X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

3 parenting mistakes kaya nai-invalidate natin ang feelings ng ating mga anak

4 min read
3 parenting mistakes kaya nai-invalidate natin ang feelings ng ating mga anak

Unintentionally nasasaktan ng magulang ang anak. Ito ang parenting mistakes na maaaring makapag-invalidate ng feelings ng mga bata.

May mga pagkakataong nai-invalidate ng parents ang feelings ng kanilang mga anak. Madalas ito ay unintentional kaya hindi nila alam na naooffend ang mga bata dito. Alamin kung ano-ano ang parenting mistakes na maaaring makapag-invalidate ng nararamdaman ng inyong anak.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • 3 parenting mistakes kaya nai-invalidate natin ang feelings ng ating mga anak
  • Mga kadalasang mali kaya nasasaktan ang feelings ng bata

3 parenting mistakes kaya nai-invalidate natin ang feelings ng ating mga anak

Sa pagbibigay kahulugan, ang invalidation ay ang proseso ng pagdedeny, pagre-reject o pagdi-dismiss ng nararamdaman ng isang tao. Ang taong nakararanas ng pag-iinvalidate ay maaaring makaramdam ng unacceptable na emotional experience.

Maraming factors ang maicoconsider kung bakit nagkakaroon ng invalidation. Sa mga magulang kadalasang unintentional nila itong nagagawa.

Sa kanilang pagkakaalam ito ang tama kaya nasasabi nila sa mga anak. Ang isip ng bata ay very sensitive dahil innocent at naive pa. Para malaman kung ano-ano ang parenting mistakes na maaaring makapagpa-invalidate sa feelings ng bata, inilista namin ito:

1. Hindi pag-intindi sa perspective ng bata

Mahalaga ang paglagay ng sarili sa sitwasyon ng anak. Kadalasang nangyayari kasi ay inihahambing palagi ang personal na karanasan sa karanasan ng bata.

Hindi dapat laging ganito, dahil nag-iiba ang panahon at gusto ng bawat indibidwal. Nalilimutang may sariling pasya at hilig din ang anak na kaiba sa inyo.

Halimbawa na lamang ay kung noong pagkabata mo ay mahusay ka sa subjects na Mathematics at Science, hindi pwedeng ipilit din sa anak na dapat ay magaling din siya doon.

Maaari kasing may iba siyang hilig tulad ng Arts and Music. Sa pagpupumilit nito may tendency na hindi niya mapaunlad ang tunay na talento at hindi maging masaya sa ginagawa.

feelings ng bata

Larawan mula sa Shutterstock

2. Pagpupumilit iwasan ang takot at anxiety

Isa sa common na kamalian ng parents ang ang pagpupumilit sa anak na iwasan ang takot at anxiety. Ipinapantay sa kanilang kakayahan ang kakayahan din ng anak. Kadalasan, kung may karanasan ang mga magulang na

Halimbawa ay pinagsasabihan ang anak na huwag matakot sa mga numero at magiging magaling din siya sa Math tulad mo noon. Walang mali sa kagustuhang maigpawan ng anak ang takot, ngunit mali na magkaroon ng labis na expectations na kailangan nilang maabot.

3. Hindi pag-acknowledge sa kanilang nararamdaman

Madalas ding parenting mistake ang hindi pag-acknowledge sa nararamdaman ng bata. Hindi pinakikinggan kung ano ang mga sinasabi hinggil sa takot na nararamdaman ng anak. Kung minsan pa, ay pinipilit ang mga bagay kahit sinabi na niyang hindi siya komportableng gawin.

Halimbawa ay minsan nang binanggit ng anak na hindi siya masaya sa pagsali sa mga contest na may kinalaman sa Math at Science.

Ayon sa kanya mas gusto niyang sinasalihan ang mga singing contest at dance contest. Sa kabila ng pagsasabi niya nito ay sinabihan mo lang siyang, “Makakaya mo rin ‘yan.”

BASAHIN:

Parating galit ang bata? 4 na paraan para malaman kung anxiety ito

Matatakuting bata ang anak? Subukan ang 5 tips na ito para sa kanya

4 basic anger expressions para matulungan na i-manage ang galit ng bata

Mga kadalasang mali kaya nasasaktan ang feelings ng bata

feelings ng bata

Mga kadalasang mali kaya nasasaktan ang feelings ng bata

Hindi dahil kinasanayan ay iyon na ang tama. Ang mga akala ng magulang na ayos lang sa tuwing nasasabi sa anak ay hindi parating ayos sa magiging impact nito sa kanila. Marami pa ring unintentional na nagagawa ng parents kaya naiinvalidate ang feelings ng anak. Ang ilan sa mga ito ay:

  • “Okay lang iyan!” Sa tuwing may hindi sila komportable gawin ang isang bagay.
  • “Takot din ako diyan dati pero bakit kinaya ko naman?” Sa tuwing may kinatatakutan silang gawin at pinipilit na gawin nila.
  • “Huwag ka ngang maging madrama diyan!” Sa tuwing nagsasabi ng kanilang emosyunal na nararamdaman.
  • “Huwag mo na kasi isipin iyon.” Sa tuwing may bumabagabag sa kanilang isipan at parating nag-aalala.
  • “Tignan mo, sabi naman sa’yo hindi naman gaanong nakakatakot.” Sa tuwing ginagawa nila ang mga bagay na pinilit niyo sila.
feelings ng bata

Larawan mula sa Shutterstock

Para maiwasan ang mga katagang ito, maaaring sa ganitong paraan na lang sabihin:

  • “Maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit ka hindi komportable sa gawin ang bagay na ito? Baka makatulong ako.”
  • “Nauunawaan kong nakakatakot nga iyan. Naalala ko noong una ay ganiyan din ako katakot.”
  • “Bakit ka nagiging emosyunal ngayon? Okay lang ba saiyong i-share ang dahilan?”
  • “Maaari mong sabihin sa akin kung ano pa ang mga naiisip mo para naman gumaan ang iyong nararamdaman.”
  • “Sabihin mo sa akin kung sobra kang takot gawin ito para hindi na natin itutuloy.”

PsychologyToday

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 3 parenting mistakes kaya nai-invalidate natin ang feelings ng ating mga anak
Share:
  • 5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

    5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

  • 7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

    7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

  • May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

    May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

  • 5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

    5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

  • 7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

    7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

  • May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

    May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.