Napag-alaman din na hindi maganda ang epekto ng pagtawag sa ibang bata ng smart para sa iyong anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!