Napapansin mo bang matatakutin ang anak mo? Kumbaga ay hirap siyang mag-explore ng mga bagong bagay dahil sa pagiging anxious niya? Baka kailangan mo nang gawin ang 5 tips na ito para sa kanya.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Rason kung bakit matatakunin ang anak
- 5 tips para maturuan ang anak na magkaroon ng lakas ng loob
May mga bata talagang nagiging matatakutin, lalo na sa nagdaang pandemya. Sa unti-unting pagbubukas ng ating bansa mula sa mga COVID-19 restrictions, tila maraming bata ang naging ilag o takot sa mga tao. O sa mga bagay sa labas na hindi niya nakasanayan sa nakalipas na dalawang taon.
Inilista namin ang ilang tips para matulungan ang inyong anak para magkaroon siya ng lakas ng loob at hindi maging matatakutin. Ito ay ang mga sumusunod:
5 tips para maturuan ang anak na magkaroon ng lakas ng loob
1. Huwag i-invalidate at bigyan kaagad ng judgemet ang kanyang mga nararamdaman.
Ang huling bagay na dapat ginagawa mo bilang magulang ay hindi irecognize ang nararamdaman ng iyong anak. Kailangan niya ng masasabihan at kapwa maiintindihan kung bakit mahina ang loob niyang sumubok ng mga bagay.
Hindi rin dapat hinuhusgahan ang anak kung bakit ganito ang kanyang kilos at gawi. Ang pinakamainam ay maging numero unong kasangga niya.
Maaaring subukang kausapin siya sa paraang, “Alam ko na nag-aalinlangan ka pang sumali sa art club. Napapansin ko na ito iyong bagay na sobrang mahal at gusto mong gawin. Gusto mo sabay nating pag-usapan kung paano ka makakasali sa grupo?”
Sa ganitong paraan, mararamdaman niya na alam mo ang kanyang hinanakit at the same time gusto mo rin siyang suporthan.
Larawan mula sa Shutterstock
2. Hayaang siyang mauna nang maghanda at magpraktis.
May tendency na hindi ipakita ng mga batang anxious ang kanilang full potential at kakayahan kung maraming tao. Maaaring hindi nila magawa sa naaayon o base sa totoo nilang galing dahil sa takot at kaba.
Sa mga ganitong pangyayari, ang magandang gawin diyan ay hayaan siyang mauna nang maghanda upang makapagpraktis.
Halimbawa, kung mayroong aktbidad ang art club sa kanilang klase ihanda ang iyong anak. Sabihan siyang ihanda ang mga kailangan niya at mag-review siya. Sabihan din siya na huwag matakot dahil kayang-kaya niyang mag-present.
Sa ganitong para kasi nararamdaman ng bata na may control siya sa mga bagay at tataas ang kanyang self-confidence.
3. Magkaroon ng matibay na komunikasyon.
Dahil sa gusto ng bata na naiintindihan at naririnig siya, mainam na patibayin ng komunikasyon ninyong dalawa. Iparamdam sa kanya na safe at tama lang na nagsasabi siya ng kanyang mga hinanakit sa iyo dahil pakikinggan mo ito nang walang halong panghuhusga.
Sa mga kaganapan lalo kung napupuno ng tao ay maaaring tanungin siya kung anong gusto niyang gawin. Mayroon kasing mga bata na ayaw munang mag-engage sa simula.
Mas mainam sa kanila ang mag-obserba upang malaman nang maayos kung ano ba ang dapat na ginagawa. May ilan na hindi muna gustong makita harapan ang ganap bagkus ay magbabasa-basa muna tungkol dito.
Nasa sa kanya ang pasya kung saang set-up siya mas komportable kaya magandang mayroon kayong maayos na pag-uusap. Halimbawa ay gusto nuna niyang magpag-isa at mag-isip. Hayaan siyang gawin ito para may ideya na siya bago pa man pumasok.
Larawan mula sa Shutterstock
BASAHIN:
5 reasons kung bakit kailangan bigyan ang bata ng panahon para maglaro
Masungit na bata ba ang anak mo? 6 ways para tulungan siyang mas maging mabait
4 na bagay na dapat ituro sa bata para hindi siya ma-bully
4. Ipaliwanag ang mga bagay sa kanya sa paraang mauunawaan niya.
Maaaring ipaliwanag sa kanya na ang utak ng tao ay mayroong iba’t ibang parte. Mayroong parte ang utak na parating nag-iisip na nakakatakot o mapupunta sa mali ang mga bagay.
Sa kabilang banda, mayroon ding parte na nakaaalam kung ano ang totoo at hindi para lubos na makapa ang bagay-bagay. Kumbaga, pagpapaliwanag ito ng negative at positive na pagtingin sa mga bagay. Tulungan siyang mas umibabaw ang positibong pag-iisip kaysa sa mga negatibo.
Halimbawa ay iniisip niyang pagtatawanan lamang ng mga tao ang art niya kaya hindi na lang niya gagawin. Ipaliwanag sa kanya na matutulungan siya ng art club na paunlarin pa ang mga likha. Sabihing ang purpose nito ay paunlarin ang kanyang talento at hindi ipahiya.
Photo by August de Richelieu from Pexels
Isa pang halimbawa na ma-a-apply sa panahon ngayon ay kung natatakot siya na makipag-meet sa inyong mga kamag-anak. Sabihan siyang ligtas naman ito lalo na bakunado na sila at nagpa-praktis kayo ng health protocols.
5. Ipaalala sa kanya ang mga bagay na napagtagumpayan niyang malampasan.
Gustong-gusto ng mga bata na nakaririnig ng magagandang kuwento. Natutuwa sila kung ito ay naririnig sa mga matatanda at napapalakas ang kanilang loob. Maaaring ikwento sa kanila ang mga bagay na minsan silang naanxious na subukan pero maganda naman ang kinalabasan.
Halimbawa, ikiwento muli ang dating takot niyang makiisa sa music class pero kalaunan ay minahal niya at nagustuhan. Ipaliwanag na maaaring ganun din ang mangyari kung muli siyang mag-e-explore ng bagong bagay.
Pwedeng sabihin na baka may mga bagong learnings at friends ang makilala niya doon na kung hindi susubukan ay hindi niya mararanasan.
Isang paraan din ay maaaring magkuwento ng personal mong karanasan na may takot pero maganda ang kinalabasan. Mahihikayat mo siyang sumuno sa iyong yapak.
Sa pag-unawa sa anak ay maaaring makabukas ito ng maraming oportunidad upang mas lumakas ang loob niya sa mga bagay-bagay.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!