Kalakhan sa mga bata ay hirap kumontrol ng kanilang mga emosyon. Kung masaya ay sobrang nagliligalig. Kung galit ay sobra ring magwala.
Dito papasok ang tungkulin ng mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak na kontrolin ang ganitong emosyon. Alamin sa artikulong ito kung paano nga ba matutulungan ang mga anak na i-manage ang kanyang galit.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang galit?
- 4 basic anger expressions para matulungan na i-manage ang galit ng bata
Ano ang galit?
Ang galit ay normal na nararamdaman ng halos lahat ng tao sa mundo. Matanda ka man, kabataan o maging ang mga bata. Ito ay nangyayari kung sakaling nakararamdam o nakararanas ng frustration, disappointment at iba pang hindi kinasasang-ayunan na pangyayari. Ang emosyon din na galit ay maaaring mild, medium, at intense.
Sa kabilang banda, kahit pa normal ang galit ang paraan naman ng pag-e-express nito ay diverse. Dito makikita kung paano kinokontrol ng tao at mina-manage ang kanyang mga sobra-sobrang emosyon.
Para matulungan ang bata sa pagkontrol ng kanyang galit, mainam na alamin ang 4 basic anger expression:
Larawan mula sa Shutterstock
4 basic anger expressions para matulungan na i-manage ang galit ng bata
1. Aggression o pananakit
Ang expression na tinatawag na “agression” ay ang mga impulsive na reaksyon. Ito ay ang mga hindi planado o basta-bastang pagtugon sa nararamdamang galit.
Kung sa pisikal ang pag-uusapan, ito ay kadalasang ang akto ng panununtok, paninipa, pananampal at iba pang pananakit. Kung sa verbal, ito ay ang pagbabanta, pagtawag sa kung ano-anong pangalan at pagsasabi ng below the belt na mga salita.
Halimbawa ay naglalaro ang iyong anak kasama ang kanyang mga kaibigan ng patintero. Kahit hindi niya pa sinasabi ang salitang “game” na signal para magsimula ang laro ay tinaya na siya.
Nagalit siya at sinigiwan ang kalaro tyaka ng “Ayoko na! Kayo na lang maglaro!” Matapos ay sinuntok naman niya sa braso ang tumaya sa kanya.
BASAHIN:
Bakit hindi ka dapat galit sa tuwing pinagsasabihan ang iyong anak? Ito ang paliwanag ng eksperto
7 parenting mistakes kaya madali kang nagagalit sa anak mo
Mainitin ang ulo at madaling magalit mula ng manganak? Maaaring senyales na ito ng postpartum rage
2. Passivity o pagsasawalang bahala ng galit
Ang expression naman na tinatawag na “passivity” ay kung ang isang tao ay nararamdamang ang kanilang pangangailangan ay hindi ganoon ka importante tulad ng sa ibang tao. Hinahayaan nilang hindi na pakinggan o pansinin pa ang kanilang hinaing at karapatan.
Halimbawa ay sa paglalaro ng habulan ng iyong anak, kahit pa hindi pa nagsisimula ang laro ay tinaya na siya. Mauuwi ito sa hahayaan na lang niya ang nangyari.
Ganito ang gagawin niya para hindi tumigil sa pakikipaglaro ang kanyang mga kaibigan kahit pa tama naman ang kanyang punto.
3. Passive-Aggresive o pagkimkim ng galit
Larawan mula sa Shutterstock
Ang expression na tinatawag na “passive-aggresive” ay mga sinasadyang tugon sa galit pero ito ay hindi hayag o tinatago sa ibang paraan. Kasama dito ang iba’t ibang behaviors na pinlano para makaganti ngunit hindi lantarang pinapakita ang kinimkim na galit.
Halimbawa pagkataya sa iyong anak sa larong patintero ay nag-amok siya. Pumayag siyang taya na ang kanilang grupo ngunit nagpapakita ng kawalang ganahan sa mga kaibigan.
Sinabi niya ring wala namang mali at hindi siya galit nung tinanong siya ng mga ito kung bakit bigla na lang nawalan ng sigla sa patintero.
4. Assertiveness
Ang expression na ang tawag naman ay “assertiveness” ang pinakamainam na tugon sa galit. Ang style kasi na ito ay ginagamit upang ipakita ang galit sa verbal na paraan ngunit hindi marahas.
Dito ipinapaliwanag ang dahilan ng galit nang walang paninisi at sa may respetong paraan. Ito ay ang pag-amin sa tapat ng paraan ng pakikipag komunikasyon kung ano ang nais nilang mangyari upang mawala ang galit nang hindi natatapakan ang karapatan ng iba.
Halimbawa ay upang malaman ang kanyang pagkadismaya dahil sa nataya siya kahit wala pang simula ay kinausap niya ang mga kalaro.
Sinabi niyang hindi ito patas dahil wala pa naman ang signal at hindi pa siya handa pero siya ay nataya na. Ipapaliwanag niya rin na kung maaari sana ay magsimula ulit para maging patas na sa dalawang grupo.
Larawan mula sa Shutterstock
Ang apat na basic anger expressions na ito ay maaaring ipaliwanag sa bata sa murang edad pa lamang. Sa ganitong paraan kasi ay nasasabihan silang sa kung ano ang mga maaaring mangyari sa bawat pagtugon nila.
Maaari mo silang maturuan bumuo ng constructive choices kung sila ay kakausapin parati hinggil sa pagmamanage ng emosyon.
Pwedeng makatulong ang pag-rorole-playing ng mga scenario para kung sakaling maranasan nila ay alam na nila ihandle. Sa palagiang pagpapaalala ay matututunan din ng iyong anak ang effective na paghandle ng galit niya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!